Ano ako sayo

1.5K 18 6
                                    

Masaya akong nakilala kita,
Masaya ako tuwing kasama ka,
Masaya ako na nandiyan ka,
Masaya ako dahil minahal kita.

Kaso ang sayang nadarama ko,
Ay may sakit na bumaon sa puso,
Sakit na di maglalaho,
Dahil minahal kita ng todo

Isa, isang araw ay nahulog ako sayo,
Dalawa, dalawa pala kami ng kaibigan ko na nagkagusto sayo,
Tatlo, nahulog ka sa isa pang barkada ko,
Apat, masakit sa akin dahil naging tulay pa ako.

Naging taga pagpayo ako ng kaibigan ko,
Kaibigan ko na may gusto sayo,
Ang sakit no?
Ako na ang nagpapayo pero sarili ko ay litong-lito.

Habang tinatahan ko ang kaibigan ko sa pag-iyak,
Luha ko rin ay pumapatak,
Hindi nila alam na may gusto ako sayo,
Kaya akala nila nakikisimpatya lang ako.

Hindi, hindi ko masabi ang pagtingin ko sayo,
Hindi, tanggap ko na hindi talaga magiging tayo,
Hindi, kaso hindi ka mahal ng isang barkada ko,
Hindi, pero hindi mo mapigilan ang nararamdaman mo.

Tulad ko ay nagpakatanga ka,
Naghintay ka sakanya,
Naging martyr ka,
Tulad ko nasasaktan ka.

Bakit di nalang ako?
Bakit tumitingin ka pa sa malayo,
Ito at naghihintay ako,
Kahit ang sakit na ng todo.

Bawat pag-aalala mo sa kanya,
Bawat haplos mo sa kaniyang mukha,
Di ko matiis ang mapaluha,
At naiingit ako sa kanya.

Mahal na mahal kita kahit ano paman,
Kung di man maging kayo,
Tandaan mo may nag-aantay sayo,
Nandito ako bilang tagapag-payo,
Dahil alam kung yun lang ang papel ko sa buhay mo.

MGA TULA PARA KAY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon