Chapter 16


Lumipas ang isang linggo, hindi ko na pinansin si Darren. Hindi na talaga kami nagpansinan at wala na kong balak na pansinin siya.

Kung pwede nga lang alugin ang puso ko para mawala na 'tong nararamdaman ko, matagal ko nang ginawa kaso, walang effect yun. At kung literal ko mang gagawin, mamamatay ako.

Naglalakad ako sa corridor nang bigla akong sinalubong ni Gabriella.

"Aerith! Ano ba talagang nangyayari? Nag-away na kanina si Jake at Darren dahil hindi namin malaman kung bakit ang lamig niyo sa isa't-isa!" She's now holding my shoulders. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya.

"I'm done being his friend, Gabriella." Maikli kong sagot. Ngayon ko lang binigyan ng sagot si Gabby kahit na ilang araw na siyang nagtatanong ay nanahimik lang ako.

"Pero.. bakit?"

"I don't know, maybe... Pinagsawaan lang namin ang isa't-isa. Nagsawa na ko sa kakabuntot sa kanya. At nagsawa na rin siya sa kakulitan ko." Sabi ko sabay hawi ng mga kamay niya at naglakad na, ayoko nang makarinig pa ng kahit anong tanong mula sa kahit na sino.

"YOU CAN'T JUST RUN AWAY, AERITH!" Dinig kong pahabol niyang sigaw. Yes I can, Gabriella. I can just run away 'til the day I die.

Lumipas ang ilang araw, hindi na rin ako pinapansin ni Gabriella. Kinukumbinse ko ang sarili ko na okay lang dahil sanay naman akong mag-isa. 

Sa may empty staircase sa gilid ng school ako naglunch.

"Aerith!" Tumingin ako sa kung sino man ang tumawag sa 'kin. Nakita kong si Jake yun at pilit akong ngumit.

Pagkalapit niya sa 'kin kinuha niya yung sandwich ko at kinain ang natira, hindi na ko nagreklamo dahil pagod na ako. "Samahan mo naman ako oh." Biglang sabi niya sabay hawak sa wrist ko at kinaladkad kung saan man.

"H-hoy! Sa'n kita sasamahan?!" Tanong ko habang hinihila niya pa rin ako.

"Sa Storage room! May pinapakuha kasi sa 'kin si Coach eh." Kasali kasi siya sa varsity ng basketball.

"Oh, ikaw naman pala inuutusan ba't di mo kunin mag-isa??"

"Ehhh natatakot ako eh, I've been hearing rumors na may multo daw dun! Kaya kelangan lagi akong may kasama!" Katwiran niya. Wala na rin naman akong magagawa kaya nagpakaladkad na lang ako sa kanya.

Nang nasa tapat na kami ng storage room, "Mauna ka na." Sabi niya sa 'kin sabay bitaw sa wrist ko at tinanggal niya ang lock sa pinto.

"Wag ka ngang matakot. Wala namang multo dito." Pagkasabi ko nun ay pinihit ko na yung doorknob at nakita kong madilim dun pero nagulat ako nang may nakita akong tao sa  loob.

"Wahhh! Multo!" Sigaw ni Jake sabay tulak sa 'kin papasok at sinarado niya ang pinto! Iniwan niya ko dito?!

"Hoy Jake! Palabasin mo ko dito!" Sigaw ko at binuksan ko ang ilaw dahil madilim nga.

"We won't let both of you out hangga't hindi kayo nag-uusap nang maayos!" Nagulat ako nang narinig ko si Gabriella sa labas.

"Ha???"

"They said they won't let us out." Nanlamig ako nang narinig ko ang lalaking kanina pa nasa likod ko. Alam kong siya ito dahil nahagip ko ang mukha niya nung itinulak ako ni Jake papasok.

Nilingon ko ito at nagbuntong hininga ako, "May sinabi ka ba sa kanila, Darren?"

Nagkibit balikat siya, "I hardly even talk to them these days." Sabi niya at umupo na lang siya sa sahig sa gilid.

I rolled my eyes, "Mas gusto kong hindi na lang lumabas dito kaysa mag-usap tayo."

"Then what are we supposed to do?" Tanong niya.

I don't know, Darren. I don't really know what to do with you and your cold eyes.

My MiracleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!