Chapter 14: Kaya naman pala...

10K 214 36

Chapter 14
Kaya naman pala...

/Andrew's Perspective

Sabi ni Yna.

Nautusan lang ni Yna.

Busy kasi si Yna.

Sigh. Yan ang lagi kong alibi sa kanya. Para saan pa? Simple lang. Gusto ko siyang alagaan nang di niya dapat nahahalata o nalalaman. Bakit? Simple lang din.

Gusto ko siya eh. Masama ba?

Alam ko namang committed na siya. Kaya nga ginagawa ko 'to nang palihim eh diba. Hindi ko kasi mapigilan! Bakit ba! Kanya kanyang trip dude!

And as far as I know hindi naman ako gumagawa ng kung anong makakapagpasira sa kanila eh. At hinding hindi ko rin magagawa yun. Kuntento na ako sa ngayon.

Who am I kidding? Kuntento?! Niloloko ko lang ang sarili ko. Ang hirap nito. Sobra. Pero wala namang ibang paraan pa diba? Siguro hihintayin ko nalang hanggang sa mapagod na ako. Mahirap, nakakainip, at masakit. Pero kakayanin.

Magpapakamartyr muna ako sa ngayon. At walang eepal! Kanya kanyang trip at strategy nga diba? Wew!

At nung Saturday party, nandun kaya ako. Malamang, dun ako nagttrabaho. Ayoko na kasing mag-aral. Gusto ko nang pumasok sa ibang mundo. Tsaka yung network din naman ang kumuha mismo sa'kin eh. Nung una ayaw pa nila mama, pero dahil sa compulsiveness ko ayun pumayag na rin.

So where am I? Ah, yes. Nung party. Alam kong iisa si Jake at yung Kenneth na yun. Alam naman ng team Jake at ng ilang faculty sa network. Ivulgar ko kaya para magulo sila ni Kath? Haha! Joke lang. Diba nga di ko yun gagawin. At tsaka kung magkagulo man sila, hindi ko yun iisipin as advantage. Gets ko naman na sila talaga para sa isa't isa eh.

Kaya eto, paka-martyr muna. Yay. =___=

Cafeteria;

"Oy," bati ko sa kanya.

"Oh?" mukhang badtrip yata 'to ah?

"Problema mo?"

"Ikaw." simpleng sagot niya habang kumukha ng meal.

"Tss. Ako kaagad? Pero di nga, anong problema mo?" kumuha na rin ako ng lunch ko. Wala naman yata yung si Kenneth kaya makalapit nalang.

"Hindi mo rin maiintindihan kaya why bother."

Umupo na kami. "Oh bakit dito ka uupo?" tanong na naman niya.

"Alam mo, nalipat yata sayo yung kasungitan ko eh noh?"

Cupid CrisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon