“Dito ka lang,” sabi sa akin ni Keene tapos nilipat ang kamay ko sa table.

Humawak naman ako kasi kung hindi, hahalik na ang pink kong labi sa puting sosyal na tiles.

“Good evening,” bati ni Keene sa may mic.

“Heps, waiter, isa pa nga,” sabi ko sa waiter na dumaan sa tabi ko. Libre naman kaya lubus-lubusin na.

“I’m here with my secretary Lia,” binigyang-diin pa niya ang pangalan ko sabay ng pasimpleng panlalaki ng mata sa akin at tingin sa inuming kakakuha ko lang.

Tinaas ko ang baso, “cheers,” yaya ko sa lahat.

Narinig kong nagtawanan sila tapos tinaas din ang mga baso nila kasabay ng pagsagot sa akin ng “cheers.” Nginisihan ko si keene dahil doon.

Bi-nottoms up ko yun.

“Naiihi ako...” pabaling-baling ako at naghahanap ng CR. “Miss, miss,” tawag ko sa babaeng participant, “saan ang CR dito? Sasagutin ko lang si Mother Nature.”

 

May sinabi siyang ‘doon’ ay ‘puma-ganun’ tapos ‘yun’ ay ‘dito.’

Naku ewan.

Basta pupunta na lang ako. “Malabo ba yung sahig?” pinaliit tapos pinalaki ko ang mata ko sa sahig habang naglalakad.

Mata ko yata ang malabo eh. Pumikit tapos nagmulat ulit ako. Mata ko nga. Natawa ako, shunga shunga talaga, Lia.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, pakiramdam ko nawala na yung kagustuhan ko sa pagsi-CR eh.

“Hey, watch it, Lia.”

 

Muntik na akong napasubsob sa sahig kung di lang ako nasalo ni--- “D-Devon? Ikaw ba yan?” tinignan ko siya habang nasa braso niya pa rin ako, “yay! Ekaw nga! Hahaha.”

 

“Ako na ang magdadala sa kanya sa kuwarto namin.”

 

“Oh? Taposh ka na mag-ishpeech?” nginisihan ko si Keene. Di ko na nga mamulat ang mga mata ko.

Naramdaman ko na lang na ibang braso na naman ang nakaalalay sa akin.

“Sinabi ko naman kasing wag iinom, di ka na nga sanay.”

 

Gumewang ang paglalakad ko, “hotel ngang naturengan, baku-bako naman ang daan. Hanu va yan, rereklamo ko yan sha maneyjment bukash *hiks*”

Beyond my WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon