Napakagat labi na lamang siya,slowly accepting his defeat..and admitting na napaka-selfish nga naman niya para hingin dito na piliin siya kesa sa trabaho nito gayong batid niyang ngayon palang makakabawi si Jungkook sa pamilya nito dahil halos siya lagi ang inuuna nitong asikasuhin kesa ang mag spend ito ng time sa sarili at pamilya.

"Tawagan mo'ko kapag magaling ka na hm?"

Tumango siya dito while wiping his tears. Nalulungkot talaga siyang hindi niya ito makakasama pero naiintindihan naman niyang may obligasyon pa din ito sa pamilya nito.

"Hanggang kelan ka dun?"

"I..i don't know"

"Di mo alam? Magtatagal ka dun? Ano bang gagawin mo dun??"

"Mhm..bakit ba andami mong tanong?"

"Sagutin mo nalang kaya!"

Dinig niya ang bahagya nitong pagtawa saka pinisil pa ang kanyang mukha.

"I'll have to attend business meetings there plus aasikasuhin ko din dun ang pinagagawang hotel ng mga business partners namin. So i really don't know kung kelan talaga ang balik ko dito"

"Kung ganon iiwan mo pala ako ng matagal..at walang kasiguruhan kung kelan mo'ko babalikan"

"Ji--

"Bakit naman ganun? Iiwan mo'ko kung kelan kailangan na kailangan kita sa tabi ko. Siguradong mamimiss kita,wala ng maghahatid sundo saken sa work..wala ng magdadala ng food for me..at wala na'kong makakatabi sa pagtulog"

Napaluha na naman siya,sa isiping iiwan na nga siya nito. Marahil ay napagod na ito sa kanya. O kaya nagiging pabigat na siya dito. O kaya naman narealize na nitong hindi na siya mahalaga dito.

"But Taehyung will surely do them for you..Lalo na pag nakakita ka na,you can do any thing you want without me..right?"

"I broke up with Taehyung..my parents are busy,si kuya na lagi lang ako inaasar..so sino gagawa ng mga ginagawa mo araw-araw saken?"

"A-ano? You and...Taehyung--

"Yes tinapos ko na lahat samin ni Taehyung and he agreed. Remember the day i got sick? Noong araw na yun din kami naghiwalay. Di ko na muna sinabi sa inyo dahil ayokong mag-alala pa kayo"

Sobrang nalulungkot talaga siya dahil iiwan din pala siya ng taong tangi niyang pinaghuhugutan ng lakas para magpatuloy siya sa madilim niyang buhay. Ito lang naman talaga ang nakapagkumbinsi sa kanya noon na lumaban at magpakatatag noong mga panahong di niya tanggap na wala na siyang paningin.

Kung kelan pa naman niya naamin sa sariling ito ang itinitangi ng puso niya. Na mahal din niya ito gaya ng pagmamahal nito sa kanya.

"Ji--

"I'm tired now Kookie..ingat ka nalang sa flight mo mamaya"

Humiga na siya sabay nagtalukbong ng kumot,letting his tears to freely fall silently. Akala pa naman niya,pwede nilang subukan ni Jungkook na i-level up ang relationship nila since pareho sila ng nararamdaman para sa isa't-isa..Kaso mukhang hindi pala.

"W-wait..Ji--

"I don't want to talk anymore Jungkook..just go before i break down here"

"O-okay..bye Ji,i love you"

Dinig niya ang malungkot nitong pagbuntong-hininga at mga yabag na tila kay bigat hanggang sa tuluyan na nga itong makaalis.

He cried louder this time,doesn't even stopped his sobs to come out. Gustong-gusto niya itong habulin at magmakaawa na manatili na lamang sa tabi niya...gustong-gusto din niyang sabihin dito na mahal din niya ito subalit,maaaring hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa.

Marahil pareho muna nilang kailangan ng oras at distansya sa isa't-isa. Ang tanong lang naman diyan,ay kung sino sa kanila ang unang magpapadaig sa kanilang pangungulila sa isa't-isa.

.

.

.

"Anak handa ka na ba sa operation?"

"Mhm"
Sagot niya sabay tango sa Mama niya,doesn't even care now kung maging successful ang operation or hindi dahil sa ngayon ang nalulumbay niyang puso at pangungulila kay Jungkook ang labis niyang dinaramdam.

"Kailangan mo lang magpakatatag at relax anak..kakayanin mo yan para samen diba?"

Tumango lang ulit siya sa Papa naman niya.

"Chim are you okay? Bakit ang tamlay mo at mukha kang malungkot?"

"W-wala ito kuya"

"Are you sure sweetie?"

Tumango na lamang siya ulit sa tanong na yun ng mama niya saka pumikit habang hinihintay ang doctor niya na magsasagawa ng operation.

Kasalukuyan kasi siyang nasa ward niya all dress up and ready for the surgery. Hinihintay lang talaga nila ang mga nurse na susundo sa kanya para dalhin siya sa operating room.

Ilang sandali pa nga ay dumating na ang mga hinihintay nila at dinala na nga siya sa operating room.

"Are you ready,Jimin?"

"Opo doctor"

Ang isip niya ay wala sa kanyang operasyon kundi nasa kabilang dako kung saan nananahan si Jungkook. Hiling niya na sana ay makabalik ito agad..

*

*

*

"Mr Jeon,handa ka na ba?"

Untag ng kanyang kaibigan na si Yoongi. Di mapalagay ang kanyang isip at puso dahil sa pangungulila niya kay Jimin.

Hindi siya nakatulog dahil sa mga nalaman niya kagabi na hiwalay na ito at Taehyung..Nasaktan pa naman siya nung araw na yun dahil sa nasaksihan niyang paghahalikan ng dalawa.

"Sir,okay ka lang ba?"

"Ayos lang ako Yoongi. Tayo na"

"O-Okay..pero sir pwede pa magbago ang isip mo at wag ng ituloy 'tong--

"I've decided and it's final. Halika na,we're late"

"Y-yes Sir"

Wala na itong nagawa kundi ang sundin lahat ng ipinag-uutos niya.

"Please be safe,my mochi..sana maging successful ang operation mo..I'll miss you"

Kookmin's Love Is BlindWhere stories live. Discover now