“wala naman.  Malay ko ba kung tama ako. Isa pa hindi ka nagkagusto sakin. Hindi kagaya nung iba”

After that, tahimik lang kami nanuod. Inagaw lang niya saakin yung remote saka niya inilipat sa basketball pero agad ko din naman inagaw ang remote saka ko ibinalik sa cartoons.

“hindi ka pa ba matutulog?” tanong niya saakin. Siguro naasar na siya sa ginagawa kong pang-aasar ngayon.

“hindi pa. May tanong ako Andie”

Humarap siya saakin pero nakaupo pa din siya sa sahig.

“ano?” inabot niya ulit yung remote saka tuluyang pinatay yung TV

“alam mo bang may nagkakagustong iba kay Henessey?”

“oo alam ko.”

“tanga ka ba talaga?”

“hahahaha grabe naman makatanong ‘to. Parang ang normal normal naman para sayo yang tanong na yan Andrea.” Umupo rin ako sa sahig para tabihan siya, this way pareho lang kami ng level. This way, baka maintindihan ko siya. I’m trying to understand guys, especially Andie.

“so tanga ka nga?”

“in what way Andrea? Tanga saan? Ang pagiging tanga hindi sa lahat ng bagay yan, sa ibang sitwasyon lang. minsan pinipili lang maging tanga, pero madalas tanga lang talaga”

“ano bang pagkakaintindi mo sa tanong ko? Anong klaseng tanga ka? Pinipili o hindi? Minsan o Madalas?”

Napakamot siya sa ulo at saka niya inabot saakin yung juice na katabi lang niya.

“tanga pagdating kay Henessey”

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!