x60: One More Crazy Night? (part2~)

170K 2K 386

dedication porr -- @LunaDeMiel :D

uhm di ko sure kung tama dedic ko XD sa chat kasi un eh! im so so so porgetpul pa naman.. x.x 

- - - - 

x60: One More Crazy Night? (part2~) 




[CJ's PoV] 


W-WHAT THE?! O___O 


Hindi pa raw kami nagbebreak? Boyfriend daw nya ko? ANONG PINAGSASABI NITONG SI APPLE?! 


Nakangangang bumitaw naman sakin yung babae. 


"Babe.." Now Apple called me BABE?! 


Ah, yun nga pala ang kunwaring endearment namin non. AH ULIT! I think I already know what Apple is up to! She's just helping me get out of this mess! 


Tsk. Can't believe I've taken this long to realize that. 


"Tara, uwi na tayo.." humigpit ang hawak nya sa braso ko. 


"R-Right babe.." sagot ko sakanya at tumayo na ko. "Sorry about this.." 


Apple smiled at me and clung to my arm. "Ano ka ba. Okay lang. Ang mahalaga, kahit LQ tayo eh hindi mo pa rin ako pinagpapalit sa iba." 


I wanted to laugh at that-- at her weird facial expression to be exact. Ang panget kasi ng pagkaka-pout nya oh. But of course, minaintain ko ang pagkaseryoso ko. 


Nagbayad muna ko sa bartender bago namin iniwan yung babae na nakanganga pa rin samin. 


Sa labas, nang marating na namin ang kotse ko, bumitaw na sya sakin at tumatawang pinaghahampas ang braso ko. 


"WEW! Kamusta naman daw yun?! Di ko akalaing aarte ulit tayo ng ganun ah! HAHAHA. Buti na lang di na kailangan ng ano...ng..AHAHAHA" 


Err.. Lumalakas ang hampas nya ah. Just like before. 


"WUI, TJ!" bigla nyang niwave ang kamay nya sa tapat ng mukha ko. 


Natulala pala ko sakanya. Di naman kasi ako makapaniwala na nakita ko sya ulit. I thought na hindi na eh. Na wala na. But then now, here she is. 


"Hmpff. Siguro, nalimutan mo na pangalan ko noh?" she pouted again. 


"N--" 


"CHERRY. Ako si CHERRY. Remember now?" =3= 


CHERRY? 


Tinaasan ko sya ng kilay. "CHERRY? I thought it was APPLE. Apple ang pakilala mo sakin non eh." 


Nanlaki ang mga mata nya sabay alis ng tingin sakin. 


"A-Ah.. Uhm.. Hehe.. Real name ko pala naibigay ko sayo?" 


"REAL NAME HUH? WHAT DO YOU MEAN?" I gave her a look like I'm already suspecting her that she's giving me FAKE names. Well, I really do suspect her now. 


"O-OO! Real name ko kasi yung APPLE at..at di ko yun pinagsasabi sa mga taong bagong kilala ko pa lang.. Usually, ang binibigay ko na pangalan eh yung ano..yung nickname ko na CHERRY.." >___< 


"Real name, APPLE. Nickname, CHERRY. Ang layo ah." =___= 


"Akala mo lang malayo pero HINDE! Kaya naging nickname ko yung Cherry kasi..kasi parehas silang red na prutas! Yung..Yung iba ko pa ngang kaibigan eh tinatawag akong ano.. STRAWBERRY!" 


"OH REALLY?" I mocked. 


"TALAGA!" >3< 


"Pft." Tsk. I almost laughed at her reaction! 


Nagtakip na lang ako ng mukha. And I think, I should just let this issue slip away. If she's giving me a fake name, quits lang kami. I'm using a fake name too, anyway. 


"Okay, okay.." nagtaas ako ng isang kamay na para bang sumusuko na ko. "If that's what you say so, Apple. Or Cherry. Or Strawberry." 


"APPLE NA LANG!" 


"Fine, Apple. Uhm, thank you pala. For helping me back there." 


"Aba, dapat lang na magthank you ka sakin! Kung wala ko dun, ano na kayang nagawa mo dun sa babae noh? Or.. Ano na kayang nagawa nung babae sayo? Baka nagahasa ka na nun kung sakali. HAHAHA" 


Nagahasa? Ako? NG BABAE? Napangiti at napailing ako. This Apple girl really has a weird way of thinking. 


"How about I treat you a drink to show you how thankful I am?" yaya ko sakanya. "Let me treat you, in a different bar." 


"SURE! TARA DUN TAYO!" tinuro nya yung bar sa kabilang side nitong kalsada. "Iwan mo na lang kotse mo dito! Bar naman toh ng kaibigan mo eh." 


She knows that? 


Nauna syang tumawid. Hinabol ko sya at sinabayan sa paglalakad. 


"Paano mo nalaman yun? Na bar yun ng kaibigan ko?" I asked her. 


"Ah. Nung nalasing ka non, yung may-ari yung nag-offer na patulugin ka dun sa kwarto nila sa taas. Sabi nya kaibigan ka raw nya eh." 


"I see.." 


Nagpatuloy lang sa pagkwento itong si Apple habang naglalakad kami. Grabe talaga sya magsalita, dire-diretso. At naglalabas lang naman sya ng sama ng loob kay Raymond nyan ah? Si Raymond, yung kaibigan kong may-ari nung bar. Tarantado raw yun, walang-hiya at bakla. Sya ba raw kasi ang utusan nito na buhatin ako non paakyat ng bar? 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!