Wala akong nagawa kong di sumunod sa kanya nang masuot ko ang sapatos kong puti.

Nasa likod lang ako at sumunod, mas maraming sundalong nakapalibot sa paligid at nagbabantay sa hallway na nadadaanan namin.

Nagtataka rin ako dahil wala akong nararamdaman na sakit o ano pa man na pagkapagod, alam kong may ginawa sila sa ‘kin, sigurado ako ro’n.

Huminto kami sa isang kulay pilak na pintuan, may dalawang guard na nagbabantay do’n at seryosong hawak ang mga baril nila, pinagbuksan nila kami.

Bumungad sa ‘min ang hindi mabilang na kabataan na lalaki’t babae sa loob ng malawak at malaking silid, may mga mahahabang lamesa at upuan, naalala ko ‘yong cafeteria namin sa unibersidad.

May lamesang sobrang tahimik, may lamesa rin na sobrang ingay na para bang sanay-sanay na sila sa buhay nila rito sa Sirius, may mga pagkain sa tray nila, mukhang matagal na sila rito, nakilala ko ang ilan na nakasama ko sa guild, napakatahimik nila, may isang batang lalaki na umiiyak at pinapaalo ng isang doctor.

Nakita ko si Nyra katabi n’ya si Jacob, kinakausap n’ya si Jacob na tulalang nakaupo sa bago nitong wheelchair, halata sa mukha ni Nyra na nag-aalala s’ya para sa binata.

“Pwede kang humingi ng makakain mo sa bintana, bibigyan ka nila,” sabi ng doctor na nagdala sa ‘kin do’n, tinuro n’ya ‘yong mumunting bintana kong saan nakapila ang ilang kabataan do’n para bigyan ng pagkain.

Wala akong nagawa kong di sumunod, ramdam na ramdam ko rin ang gutom ko, parang ilang araw na akong hindi nakakakain.

May ilang napapatingin sa ‘kin habang papalapit ako sa pila, hindi ko na lang sila pinansin, nang makayuko ako napansin kong may mga marka ng mga pinatusukan, hindi ko mabilang, ano bang ginagawa nila sa ‘min, nang makapila ako, napansin ko rin ang iba na may mga ga’nung marka rin katulad ko.

Hindi naman ako ga’nun nagtagal sa pila, kaya nang makalapit ako sa bintana, binigyan nila ako ng tray na may laman na mga hiniwang mansanas, soup sa mangko, cupcake, pancit, kanin, pritong manok at isang basong orange juice.

Nang makuha ko ang akin agad kong umupo sa pinakamalapit na lamesa, gusto ko man makalapit kila Nyra pero puno na sa kanila, wala ga’anong nakaupo sa pinili kong lamesa pero nabigla na lang ako nang may tumabi sa ‘kin na babae at sa tapat ko naman isang pamilyar na binata, inaalala ko kong saan ko sila nakita.

“Hi, bago ka rin katulad ng iba, ang dami ninyo ah,” masayang bati sa ‘kin nong babae, parehas kami ng gupit pero mahahalata mo ‘yong pagkakaiba namin, may magkabila s’yang dimple ngumiti at kahit magsalita.

Nakakunot-noo ako nakatitig sa kanila, salit-salitan, hindi ko maintindihan pero parehas silang nakangiti sa ‘kin.

“Hey, Marlie hindi n’ya tayo kilala,” wika nong binatang may nunal sa ibabang labi n’ya.

“Ay oo nga pala,” nabigla ako sa lakas ng boses n’ya, natural ba ‘yon sa kanya?

“Ako nga pala si Marlie, isang second gen. na null and I can do tricks like magic.”

“Illusion ga’nun ang ibig n’yang sabihin,” sabi ng binata, “how about you?”

“Charlie.”

“Ako nga pala si Vincent, same with Marlie second gen null, I have telekinesis power, I knew you know me.”

“Huh? Ngayon pa lang tayo nagkita pa’no mo nasabing kilala kita.” Pagtataka ko.

“Imposible naman na hindi mo s’ya nakilala,” sabi ni Marlie sabay pasada ng tingin kay Vincent, “ang laki rin pala ng pagbabagp simula nang makapasok tayo rito last year ah.”

