Chapter 70: I Can't Make Me

79.7K 1.6K 231

Chapter 70: I Can't Make Me


Before anything else..Clarification about Ch 69: Wala pong naging boyfriend si Barbs. Sa part na magkausap sina Cy, Rocky and Chester, si Chester po yung nagsabi ng "Parang di naging sila" line, nakalimutan ko lang i-enter kasi nagmamadali ako XD And he's pertaining to Wes and Janine.

Chapter inspired by Butterfly Boucher's song. Di na pala 'to filler, kaso maikli lang  Comment and vote if you liked the chapter, aryt? 5 to go! 

**

Pag parating na ang March, bumibilis ang oras.


Well depende yun. Para sa mga graduating mixed emotions yan. Una, wala naman silang masyadong ginagawa sa klase. Pinapatapos lang ang requirements, konting exam.. the rest chill lang. Saka na magresume ang drama pag malapit na ang Graduation.


May Prom Fever pa rin sila nang pumasok sila the next week, ang last week ng February.


**


"Ang cute mo naman pala B!!! Grabe dapat pumunta ako!!"


(~_____~) Di na mapinta ang mukha ni Barbs. Simula kasi nang mahawakan ni Rocky ang cam ni Janine e kung anu-ano na ang sinasabi nito about sa itsura nya sa Prom.


"Grabe Barbs! I can't believe it!" with matching luwa pa ng mata na sabi ni Rocky. "Is this really you?"

"Uy beh tama na," binulungan na sya ni Wes. "Sama na ng tingin ni Barbs oh. Baka mamaya batuhin tayo ng desk nyan."

Pero ayaw pa rin papigil ni Rocky, tuloy pa rin 'to sa pamumuri sa kaibigan. "Tapos yung curls! Ang ganda talaga B!! Pr--"


Natigilan ang lahat nang bigla na lang tumayo si Barbs. Agad namang kumapit si Wes sa girlfriend, baka nga batuhin sila nito.

Pero.. dumiretso lang palabas si Barbs. Walang sabi-sabi. Go lang.


Nakasalubong pa nya si Chester na papasok ng classroom. "Uy, anong nangyari dun?" nagtataka nyang tanong sa mga kaklase. Puro 'ewan' lang ang sinagot ng mga ito sa kanya.

*


Bakit ganun makareact si Barbs? Well.. sino nga ba naman ang di magugulat sa transformation nya, diba? Kumalat sa Facebook ang pictures nito nung Prom. She was so surprised na may mga naglike 

talaga ng pictures nya. Pinag-uusapan pa sya ng undergrads! Kesyo 'maganda' naman pala talaga sya. Konting ayos pwede na.. mga ganun. And she hated everything they said.


Including what he had said.


Actually hindi nya ma-place yung naramdaman nya nang malamang si Cyrus si Kuya The Cure. A part of her was.. expecting it though. It took her a day to accept that fact. Somehow relieved sya na si Cyrus yun, kasi damn, it would be very very creepy kung ibang tao yun. Malay nya, baka sex criminal yun na naaarouse pag nakakita ng mga nakagown? Weird. And gross.


Anong nangyari after nilang mag-usap ni Cyrus? As expected, wala. She ignored his last comment and went home.


Well that's her version of the story. May added one minute pa kasi dun.


REAL VERSION


Nagkatinginan na lang sila ni Cyrus. Syempre, anong irereact nya dun, diba? Kung ibang babae ang sinabihan nun.. pihado laglag panty na. Pero sya? Ewan.


"Gago ka rin noh," she said. "Wala kang magawa sa buhay. Umuwi ka na nga."



Medyo umiling pa si Cyrus, parang nang-aasar. "Uuwi ako pag uuwi ka na. You can't go back in there wearing that. Alam kong tinapon mo yung gown na bigay ko sa'yo."

Surprisingly Barbs blushed. Sya lang naman ang nakakaalam kung nagbublush sya eh. Ilang taon ba naman nyang tinago yun sa iba! Buti na lang madilim, at sanay na sya sa ganung moments. "Gago. Tinapon ko talaga. Pasalamat ka di ko ginupit."

"Tara, let's go home."

"Ano ka, hilo? Excuse me nakapunta ako ng mag-isa dito, kaya ko ring u--" Sht, mali. Hindi nga pala sya pumunta mag-isa dun. She's with Seth, na unfortunately iniwan nya sa ballroom.

"Ha? What're you saying?" prodded Cyrus.

"Wala. Shut up. Uuwi na lang ako."

Medyo lumakad na sya palayo kay Cyrus, kaso ayaw pa rin paawat ng lalaki. "Ano na, lalayo ka na lang? Ihahatid na kita! Delikado, ganda mo pa naman!"

"Pakyu! Wag mo nga akong k--"


Parang may bumara sa voicebox nya nang lumingon sya sa direksyon ni Cyrus. Kasi sa likuran ng lalaki ay..


nakita nya si 

Seth.

Na hinahanap sya.


At nakita na rin sya ng lalaki.

"Barbara!" Seth called out.


Tumigil agad ang mundo nya. She looked at Cyrus, naging stiff agad ang panga nito. Sht, this isn't good. Nasan na ba ang mga taxi kung kelan kailangan mo sila!?


Ayaw patinag ni Seth, talagang hinabol pa nito si Barbs. Nilagpasan pa si Cyrus. "Come on, I'll take you home."

Sinamaan ni Cyrus ng tingin si Barbs.


Sa sobrang pressure at frustration, ni isang salita walang sinabi si Barbs. Buti na lang at may dumating na taxi at sumakay na lang sya bigla.

Ni isang lingon wala. Bahala na.


"Miss, san tayo?" jolly na tanong sa kanya ng driver.

"Pinakamalapit na Jollibee ho, Manong. Papapak ako ng Chickenjoy."

**

Sabay namang kumuha ng written exam sina Rocky at Chester nung lunchbreak nila. Nandun sila sa office ni Rons at tahimik na nagsasagot.


"Ches," tanong bigla ni Rocky. "Anong sagot dito sa number 11?"

"H-ha?"

Tumawa si Rocky. "Joke lang, tapos na ako. Haaayy.. oy! Birthday mo na sa Sunday!! 18 na kayo nina Wes!"

"Ang saya mo ata ah! At ang advance mo. Pero thanks "

"May libre ka? O pakain?"

"Sa Town sana eh.. kaso.. kaya mo pumunta ng Town?"

"Kaya ko naman kasi!!! Basta libre!"

Saktong pumasok si Wes sa office. "Uy, yung acceptance letters nandyan na. Kunin nyo na yung inyo."

"Bakit di mo kinuha yung akin, beh?" medyo nagtatampo pa si Rocky.

Inabot naman ni Wes kay Rocky yung envelope. "Sira, kinuha ko yung sa'yo. Wag ka na magpacute."

"Uy please wag nga kayo dito. Or better iiwan ko na lang kayo dito," suggestion ni Chester. "Sige guys bye!"

"Tampo naman 'tong si Chester! May locker room secrets naman tayo, diba?" pang-aasar ni Wes.

(O____O) "Uy walang ganyanan!! Yuck guys!" nandidiring sabi ni Rocky. "Yuck yuck yuck!!!"

Tawang-tawa naman ang dalawang lalaki sa reaksyon ni Rocky. "Eto naman! Joke lang kasi yon," pag-aassure ng boyfriend sa kanya.

"Pero.. you'll never know!" pahabol na asar ni Chester.


(*.*) na lang ang itsura ni Rocky sa pinagsasabi ng dalawa.

If I FallRead this story for FREE!