Bakit Siya Pa? (One-shot)

16.8K 827 203

Dedicated to zhidez! Hello! Idol ko yan! Hehe. Ang gaganda kasi ng story niya eh. Lalo na yung "The Legends". Akin na lang si Sly ah? Chosera lang. XD

Haleeeeer! First time ko itong one-shot. Naisip ko lang bigla kasi medyo nakakarelate. Hahaha! Sana magustuhan niyo. Sorry kung may typos. Ipad kasi gamit ko sa pagtatype kaya hindi pwede i-bold yung mga letters at wala pang kober photo. Haha. Pero gagawan ko next time. Sana okay lang siya. Perstaym to-its. Haha. Try ko lang. XD

*^+%€<%@$):)$@*

Bakit Siya Pa?

Isang napakalaking katanungan ang naiwan sa isipan ko...

Bakit siya pa?

Alam niyo ba yung pakiramdam ng nagmahal ka pero may mahal siyang iba? At ang pinakamasakit ay ang taong mahal ko ngayon ay ang bestfriend ko. Ang sakit...

Masakit dahil wala siyang kaalam-alam sa nararamdam ko. Masakit dahil sa tuwing nagkekwento siya kung gaano niya kamahal yung babae nanliliit ako. Masakit dahil sa paningin niya hanggang kaibigan lang ako...

"Clarisse! Alam mo bang nag-date kami ni Kylie kahapon? Grabe ang saya ko!"

"Bes! 1 month na kami bukas! Anong magandang regalo?"

"Uy bestfriend. Tulungan mo naman ako, nagtampo yung mahal ko :("

"Anong pwedeng surprise para naman malaman niya kung gaano ko siya kamahal?"

"Grabe bes! Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko!"

Takte. Kelan mo kaya mararamdaman na ako naman talaga ang tunay na nagmamahal sayo? Kelan mo makikitang ako talaga ang handang magmahal sayo ng buo?

Sa tuwing sinasabi niya yan, ngingiti ako at tatalikod para hindi niya makita ang mga luhang namumuo sa mga mata ko...

Lagi ko na lang palusot: "Magbabanyo lang ako" at doon ako iiyak ng iiyak...

Ang sakit...

Ang sakit sakit...

Sa araw-araw na kasama ko siya, araw-araw ding nadudurog ang puso ko...

Araw-araw walang tigil ang pagbuhos ng mga luha ko...

Hanggang sa hindi ko na kinaya...

Ayoko ng masaktan...

Ayoko ng umasa...

Ayoko ng umiyak ng dahil sa kanya...

Iniiwasan ko na siya. Sa tuwing kakausapin niya ako, hindi ko na lang siya pinapansin, nagkukunwari na lang akong madaming ginagawa. Sa tuwing nakakasalubong ko siya, hindi ko siya tinitingnan, ni hindi ko din siya nililingon dahil kung nagkataon baka hindi ko mapigilan ang sarili kong bumalik sa kanya...

Pero ayaw ko ng maging tanga dahil sayo Kevin...

Ayoko na...

Hanggang ngayon naman sila pa rin naman nung girlfriend niya kaya tama lang siguro na layuan ko na siya...

10 months ko siyang hindi kinausap, buong school year! Natatawa ako sa sarili ko. Akalain mong nagawa ko yun?

At ngayon ay gagraduate na kami, nakarating sakin ang balitang hindi makakaattend si Kevin ng Graduation Ceremony sa hindi malamang dahilan...

Nung natapos ang ceremony, may nag-abot sa akin ng sulat...

Nagpunta ako sa may garden ng school kung saan may bench...

Muling nagkaroon ng pag-asa ang puso ko...

Baka galing ito kay Kevin at sasabihin niyang mahal na niya din ako...

Laking tuwa ko na galing nga sa kanya...

Pero...

Naiyako ako dahil sa nilalaman ng sulat...

Dear Clarisse,

Baliw ka talaga. Bakit hindi mo na ako kinakausap? Ano bang nagawa ko? Sorry kung ano man yun. Siguro kapag binabasa mo na to ngayon, nakaalis na ako. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita bes. You're my little sister. Ang dami ko pa naman sanang ikekwento tungkol sa amin ni Kylie. Going strong kami Bes! Sorry kung hindi ako makakaattend ng graduation kasi sa panahon na yun kasama ko si Kylie. Pupunta kaming ibang bansa kasi napagkasunduan ng parents namin na pareho kaming dalhin sa ibang bansa. Sobrang saya ko Bes! Mamimiss kita pero kailangan eh. Mahal na mahal ko si Kylie. I can feel that she's the one. Thank you for everything bes. Promise me that you'll be my bestfriend forever. I love you bes! Ingat ka. Congrats!  

Ang pogi mong Bestfriend, 

Kevin 

Nabasa na ang sulat dahil sa luha ko...

For the nth time...

Nasaktan na naman ako...

He chose to leave me just for her...

Bakit kasi siya pa? :"(

*^+%€<%@$):)$@*

Ansaveeeeh? Haha! Nakakarelate amfots! XD Naisip ko lang yan bigla kanina. Wala akong magawa eh. :D

Maganda ba o putchu putchu? :D

Bakit Siya Pa? (One-shot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!