Chapter 3

Gino’s POV

“So ano na nga? Makikipagdate ka ba talaga sakin mamayang gabi?” Tanong sakin nitong babaeng ito.

I’m currently here sa garden ng school.

Tambayan kasi ito ng mga students eh.

Kahit dalawang babae pa mga kasama ko ngayon, sobrang nabobored talaga ako.

“Sheena, di ko lang sure ha” Sabi ko sa kanya.

“Hoy gino! Anong sheena? Lorraine pangalan ko”

Napatingin ako sa kanya sabay flash ng heartthrob smile ko.

“Lorraine naman sabi ko ha”

Napangiti rin siya nung ni-wrapped ko yung isang arm ko sa waist niya.

“Eh ako gino? Kelan tayo lalabas?” Tanong naman nitong fake blonde hair na girl.

“Siguro next week na lang, okay?”


“Yay! You’re the best talaga”


“Wala yun Stacey. Ikaw pa”


“Stacey? Huy! Chloe kaya! Hay nako! Kinakalimutan mo naman ako eh”


“Sorry na...”

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya kaya napangiti siya. Tapos inakbayan ko pa siya.

“DUDE!! Ang aga-aga, chicks agad ang inatupag mo?”

Natawa ako nung bigla na lang sumulpot si Katsumi kasama si Seth at Lester.

Sila nga pala ang mga bestfriends ko.

Teka, corny pakinggan.

Bandmates slash bro’s since pre-school…

Kasama kapatid kong si JC sa banda namin na PARKING FIVE.

Si Seth yung lead guitarist.

Ako yung bass guitarist.

Rhythm guitarist namin si Kats.

Yung kapatid kong si JC yung lead singer.

At drummer si Lester.

I'm his TUTOR (kathniel)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!