Lalong nanlaki ang mga mata niya kaya alam kong hindi na naman maganda ang ilalabas ng bibig niya.

"Shaigne? Hindi ko kaibigan si Shaigne, Ate—oh, wait? Did you just say na si Shaigne?"

Dahan-dahan akong tumatango habang punong-puno pa rin ng pagtataka ang mukha ko.

Napatakip siya sa bibig niya. "Omg! Itutuloy nga nila! Narinig ko sa usapan nila Shaigne na maglalagay sila ng pills dahil mag-inom sila mamaya. Hindi ko naman alam na si Arden ang pakay nila kaya hindi ko na nasabi! Gosh, Ate, si Ards ang pakay nila!"

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko, pinoproseso sa utak ko ang mga salitang natatanggap ko mula sa kaniya.

"Mamaya pang gabi 'yon magaganap, Ate, kaya kailangan natin silang puntahan mamaya. Nag-gagala pa kasi sila kapag ganito at hindi natin alam pareho kung saan sila pumunta."

Tumango na lang ako kahit hindi na ako okay dahil sa mga nalaman ko.

Damn him! Nagsinungaling siya sa akin! I can't believe na magagawa niya sa akin 'yon!

Damn you, Arden! What the hell is your problem!? Bakit ba kailangan niya pang gawin 'yon!? Aanhin nila ang pills? Bakit kailangang may ganoon pa? At bakit naman siya sasama? Jusko.

Ano ba kasing kulang sa akin? Lahat naman binigay ko sa kaniya, e. Lahat pati sarili ko, lahat! Lahat binibigay at lahat ay magagawa kong ibigay para lang hindi niya ako iwanan pero bakit ganito?

"Ang ingay sa loob, Ate. Ano? Kakatok ka pa ba o-"

Napatigil si Cassidy sa pagsasalita nang walang sabi-sabing binuksan ang pinto. Kahit nanghihina na ako sa mga posibilidad na makita ko rito sa loob ay pilit kong tinatagan ang loob ko. Natatakot ako sa kung ano mang makikita ko ngunit kailangan kong tapangan ang sarili ko para maisalba ang relasyon naming dalawa.

Sumunod siya sa akin habang pinupuntahan ko 'yong living room. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ramdam ko na rin ang panlalamig ng mga kamay ko. Mas lalo lang lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko na ang mga sigawan nila kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

Nang marating ko ay nabitawan ko na lang ang hawak ko nang makita ko si Arden. Unti-unting nagbagsakan ang mga luha sa mata ko habang matapang na tinititigan si Arden na halikan iyong babaeng nasa harapan niya. They are still wearing their clothes while kissing. Their friends are chanting some words. Mukhang tuwang-tuwa pa sa pinanonood nila. I saw how that Shaigne lowered her kisses down to Arden's neck. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang tumigil nang halikan siya ni Shaigne sa leeg. Itinulak niya si Shaigne palayo at mabilis na napailing.

Gusto kong umiwas ng tingin para pigilan ang napaksakit na pakiramdam pero hindi ko magawa. Parang may kung anong pumipilit sa akin na tignan sila. Hindi ko alam kung tadhana ba ang gumagawa nito para mas lalo lang akong masaktan.

"No... No. Damn. This is wrong. I have a freaking girlfriend, Anthony!" I saw him glaring at whoever Anthony is.

"So, what? She's not here!" giit n'ong Shaigne kahit hindi naman siya kinakausap.

"I am here," sabad ko, hindi na maipinta ang mukha.

Napatigil din sila at rinig ko naman ang pagsinghap ni Cassidy na nasa likod ko.

Napalingon sila sa akin nang sabay-sabay. Bakat na bakat ang gulat sa mga mukha nila, lalong-lalo na si Arden. Kung kanina lang ay tuwang-tuwa pa sila sa pinanonood nila, ngayon ay para na silang nakakita ng nakakatakot na multo sa harapan nila ngayong nasa harapan na nila ako. Daig pa nila ang mga drug addict na nahuli ng mga pulis dahil sa itsura.

Mapakla akong natawa habang patuloy sa pag-agos ang luha ko.

"Really? Project, huh?" natatawang tanong ko habang tumutulo ang mga luha ko.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Where stories live. Discover now