Panglabing-walo

109K 4.6K 1.5K

PANGLABING-WALO

Hindi ko talaga kinaya ‘yun nakita ko sa locker’s room kaya napatakbo na lang ako palabas. Hindi ko nga rin sure kung padabog ko ba binuksan ‘yung pintuan at kung naisara ko rin ba ito. Basta, ang tangi lang pumasok sa isipan ko ay makalabas at makalayo sa dalawang punyeta na ‘yun na naghahalikan at nag-eexplore ng oral cavities sa isa’t isa. Mga buwisit silang dalawa lalo na ‘yun malanding genie na ‘yun. Kung makipaghalikan akala mo walang minoleschang dila last week. Hayok na hayok makipagpalitan ng laway sa babaeng ‘yun. Kung laway lang pala gusto niya edi sana sinabi niya sa akin ng dinuraan ko buong mukha niya. Lunukin niya laway ko nang makuntento siya.

Patuloy pa din na tumutulo ang luha ko na hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit naman ako naiiyak kung nakita ko si Laxus na nakikipaghalikan sa iba? E, wala naman kaming relasyon. Kung meron man, fake lang naman ang lahat ng iyun. Siya na nga rin ang nagsabing wala na raw akong pakialam kung makipaglandian siya, e. Pero buwisit ‘tong mga mata na ‘to. Kailangan pang umiyak dahil lang do’n. Ang bigat ng dibdib ko. Kapag bumabalik sa isip ko ‘yun nakita ko kanina para itong matulis na kutsilyo na sige lang ang baon sa dibdib ko kaya ang sakit sakit.

Pansin kong nakatingin sa akin ‘yun mga player ng basketball na nakaupo pa din sa blechers noong naglalakad na ako sa school gym. Nando’n pa din si Rolando Berto Judas na naka-topless pa din. Pasimple kong pinunasan ang mga mata ko at dahil sa kashungaan at kamalasan ko ngayong araw. Hindi ko na napansin na may bola palang nakakalat sa dadaanan ko. Natapakan ko ito at bumagsak sa sahig. Lalo akong naiyak sa nangyari. Ang sakit ng puwetan ko pero mas masakit pa din ‘yung dibdib ko. Patuloy pa rin na kumikirot ang loob ng dibdib ko. Mukhang padating na ‘yung inorder kong boobs, ha. Tutubo na kaya sila?

“Aray ko! Putangina namang buhay ‘to!” angal ko sa sarili ko habang hinihimas ang puwetan ko. Narinig ko pang nagtawanan ‘yun mga player dahil sa katangahan ko na nasaksihan nila. Mga ulol din ‘tong mga ‘to, e. Palunukin ko kayo ng bola diyan makita niyo! Mga hayuf!

“Jenny! Ayos ka lang?” narinig kong sumigaw si Rolando Berto Judas. Napansin ko ding mabilis niyang inilapag ‘yun bag niya at papunta na sa gawi ko nang pinigilan ko siya.

“Diyan ka lang!” sigaw ko sa kanya at mabilis nang tumayo kahit ang sakit pa din ng puwetan ko. Shet. Huwag sana akong tubuan ng panibagong puwetan. Ang sakit din ng balakang ko buwisit na ‘yan. “Hindi ko kailangan ang tulong mong buwisit ka.” Nakatingin lang siya sa akin. “Lahat ng kamalasan ko, ikaw lang ang may kasalanan! Huwag kang lalapit sa akin. Kaya ko ang sarili ko kahit wala ang tulong mo!”

“Jenny...” mahinahon niyang binanggit ang pangalan ko. Naging maamo ang mukha ni Rolando. “Basta mag-usap tayo mamaya.”

“Whatever!” Inirapan ko siya.

Muli akong naglakad palabas ng school gym. Lalabas na nga lang ako narinig ko pa muling nagtawanan ‘yun mga hinayupak na ka-team ni kuko. Mukhang hot topic pa din sa kanila ang aksidenteng pagkakalagapak ko sa sahig dahil sa pesteng bola na ‘yun. Nakakagigil. Anong karapatan nilang pagtawanan ang katangahan ng isang tao? Sino ang nagbigay ng karapatan sa kanila? Palibhasa dahil sa kakatakbo analog na ang utak nila.

Nung nasa pintuan na ako pa-exit huminto muna ako at humarap sa mga lalaki na ‘yun.

“Hoy!” sigaw ko sa kanilang lahat. “Ang papanget niyo! Ulol kayong lahat! Lalo na ‘yang Captain niyo!” Nagdirty-finger pa ako sa kanilang lahat gamit ang dalawang kamay ko saka dumila. Napatigil silang lahat dahil sa ginawa ko at bakas ang pagkaloka sa mga mukha nila. Akala nila kaya nila ako, ha. Napatulala lang ako nang makita ko si Rolando na nakangiti sa akin na para bang natutuwa sa ginagawa. Muli ko nga siyang inirapan. “Panget mo, kuko,” bulong ko sa sarili ko.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now