“Hindi mo ba naalala ‘yong binata na hinabol nila sa eskinta, nagtutulak ng droga, hinabol, nanlaban at pinatay.”

Namilog ang mga mata ko nang maalala ko ang balitang umingay nakaraang taon, s’ya ngayon kaya pala pamilyar s’ya sa ‘kin, pero bakit s’ya narito?

“Nalaman kasi nilang isa rin akong null and then pinalabas nilang drug user or nagtitinda ako, pinatay daw pero the truth is kinuha nila ako at dinala rito, pinag-aralan at pinaglaruan ang katawan sa loob ng isang taon, mga bwisit sila tita at tito nasilaw sila sa pera ng gobyerno, binenta parang ga’nun, si Marlie naman pinalabas na namatay dahil sa denvagxia pero ang totoo it’s a test para malaman kong alin ang Null at Null+ sa ‘tin, hindi lang s’ya maraming pang iba, kasi mag-react ang chemical sa dugo katulad natin.”

“Bakit ba nila tayo kinukuha, para saan, anong pakay nila?”

“Whoo, chill lang newbie, isa-isa.”

“Pero ang alam naming they gathered to use, to be a weapon, lahat ng mga baguhan, nakaranas na ng test and several test ang mararanasan mo hanggang nandito ka sa impyerno na ‘to,” wika ni Marlie.

Test? Bigla kong naalala ‘yong ilang beses na panaginip, ‘yon kaya ang ibig sabihin nila.

“Hindi ba ninyo sinubukan tumakas?” Natawa sila sa tanong ko.

“Alam mo kong kaya namin, matagal na namin ‘yan ginawa, their so many secrets door, mahihirapan ka hindi ka makakagamit ng null power mo, see,” saka n’ya pinakita ang bracelet na katulad sa ‘kin, “these device used to controlled our self, pag sinubukan mo, makukuryente ka, ayoko nang ulitin ‘yong mga katanghan ko and beside they’re guarded us like hell, kong hindi ka man mapatay ng mga sundalo at doctor baka si Dr. Ramirez, ang boss, the top doctor and director of this department, ang nag-iisang ina, ewan ko ba kong ina s’ya dahil pati dalawa n’yang anak na lalaki sinasali n’ya sa kalokohan n’ya at ng gobyerno, pero mana sa kanya mga anak n’ya so no wonder baka sumunod sa yapak n’ya ang mga ‘yon.”

Ang ibang sinabi ni Marlie eh naintindihan ko, ‘yong iba hindi ko ma-gets at mas lalo lang nag-iwan ng mga katanungan, sino si Dr. Ramirez?

“Pero may nangyari nang ganyan dito rati, pero hindi kami nakasama sa mga ‘yon,” dagdag ni Vincent, “I guess few months ago, six or seven na nagkaroon ng sigalot ang null laban sa kanila, may ilang nakatakas pero may ilang nakabalik dito.”

Bigla kong naalala sila Quinn, Alto, Gaile at Jesse, galing sila rito kaya alam na nila ‘to, nararanasan ko ‘yong naranasan nila noon.

“Kong nakatakas sila dito dati, pa’no nila nagawa ‘yon at hindi na ninyo kaya?” Tanong ko uli.

“Ang pagkakaalam namin isa sa mga doctor at isa sa mga founder ng researched na ‘to ang tumulong sa kanila, pagkatapos mangyari ‘yon lalong tumindi ang securities sa lugar na ‘to, mas dumami ang mga sundalo at bantay.”

Bakit n’ya ‘yon ginawa? I guess may nakikita s’yang mali kaya n’ya ‘yon na isip, pero sino?

“Ang pagkakaalala ko Dr. Duran and also the owner of the big pharmacy sa buong bansa, mysteriously namatay s’ya nang mangyari ‘yon, sa tingin ko pinapatay s’ya ng gobyerno,” kwento ni Marlie.

Bakit si Jordan ang naalala ko sa Duran na ‘yon?

Project NullWhere stories live. Discover now