𝐈𝐧𝐭𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧

45 6 0
                                          


Paano mo haharapin ang bukas, kung sa pagmulat ng mata'y, wala na sa iyong pagkakayakap ang taong unang nagpatibok ng puso?

Paano mo ipagpatuloy ang buhay, kung sa bawat hakbang sa paligid, ay wala kang ibang maalala kundi ang mga masasayang alaala ninyong dalawa?

AKALA ni Alexa ay perpekto na ang lahat. Akala niya'y hulog sa langit ang isang magandang dilag na si Rhea. Ipinangako nilang dalawa na walang makakapaghiwalay sa kanila, at walang makakapigil sa pagmamahalan nila. Isang magandang pangyayari ang hindi pagtutol ng mga magulang niya. Sinuportahan sila ng parehong panig, isama na rin ang mga kaibigan at kakilala nila. Sobrang mahal nila ang isa't isa na halos ikinabaliw ng lahat sa kilig. Hindi inakala ng lahat na ganoon sila kaseryoso sa isa't isa.

Ngunit, may hangganan pala ang saya't pagmamahalan. Hindi pala sapat kahit na pareho ang nararamdaman ng dalawang tao sa isa't isa. May hinahanap ang katawan. Kakaibang init na hindi kayang pawiin ni Alexa. Bagaman, masakit marinig ang mga balitang naririnig ay nagdesisyon siyang magbingi-bingihan. Mahal niya si Rhea, at kung lalaki lamang ang makapagpapawi sa init nitong nararamdaman, ay kikimkimin niya ang kirot ng puso.

Subalit, dumating sa puntong paggising niya kinabukasan, ay wala na siyang ibang nadatnan maliban sa sulat na iniwan nito sa mesa.

Alex,
Hindi ko alam kung manhid ka ba o nagmamanhid-manhiran lang. Alam kong nasasaktan ka na sa mga naririnig mo pero bakit wala kang ginagawa? Bakit ka ganiyan?

Di bale-
Ang sulat na ito ay sulat ng pamamaalam. Magpapaalam na ako. Sasama na ako kay Adam. Sa tatlong taong naging tayo ay totoong minahal kita. Pero, bilang isang babaeng naghahanap ng totoong kaligayahan... Sad to say, hindi ko mahanap sa iyo ang kaligayahang iyon.

Nalulungkot akong malaman na ang hinihintay kong pakikipag-break mo ay hindi nangyari. Ako na ang makikipaghiwalay. Kalimutan mo na ako at sana sa susunod na magkita tayo ay nakahanap ka na ng taong mas hihigitan ako. Hanggang dito na lang. Salamat sa lahat.

Rhea

Ilang taon siyang naghintay. Ilang taong kinimkim ang sakit. Dahil ang bawat araw na sisinag kinabukasan ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa. Umaasam na paggising niya'y nakangiting mukha muli ni Rhea ang masisilayan. Kakalimutan ang pagkakamali nito at magsisimulang muli. Ngunit, tatlong taon ang muling lumipas... Walang dumating.

Na-realize niya. Kailangan niya ng refreshing na environment. Iyong walang hassle o masikip na pakiramdam, walang magpapaalala sa kaniya ng kahit anong tungkol kay Rhea.

Dito siya magsisimulang muli at bubuo ng ibang alaala. Iyong walang involved na puso. Puro isip lang.

-
BRUHANGMEOW
started: 10-15-19
ended: 00-00-00

𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗔𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗡𝗮 𝗪𝗮𝗹𝗮 𝗞𝗮 | HIATUS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon