Pauna

81 2 3
                                                  

"Kaya mo bang ilagay sa alanganin ang kapatid mo? Iyang ama mo? Kung wala siya paano na kami? Paano kami mabubuhay ng kapatid mo? Ikaw malakas ka alam kong makakaya mo kahit wala kami."tapos ngumiti si ina. Ito ang kauna-unahang beses na binigyan niya ako ng isang ngiti.

Kahit alam kong hindi totoo, pinasaya nito ang puso ko. At kahit hindi nila sabihin, gagawin ko rin naman ito.

Binabagtas ko ang tahimik na daan bitbit ang mumurahing tela na naglalaman ng mga kagamitan ko. Namulot ako ng mga nahuhulog na mansanas sa daan. Dumaan sa mga ligaw na berries upang madala sa pag-alis ko sa bayan namin.

Upang kahit papa'no ay magkalaman ang tiyan ko papunta sa syudad ng Arilatana. Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng edeya tungkol sa Viluvar maliban sa narinig kong lahat daw ng nagpunta doon ay hindi na raw nakakabalik.

Sakay ng train, dalawang oras ang byahe upang makarating sa Arilatana. Iyon ang bayan na pagtitipunan ng mga ipapadala sa Viluvar.

Gaya ng inaasahan, napakarami ng nadatnan ko. Kapansin-pansin na halos lahat ay mga kaedaran ko lang din ang mga nandoon.

Nakapila silang lahat, tatlumpu ang hanay lahat ng babae ay nakasuot ng pulang bistida puti naman ang suot ng mga lalaki.

Inayos ko ang bitbit kong gamit sa balikat at nagsimula nang humanay gaya ng ibang kabataan doon.

Binalingan ako ng ibang babae na mukhang excited pa habang nakapila doon. Nagtawanan sila habang nakatingin sa bitbit kong gamit at sa mansanas na nasa kamay ko ngayon.

Yumuko lang ako upang hindi ko makita ang pagtatawanan nila. Ilang oras lang ay mag-uumpisa na. Kailangan ihanda na ang sarili.

Itutuloy..

Lips And Blood (Vampire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon