IV - Luca McMillan

228 21 0
                                    

Tapos na rin sa wakas ang orientation. Dahil medyo maagang natapos binagyan kami nang oras upang libutin ang buong campus. Para maging pamilyar daw kami sa lugar.

Dahil sa naranasan ko, hindi na sumagi sa isip ko na maglibot pa, mahirap na baka makita ko nanaman yung halimaw.

Kailangang kong mahanap si Gaby pero ayaw ko nang magbakasakali pa sa Academy. Tumambay na lang ako sa may exit para kung sakaling lalabas siya magkikita kami.

Mga kalahating oras akong nag-abang nang biglang may natanaw akong paparating. Hindi si Gaby pero kilala ko siya.

Yung lalakeng tumulong sa akin para makabalik sa Hall! Lumapit siya sa akin at kinausap ako.

"Kamusta na? Musta yung exam naipasa mo ba? Tanong niya sa akin.

Nakatayo sa harapan ko ang isang lalake na halos kasing tangkad ko lang, maputi, malapong ang puting buhok, maganda ang tindig ng katawan at kulay asul ang mata.

"Oo naman, maraming salamat sayo dahil hinatid mo ko sa hall, kundi dahil sayo baka hindi na ako na kakuha ng exam. Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko.

"Walang anuman, masaya ako at may natulangan ako. Ako nga pala si Luca Mcmillan isang anghel kaw ba? Sagot niya.

Kahit na magkasama sa isang lugar ang anghel at demonyo hindi mo sila agad ma iidentify hanggat hindi mo nakikita ang kanilang mga pakpak.

Ang pakpak ng isang anghel ay parang sa ibon at kulay puti. Kasing puti ng ulap. Samantalang ang sa demonyo ay parang sa isang paniki at kulay pula, kasing kulay ng dugo.

"Ako si Angelico Summers pero Echo na lang. Isa rin akong anghel". Nakita ko na may hawak din siyang papel.

"Luca kumuha ka rin ng exam?" Tanong ko.

"Oo, medyo nahirapan nga ako eh. Kakatakot yung mga nagpaexam, parang hindi man lang marunong ngumiti noh" Sagot niya.

Natawa ako sa sagot niya.

"Oo nga eh, parang kakainin nila ako kanina, nakakatakot. Ano pala rank mo?"  Tanong ko.

"S class nakuha ko, kaw ba?" sagot niya.

Nagulat ako sa sagot niya. Totoo? Gaano siya kalakas para maging isang S class?

"Woah, S class ka!, hindi pala kita ka lebel, hindi rin kita pwedeng hamunin. B class lang ako" sagot ko.

"Okey lang yun, magpalakas ka niyan para pwede mo akong hamunin. Siguradong mahihirapan din akong idefend yung rank ko." Sagot niya sabay kamot sa ulo.

"Sana nga tumaas rank ko. Ganda ng guro niyo mukhang mabait pa." Tugon ko.

"Si Ms. Lucy? Oo ah kaganda nga niya. Sana NGA mabait siya. Kaya nga lalo akong naexcite nung malaman ko na siya yung magtuturo sa akin eh. Siguradong lagi akong makikinig" Sabi niya.

"Swerte niyo talaga kakainggit" tugon ko.

Sabay kaming nagtawanan.

Naging masaya ang aming paguusap. Mukhang magkakasundo kami nito.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon