3 "Thank You, Next"

78.6K 1.3K 55
                                                  

3

"Thank You, Next"

CANTEEN

Ikakain ko na lang tong kahihiyan na nangyari sa'kin kanina. Parang ayoko munang makita si Cliff. Pangarap ko kaya ang mapansin at makausap nya. Dapat masaya ako. Kasi napansin nya ako tsaka sya pa yung unang kumausap sa akin. Dapat happy lang, pero bakit parang magkakasakit ako sa nangyari. Kapag naalala ko ang nangyari nahihiya ako ng sobra!

"AAAHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako sabay hampas sa table. Nakalimutan kong nasa canteen nga pala ako.

"Sorry. I passed my exams lang kasi." Sabay yuko at tuloy sa pagkain. Di pa nga exam week. Ay naku, talaga. Napapailing na lang ako. Alam nyo ba yung feeling na paulit ulit nyong naiisip ang nangyari na tapos sinasabi nyo sa sarili nyo na sana pala ito yung sinabi ko. Kaso too late na, hindi na maibabalik ang nangyari na.

"Hoy, Torrence bakit ka sumisigaw dyan?" sabay batok sa'kin ni Katy. Syempre nanakit na naman sya. Pero feeling ko ito yung araw na kailangan ko talagang mabatukan para magising ako. Baka sakaling nanaginip lang ako kanina.

"Bes isa pa ngang batok, please?" Yumuko ako. Ready na ako, tsaka na-anticipate ko na yung bigat ng kamay nya sa pagbatok sa'kin.

"Anong problema mo?" Umupo sya sa tabihan ko tsaka ako hinawakan sa noo. Kung kailan inaasahan kong sasaktan nya ako, tsaka naman hindi nya ginawa. "Kamusta naman yung back subject mo? Namiss ka ba ni sir Von?"

"Oo eh, palagi ako ang napapansin nun. Pero alam mo ba bes, may nakakahiyang nangyari sa'kin knina." Naluluha na talaga ako. Kung wala akong kaibigan na Katy, malamang nabaliw na ako. Kailangan ko talaga ng may mapagsasabihan.

Tinitigan nya ako at wala syang expression. Alam na nya kaya ang nangyari sa akin kanina? "Weh, nagjojoke ka? Sure ka kanina lang?" Pang-aasar nya.

Naku, okay na yung momentum eh, sabay banat ng ganun. Nakakainis lang!! Sinipa ko ang ilalim ng table, syempre nagsisi ako kasi masakit. "Ano ba Katy!! Seryoso ako!! Kung inatake ako sa puso kanina wala ka ng kausap ngayon!"

"Eh seryoso din naman ako." Sagot nya, pero mukha talaga syang seryoso.

"O sya bahala ka na nga dyan." Patayo na ko nung pinigilan nya ko. Alam ko namang hindi nya ako matitiis.

Yan ang bestfriend ko. Si Katy Fran, 17 years old. Mahirap lang sila dati pero nanalo sa lotto yung parents nya kaya instant millionaire sila. Oha astig di ba? Kaya mabait yan kasi dumanas din sya ng hirap. Marami na silang business ngayon at nasa ibang bansa na din ang parents nya. Ang totoo nga sa edad nyang yan eh pinag-mamanage na sya ng isa sa mga negosyo nila. Maabilidad kasi ang parents nya kaya napalago nila yung napanalunan nila sa lotto. Napakaswerte no. Kapag may pera ka talaga gumaganda ka. Ganun kasi si Katy. Mean ko bang friend?

"Sige na sige na. Arte eh. Ano ba yun?" She sounded as if she didn't have a choice. Wala talaga syang choice.

Medyo careful na ako this time. I looked around muna making sure wala si Cliff somewhere near, tsaka ako bumali sa pagkakaupo.

"Classmate ko si Cliff sa class ko kay sir Von." Bulong ko kay Katy. Medyo hindi ko maitago ang kilig ko.

"Hindi nga? Eh di hindi ka na nakinig kay sir?" Mukhang hindi sya naniniwala. I can't blame her, ilang beses ko na kasi syang niloko, kaya ngayong nagsasabi na ako ng totoo hindi na sya naniniwala sa'kin.

"Hindi naman talaga ako nakikinig dun. Pero hindi yun yung gusto kong sabihin." Halos bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko.

"Hindi pa yun? Eh ano pa? Wait don't tell me may kapalpakan ka na namang nagawa?" Medyo umagwat sya sa'kin. Yung alam mong para kong may sakit or something. Parang sya yung unang taong ikakahiya ako bukod sa sarili ko.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon