Silver Bullet
HYRA was feeling some calloused hands touching her delicate parts. Kahit hilong-hilo ay pinilit niyang alalahanin ang lahat. Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na walang-malay para makaipon ng lakas.Judging from her situation, someone spiked her drink, that was why she's groggy. Bahagya siyang nagmulat para tingnan kung nasaan siya. Nasa isang silid siya at sa tingin pa lang ay hindi basta-bastang silid iyon. Parang mamahaling suite sa isang five-star hotel.
Nataranta siya nang hilahin siya ng lalaking hindi niya kilala at marahas na ibinubuka ang kanyang mga hita. Doon na siya hindi nakatiis at tuluyan nang nagmulat ng mata at buong puwersang sinipa ang lalaking nanghihipo sa kanya.
Bumangon siya, pero malaking pagkakamali iyon dahil agad na nahablot siya ng isa pang lalaki at tinulak pahiga sa kama. Napunit ang tela ng suot niyang blusa sa sobrang rahas ng pagkakahawak sa kanya ng isang lalaki. Napaigik siya nang malakas na sinuntok ang sikmura niya ng lalaking maraming tattoo sa magkabilang braso na kanyang sinipa kanina habang hawak-hawak siya ng isa pang lalaki na may kalakihan ang tiyan at matangkad.
Ang akala niya kanina'y isa lamang ang kasama niya sa kwarto, which turned out that there were two; both were big men trying to devour and violate her.
"P-pakawalan ninyo ako," pagmamakaawa niya.
"Titikman ka muna namin!"
"Pagsasawaan namin ang malambot at makinis mong katawan."
Natatakot na tumingin siya sa mga ito. "Huwag—"
Sabay-sabay silang napakislot at bumaling sa pintuan nang pabalya iyong bumukas; iniluwa niyon ang bulto ng isang lalaking hinding-hindi niya malilimutan sa tanang-buhay niya.
"Get your filthy hands off of her!" Dumagundong ang nangangalit na boses nito sa apat na sulok ng silid.
"Look who do we have here?" Ngumisi nang nakaloloko ang isang lalaking nakapatong sa kanya at hinaplos ang ibabaw ng kanyang dibdib.
"I said get off of her!"
Napatili siya nang maramdaman niyang parang may hanging dumaan sa may ibabaw niya, at bahagyang nagtaka nang makitang namilipit sa sakit ang nakaibabaw sa kanya; napahawak ito sa braso habang marahas na nagmura nang paulit-ulit. Napahiga rin sa gilid ng kama at sa isang iglap ay pinaputukan naman ito ng baril sa bandang tiyan.
"Putangina!" mura ng matabang lalaki at marahas siyang hinila payakap dito mula sa likuran niya saka siya sinakal. Gaya kanina ay naramdaman niya ang mabilis na hanging dumaan sa may gilid ng kanyang braso at humiwalay sa kanya ang lalaking nananakal sa kanya. Inuubo-ubo siya nang lingunin ito at nakita niyang may tama na rin ito ng baril sa braso. Walang sabi-sabing inasinta ng lalaking nasa pintuan ang tiyan nito at pinatamaan at hindi na niya sigurado kung humihinga pa ba.
Parang nanghihina naman ang lalaking namaril nang lingunin niya ulit ito. Lumikot ang mga tingin niya at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin may dugo palang dumadaloy mula sa kaliwang braso nito.
"A-are you alright?" Nanginginig ang kalamnan niya nang itanong iyon; puno pa rin siya ng takot sa muntik nang mangyari sa kanya.
"Let's get out of here, Hyra Serene. I'll bring you to the hospital."
The authority over his voice was undeniable. Wala na siyang magawa nang akmang lalapitan na siya nito. Sa puntong iyon ay alam niyang nagiba na ang pader na kanyang binubuo laban dito.
Subalit bago pa ito makalapit sa kanya ay marahas na bumukas ang isang pintuan, na sa isang tingin ay aakalaing pintuan patungo sa banyo, pero ngayo'y napagtanto niyang isa iyong connecting door sa isa pang silid. At dahil mas malapit siya roon ay kaagad siyang nahablot ng kung sino mang hayop na kung hawakan siya'y halos mapunit ang balat niya.
"Ibababa mo ang baril mo o gigilitin ko ang leeg ng pokpok na ito."
The man in front of her lost his cool. Ang agresibong mga mata nito'y napalitan ng matinding takot at pag-alala sa maaaring mangyari sa kanya.
The one who was holding her laughed evilly and deliriously. "I have found your weakness, Prietto."
Napalunok siya at ramdam niyang humigpit ang paghawak sa kanya—sa paraan na halos masakal na siya. Pinilit niyang lingunin ang salarin, subalit bahagyang dumiin ang patalim sa kanyang balat nang subukan niyang lumingon sa huli. Pakiramdam niya ay nagkasugat na siya't kaunting galaw pa ay babaon ang dulo ng patalim sa kanyang leeg na sigurado siyang ikamamatay niya.
Muli ay napalingon siya sa asul na mga mata ng lalaking nasa harap nila at nahintakutan siya nang mapagtantong wala nang emosyon ang mga iyon, taliwas sa kaninang puno ng pag-aalala at galit.
Nangalummata siyang tumitig sa lalaki na parang nakadagdag sa sakit na nararamdaman niya ngayon. 'Why are you staring at me that way?' She wanted to voice out but she couldn't find her voice.
Napakurap siya ng dalawang beses nang sa isang iglap ay walang pag-aalinlangan nitong asintadong itinutok ang baril sa kanya.
"W-what are you going to do?" tarantang tanong niya rito.
"Iputok mo! If you want your bitch gone in this world," tila demonyong usig naman ng lalaking nasa likuran niya.
She was almost pleading when she stared into the man's blue eyes. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Gusto niyang iparating dito na huwag nitong ituloy ang gagawin.
"Please . . . don't s-shoot me," garalgal ang tinig na sumamo niya.
But she must have been a very bad person in her previous life because her silent plea wasn't heard.
As she closed her eyes and her tears fell, she felt the bullet pierce through her flesh as she fell down on her knees. The pain was excruciating and that was where she lost it—he really did it. Binaril siya nito.
Nagmulat siya at nag-angat ng tingin sa lalaki. Buong pagtatanong niya itong tinitigan kung bakit nito nagawa iyon. Patuloy sa pagtulo ang kanyang luha habang iniinda ang matinding sakit. But there was something dark lying within his blue eyes.
She felt hazy until her eyesight became blurry; she was also losing a lot of blood already.
Again, she closed her eyes.
This must be her end.

BINABASA MO ANG
SMITTEN WITH HUE
Romance1/10 Hyra Serene Pendleton, an aspiring model, met renowned painter Arc Prietto. She was told that the moment he saw her, he knew he had to paint her nudity. That she is a living work of art and that she will be his favorite masterpiece. But someth...