Dalawampu

132K 4.9K 1.7K

DALAWAMPU

After mag-transform ni Rolando Berto Judas o kuko o Blaine into fully grown genie saka lang sumakit ang ulo ko. Parang hindi kinaya ng utak ko ‘tong panibagong nalaman ko. Too much informations would kill my brain in no time. Bakit? Bakit kailangan may ma-discover na naman akong ganito. Pinalayo ko na nga sa buhay ko ‘yung isang genie kahit masakit sa loob ko tapos may susulpot pa palang isang hinayupak?

Isang genie na matagal ko ng nakilala at minahal pa nga. Pucha naman, oh. Gusto ko ng ordinaryong buhay. Ayoko ng may genie na umaaligid sa akin, ayoko ng may powers na nakikita, ayoko, ayoko, ayoko.

Pero bakit kahit anong pilit kong takbuhan ang mga punyetang ‘to bumabalik pa din sila sa akin. Ano ba talaga ang koneksyon ko sa kanila at bigla silang sumusulpot sa buhay ko?

Napansin kong naglalakad na papalapit sa akin si Rolando habang nasa ibang demensyon pa din kaming dalawa na tanging puro kulay itim lang ang nakikita ko. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Gusto kong umalis dito. Gusto kong mawala siya sa harapan ko. Pero kahit anong pilit ko igalaw ang mga paa ko ayaw nito sumunod sa akin. Taena dis. Ano ba mga feet? Galaw-galaw rin kapag bet ko kayong gumalaw.

“Huwag kang lalapit sa akin punyeta ka!” sigaw ko kay Rolando. Mabuti naman napahinto siya sa paglalakad. “Ibalik mo ako sa mundo. Sa bahay ng dragona kong tiyahin. Kung puwede lang umalis ka na sa harapan ko at buhay ko!” bulyaw ko sa kanya.

Napatitig siya sa akin saka umiling-iling. “Jennyvib, hindi puwede,” malumanay niyang sagot. “Kahit anong gawin mong pagtakbo sa nakaraan mo, hindi mo ‘to magagawa. Babalik at babalik ang lahat sa iyo hanggang hindi natatapos ang propesiya.”

“Hindi ako si Jennyvib!” sigaw ko sa kanya “Tigilan mo ‘yan! Si Jennifer ako. Hindi Jennyvib ang pangalan ko. Anong nakaraan? Anong propesiya? Wala akong alam sa ganyan. Tigilan mo ang pagsasabi ng mga walang kwentang bagay. Isa lang akong ordinaryong tao!”

“Jennyvib, Jenny, o kahit ano pang pangalan mo sa hinaharap. Ikaw pa rin ‘yung unang tao na nakatakda na wawasak sa kaharian ng Florea.” Tumitig siya sa mga mata ko. “Ikaw pa rin ‘yung ordinaryong nilalang na una kong minahal kahit mahigpit na pinagbawal ang batas na ‘yun sa mundo ng Orlea at Florea.” Naging malungkot ang mga mata ni Rolando habang nakatitig sa akin. Parang naipon sa mga mata niya ang isang kalungkutan na hindi niya makakalimutan kahit kailan.

“Isa lang ‘tong panaginip,” pagpupumilit ko. “Hindi ka genie. Mas’yado lang akong na-attach sa pagiging genie ni Laxus kaya pati ikaw iniisip kong genie na din. Hindi ka puwede maging genie. Nakilala na kita noong dumating ako sa lugar ng tiyahin ko. Nakilala ko pa ang magulang mo. Ang dami nating pinagsamahan na pero wala kang kahit anong kakaibang pinakita. Pinapagpalit mo pa nga ako sa babaeng mukhang ingrown sa talampakan. Tama. Hindi ka genie. Isa lang ‘tong masamang panaginip,” pagpupumilit ko sa sarili ko.

“Jenny, makinig ka,” muli niyang pagsasalita. “Lahat ng pinakita ko sa’yo ay produkto lamang ng kapangyarihan ko.  Mula sa mga magulang ko, sa tinitirahan ko, sa mga taong malapit sa akin, at sa babaeng pinagpalit ko sa ‘yo. Lahat ng iyon ay ilusyon lamang,” pagpapaliwanag niya. “Alam kong dadating ka sa lugar na ‘yun kaya bago ka pa dumating nauna na ako para agad kang makita. ‘Yun bahay na tinitirahan ko ay isa lamang ilusyon. Kaya kahit kalian, hindi kita dinala ro’n. ‘Yung mga magulang ko ilusyon lang din pati mga taong malalapit sa akin. ‘Yung girlfriend ko na nakita mong kahalikan ko?” tanong niya sabay biglang may lumabas sa harapan ko.

Lumabas sa harapan ko ang babaeng mukhang ingrown na nakangiti sa akin. Pati pagngiti ng punyeta na ‘to nakakabuwisit sa totoo lang.

“Isa lamang din siyang ilusyon,” pagpapatuloy ni Rolando saka biglang unti-unting naglaho at naging itim na usok ang imahe ni ingrown. “Lahat nang pinakita ko sa ‘yo ay ilusyon na aking kapangyarihan, Jenny. Saka, hindi ka ba nagtaka noong bago tayo nagkakilala? Anong insedente ang nangyari kaya tayo nagkakilala?” muli niyang tanong.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now