Chapter 16: The True Feelings of Claudia

5.2K 169 2
                                    

Sapphire's POV


"Sapphire."tawag sa akin ng isang boses.

"Sino ka?"tanung ko habang hinahanap kung saan galing ang boses.

Napatingin naman ako dun sa may duyan na katabi ng isang puno at nakita ko siya naka-upo roon.

"I'm Keira."sabi niya at tumawa ng mahina.

Lumapit naman ako sa pwesto niya.

"Anong ginagawa ko rito?"tanung ko at nilibot ng aking mga mata at hindi ko inaasahan na nasa isa akong paraiso.

"I just want to warn you. Malapit na silang bumalik rito."sabi niya habang nakatingin sa mga bulaklak.

Sa kaloob-looban ko wala akong maintidihan sa sinabi niya.

"Huh?"

"Huwag ka ng tumanggi. You're just pretending that you know nothing."sabi niya at tumayo.

Napansin ko lang parang 8 years old pa lang siya.

"What do you mean? Nagguguluhan ako. You're not an ordinary child."sabi ko .

"Well, hanggang dito na lang ang pag-uusap natin."sabi niya.

Pagkatapos nun ay nawala na lang siya bigla at nandilim na ang buong paligid.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ng isang boses "Please take care, Princess Athena." 

Isang tao lang ang tumatawag sa akin nan ~ Is she Keira Lotus, my childhood bestfriend?

 ***

Hmmmm....

Arghh! Ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko sasabog na yung mga brain cells ko.

Minulat ko dahan-dahan ang mga mata ko. Isang pigura ang una kong nakita ko.

"Wah! Gising na si Sapphire."sigaw ni Jane.

Napabalikwas naman ako sa kama dahil sa gulat. Less than a second nandito na sila nakapaligid sa kama ko.

"Uhm! Anong nangyari? Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito? Sin-"naputol yung sinabi ko ng biglang sumigaw si Jane at Fia.

"Gosh! Nagka-amnesia ka ba? Huhuhu! Hindi niya tayo ma-alala. Huhuhu."pag-iyak ni Fia.

Naguluhan naman ako pero biglang na-absorb ko lahat ng nangyari at lahat ng sinabi ni Fia.

"It's no-"

"Wah Ajujujuju! Dapat p-pala hinigit ko na lang si Sapphy paalis ng Arena."sigaw ni Jane habang naglulupasay sa sahig.

"Wa-"

"Sapphy! Ba't mo kami kinalimutan okay lang kalimutan mo si Claudia basta wag lang ako."sabi ni Fia

"Hoy! Anung sinasabi mo diyan pinapalala mo lang ang sitwasyon."sabi naman ni Claudia na bakas ang lungkot.

"Gu-"

"Sapphire, sabi-"sabi ni Raine pero pinutol ko.

 "WAIT LANG, GUYS! PLEASE PAGSALITAIN NIYO MUNA AKO. KANINA PA KAYO SABAT NG SABAT SA LAHAT NG SINASABI KO."sigaw ko na parang puputok na ang litid ko sa leeg.

Kung hindi lang seryoso ang atmosphere kanina pa ako tumatawa.

Si Mike kasi kumakain ng adobo with rice ay nabilaukan. 

Magical Academy (R&F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon