"What are you holding?"
Nagtatakang tanong sa akin ni Maxi but i couldn't care less dahil dahan dahan akong naglakad sa mahabang hallway. Binabantayan kung makakasalubong ko ang babaeng yun.
"It's a cross, Maxi. Don't be stupid." Maarte kong sagot sabay tanggal ng sunglasses ko na kanina ko pa suot. Gosh ang init. Pinunasan ko yung noo ko gamit ang kamay ko saka pinaypayan ang sarili gamit parin ang kamay.
Hiding from that girl and the Philippines' weather isn't a perfect combination. Napahimas din ako sa paa dahil kanina pa ito nananakit. I decided to wear a black boots instead of a school shoes dahil no one can stop me. Pero gosh mukang making desisyon ata eh.
"I'm glad 'di ka nasunog." Sabay halakhak naman ni Tim. I glared at him sabay suot ulit ng sunglasses at binalik ko ang poise ko.
"Whatever, tara na. The coast is clear." I exclaimed and strut my way out of the runway.
As usual, napapatingin nanaman sa akin ang mga estudyante. Some of them smiled at me at yung iba nakatitig lang sa akin. I'm used to this attention. Wala nang nagbago. For how many years, sanay na akong sentro ng atensyon. Iba talaga 'pag gwapo, tsaka maganda.
Hindi pa man ako nangangalahati sa hallway ay natanaw ko na yung babaeng pinagtataguan ko. She's chewing some gums at abala sa cellphone niya. She's walking like a thug pero wala siyang pake. Pinagkaiba lang, naka-uniform na siya ngayon.
"Itim na betlog!" I panicked. Saan ako magtatago? I need to hide! Winarningan na niya ako kaya dapat ko na siyang layuan. Baka isumpa ako niyan o gayumahin. Mahirap na! I don't want to lose my virginity. Muka pa namang rapist yun.
"Gabi, ayos ka lang?" Kinalabit ako ni Maxi kaya natauhan ako. Papalapit na talaga yung babae sa direksyon ko.
I really need to hide!
I ran at the nearest door I could find. It was dark. Pero dahil muntik na akong matumba sa isang balde, alam kong nasa janitor's room ako. Wala sa sarili kong siniksik ang sarili ko sa sulok. Hawak hawak ko din ang mop at tinakip yun sa sarili ko.
Why am I hiding?
Ba't ako kinakabahan? Ba't ako natatakot?! And shit I forgot my cross sa kamay ni Tim! Naiwan ko cross ko. Mariin akong napapikit at halos atakihin ako sa puso nang bumukas ang pinto.
I saw her figure walked inside at nang masarado niya ang pinto, napadasal nalang ako. It was black. Completely blackout! Nakakarinig ako ng mga bagay na nababangga niya. I can also hear her curse tuwing may nababangga siya.
I really need the cross!
The noise stopped. But my heart was still beating rapidly. Mas lalo itong dumagundong nang makaramdam ako ng mainit na hininga sa ilong ko. The scent is also hypnotizing. Ang bango. Pero natatakot ako sa kung kaninong pabango yun nangangaling.
In a blink of an eye, nagkailaw.
A figure of a woman towering me. Yung kamay niya nasa taas ko at nakatingala din siya. Her lips, a few inches away from my nose and the smell of her minty bubble gum lingered in my nose.
I can die any moment!
And when she lowered her eyes to look at me— I almost fainted! Medyo naggulat siya nang makita ako pero kalaunan, bigla siyang ngumisi. Mas bumilis ang tibok ng puso ko at mas grumabe ang tagaktak ng pawis ko.
I flinched nang maramdaman ko ang kamay niya sa tuhod ko. What the freaking hell is she trying to do!? Pataas ito ng pataas..... and it stopped somewhere in my torso. Napalunok ako. I can literally feel my sweat dripping like rain drops! Ilang beses na rin akong napalunok at napadasal na sana wala siyang magawang masama sa akin.
But the way she smirked... it send shivers on my spine!
"We meet again." She muttered before she...
"WAG!" hiyaw ko. Nakalayo na siya sa akin at nakita kong hawak hawak na niya ang mop na kanina ko pa pinanggigigilan. She wasn't trying to rape me... kinuha niya lang ang m-mop?
"Bakit ano bang inaakala mong hahawakan ko?" She teased at lumapit ulit siya sa akin. She towered me again at para akong isang bida sa mga romance novels. Kung saan kinukulong ng bidang lalaki ang babae sa isang sulok. Ang pinagkaiba, baliktad ang posisyon. Bakla ang nakakulong, babae ang nagkulong.
"W-Wala." I denied. Humagalpak siya ng tawa bago niluwa kung saan ang bubble gum niya.
"You're funny." At iniwan na niya ako sa loob ng janitor's room. Saka ko lang napansin na para akong naka-squat sa posisyon ko. Kaya pala madali lang na i-tower ako ng babaeng yun dahil naka-squat position ako!
Umayos ako ng tayo at nauntog ako sa isang bagay. Nang kinapa ko ay saka ko lang napansin yung switch. Betlog na itim kaya pala! Argh ba't ko ba hinahayaang ganitohin ako ng babaeng 'yon?!
Nagmadali akong lumabas ng janitor's room at hinanap ang mga alagad ko. Pero 'di ko sila makita. Asan na sila?!
Inis na inis ako habang naglalakad at tinatahak ang hallway. My hair is dripping wet dahil sa pawis na nadama ko sa loob. I can also feel my uniforn getting wet dahil sa pawis ko. And I can't blame people kung pagtitinginan nila ako. Muka akong basang sisiw!
Natagpuan ko sila na nakaupo sa cafeteria. Hawak parin ni Tim ang cross na dala ko. They are freaking eating without me!
"TIMOTHEE! MAXIMO!" the attention was now on me. And when they saw me, their jaw dropped. Pati na rin ang ibang nakakita. Inis akong naglakad papalapit sa kanila. Not minding my posture anymore. Para akong siga na naglalakad sa inis.
May gana pa talaga silang kumain ha?! Hindi nila pinigilan ang babaeng yun na pumasok sa kwartong pinasukan ko! 'Di rin nila binigay sa akin ang cross na dala ko! Ede sana nakahingi pa ako ng tulong sa poong may kapal!
"Tim, lalaki na ba si Gabi?"
"Tingin mo?"
Hinampas ko ang lamesa nila nang marinig ko iyon. Ngayon pag-iisipan pa nila ako ng kung anu-ano? Mga walang kwenta!
"Gaganti tayo." Matigas kong sabi. Napalunok ang dalawang bakla bago hinagod ang basang basa kong polo. Gosh naiistress ako!
"Calm your boobs, Gabi."
"Calm your bayag, Gabi."
Sinamaan ko nanaman ang dalawang bakla ng tingin bago bumuntong hininga. I promise, from now on.....
Gaganti ako!
© ohraenges

BINABASA MO ANG
She's into Gays
Teen Fiction🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's into gays. /completed.