Kabanata 1:

426 6 6
                                    

"Lagyan mo pa nang isang star dito."

Naalimpungatan ako ng may mga bulong akong naririnig malapit sa mukha ko. May nararamdaman din akong malamig na bagay na tumutusok sa mukha ko at gumagalaw.

"Hihihi... Dapat nilagyan pa natin yung palibot ng mata niya." Paimpit na tumawa ang dalawang boses na naririnig ko. Ano bang ginagawa nila? Inaantok pa ko at iniistorbo nila ang tulog ko.

Hahayaan ko na sana sila sa ginagawa nila at itutuloy ang tulog ko ng biglang pumasok sa isip ko ang dalawang kabote na kasama ko dito sa bahay. Agad kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa'kin ang mukha ng dalawang salarin na sumira sa mahimbing kong tulog.

Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat at takot, hindi ko alam kung nagulat sila sa pagdilat ko o natatakot sa nakikita nila. Nagitla ako sa biglang pagsigaw nila.

"Ang pangit mo!" Sigaw ng kapatid ko at agad silang kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto ko. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dalawang pentelpen sa sahig.

"What the..." Agad akong bumangon sa kama at tinignan ang mukha ko sa salamin.


"IVAN!OLIVE!"

I shouted at the top of my lungs. Mga bwiset na bata! konti na lang talaga at ilalagay ko na sila sa sako at ipapaanod sa ilog. Narinig ko naman silang tumawa. Gustong-gusto ko na silang iligpit ng buhay. Gawin ba namang drawing book ang mukha ko. May bituin sa magkabilang pisnge ko, may isa din sa noo ko, mukhang araw naman ang nasa ilong ko at puno din ang palibot ng mata ko. Ngayon pa lang ay binibitay ko na sila sa isip ko. Humanda ang dalawang yun sa'kin pagbaba ko.



"You should have seen her face, Dad. Total epic" Halos maubusan na siya ng hininga kakatawa. Siya nga pala ang nag-iisa kong kapatid na si Ivan. He's 14 years old yet he don't act like one. Hilig niyang pagtripan ako at gawan ng mga pranks. Kung hindi ko lang siya kapatid ay matagal ko na siyang binitay patiwarik.

Magsasalita pa sana ang pinsan kong si Olive ng pandilatan ko siya ng mata. Natakot naman siya sa'kin at nagpatuloy sa pagkain. Mag kasing edad lamang sila ni Ivan at partners-in-crime silang dalawa pag dating sa pangbibwiset sa'kin.

"That's enough. Pinagtitripan niyo na naman ang ate Samantha niyo." Awat naman ni Dad sa dalawa. "Yes Dad/Yes Tito"

"Tapusin mo na ang dapat mong tapusin sa school, Samantha" Sabi sa'kin ni Dad. Agad namang napataas ang isa kong kilay.

"Yes, Dad. Bakit may pupuntahan ba tayo?" Tanong ko naman. Wala namang kaso sa'kin dahil ipapasa ko na lang ngayon ang mga requirements ko, then off to go na ko.

"I want to spend our vacation in my hometown. Kaya tapusin niyo na ang dapat niyong tapusin because I want to leave as soon as possible." In his hometown? Agad akong kinabahan ng maalala na 'dun din pala nakatira ang mga kapatid ni Dad.



"Are you sure you're going to be okay?" Kahit ako ay hindi alam kung magiging okay lang kung pupunta ako 'dun. Hayssst!

"I don't know Dei" tumigil na kami sa harapan ng office ni Mrs. Rosaros. "But I know Dad will take care of me" He supported me to my decision. Alam kong hindi niya ko pababayaan.

"Okay. Mauuna na ako sa cafeteria para mauna tayo sa spot natin. Break time na rin." She winked at me and marched away. Pumasok na rin ako para ipasa ang summary report na ginawa ko.

"So, what's your plan? Are you still going?"

"Of course, I need to go." It's like I have other choices and besides, if I still remember it correctly, wala sila Lolo at mga kapatid ni Papa dito sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa sila nagbabakasyon.

Mansion del Torres (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now