CHAPTER TWELVE

77 4 0
                                        


CHAPTER 12: Panaghoy


MIKA'S POINT OF VIEW

Sumasakit na ang mga binti ko dulot ng mahabang paglalakad. Hindi koparin mawari yung nakaka hilakbol na panaginip ko nung isang araw, unti-unti narin akung na wawalan ng pag-asang makaka labas sa lugar na ito.


"Mika, pagod kana mag lakad?" Tanong ni cal sa akin habang hinahawi ang mga talahib na bumabalakid sa aming dinadaanan.


"Oo, pahinga muna tayo. Nauuhaw narin ako eh" sagot ko sa kaniya saka kami huminto at agad na umupo sa lupa.


"Mika, wala na tayong tubig at pag kain saan na tayo ngayon nito maghahanap" pag aalala ni cal. Kumakalam narin ang sikmura ko pakiramdam ko ito na ang kalbarayong dadanasin namin ni cal.


"Wag tayong mawalan ng pag asa. Mag lakad-lakad pa tayo baka tayo maka kita ng kung anong bagay na makaka tulong upang maibsan ang pagka gutom natin."


Tumayo kami, at nag simula na ulit mag lakad. Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw. Maski panahon ayaw maki ayon hindi manlang umulan sa lugar na ito sa loob ng isang buwan. Nakakapag taka naman ata yon. Habang kami ay nag lalakad tila dumidilim ang paligid kahit na tirik na tirik ang araw.


"Teka! Naririnig mo ba?" Ani ni cal sa akin saka ito napa hinto.


"Ha? Alin?" Takang tanong ko sa kanya.


"Parang may sumisigaw. Pakinggan mong mabuti" pag seseryoso nito. Ngunit tanging sibol ng hangin at pag kumpas lang ng mga damo at talahib ang aking na ririnig.


"Wala naman eh" sambit ko saka ito napa tingin sakin.


"Meron!" Parang galit nitong sabi.


Ano kayang problema nito, bat parang nag iiba kilos niya. Hayss siguro dahil sa pagod at gutom lang yan.


"Sige na. Na niniwala na ako. Ano bang sabi sa sigaw na naririnig mo? Ha" sinangayunan konalang siya para dina kami mag talo kahit wala naman talagang sumisigaw sa mga oras na to.


"Mga hinaing. Mga pag iyak. Humihingi sila ng tulong" sarkastamong sambit ni Calvin sa akin.


"Ha? Marami sila? Eh buong akala ko tayo-tayo lang mag kaka-ibigan ang na stack sa lugar nato?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.


"Hindi sila tao. Kundi isang kaluluwa marami sila. Mga panaghoy na nag papa antig ng aking puso. Nandito sila mismo. Wala ngalang sa ibabaw kundi nasa ilalim sila ng lupa, at tinutupok ng mala alon na apoy." Pag sasaad ni cal sa akin. Habang sinasabi sakin ito ni cal ay namuti ang mata niya nawala ang kaitiman. Pero alam kunang totoo ang sinasabi niya kasi may angking kakayahan siya na wala kami.


Bigla akong natakot sa sinabi niya sa palagay ko sila ay isa rin sa mga biktima ng lugar na ito. Sa suma total ay pag lipas ng mga araw pag hindi pa rin namin mahanap ang daan ay matutulad kami sa kanila tiyak na hindi rin matatahimik ang aking kaluluwa pag na matay akong hindi man lang alam ng pamilya ko. Pati katawan ko hindi nila masisilayan at ang masaklap. Walang maayos na libing kaya ganun nalang ang mga hinaing ng mga kaluluwang na stack sa lugar na ito.

The Game Of PsychopathWhere stories live. Discover now