Panglabing-pito

141K 4.7K 1.4K

PANGLABING-PITO

Hanggang ngayon ay naloloka pa rin ako sa mga kaganapan na nangyayari sa akin lately. Kung hindi lang siguro ako masayahing tao malamang after ng mga naranasan ko these past few days sa mental hospital na ang bagsak ko. Ikaw ba naman pagtangkaan patayin ng isang lokaret na genie ewan ko na lang kung nasa katinuan pa ang pag-iisip mo ‘nun. Hindi lang ‘yun, ha. Masaksihan mo pa sa harapan mo ang paglalaban ng dalawang nilalang na may powers. Tapos may sea sword eklabu at water body aquarium chenabels pang nalalaman ‘yun isa. Parang shunga lang, di ba? Akala ko sa TV o mga libro ko lang mae-encounter ‘yun mga gano’ng kaartehan. Pati pala sa totoong buhay may gano’n, ano?

May pekeng buhay? Sumabat na naman ang malandi kong konsensiya. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hindi na pinansin pa.

Hindi ko rin talaga lubos matanggap ‘yun pinagsasabi ni Trisha o Caspian o whatever na anong gusto niyang itawag sa kanya. I mean, ano’ng pinagsasabi ni gaga na ako raw ang sisira sa kaharian nila? Na ako rin daw ang may kagagawan ng paghihirap ni Laxus noon? Gusto ko sana siya tanungin after siyang matalo ni Laxus kaso bigla na lang nawala si gaga, e. Bugbog and run ang peg. 

Hindi rin alam ni Laxus kung saan nagpunta si bruha pero sigurado raw siyang magpapagaling lang muna ito sa mga natamo nitong sugat at saka muling magpapakita sa amin. Mukhang may meet and greet for the 2nd time around pa kaming tatlo.Wish ko lang hindi na niya talaga pag tangkaan ang buhay ko or else hindi lang mag-asawang sampal ang ibibigay ko sa pisngi niyang may dimples kundi mag-asawang sampal with relatives and kapitbahay na sampal talaga.

Ewan ko din kung saan nag suot si gaga. Mabuti naman natapos na rin ang kalandian, echos, ang kanyang mga hinaying at hinanakit sa akin. Pero, at least, nakasampal muna ako sa pisngi niyang may dimples not once but twice kaya ayos na ako. Napatawad ko na din siya. Sabi rin sa akin ni Itay noong nabubuhay pa siya na huwag na huwag daw akong magtatanim ng galit sa isang tao o nilalang. Dahil kapag inani ko daw ang bunga nito hindi masarap. Chos! Kay Rolando Berto Judas o kuko in short lang puwede dahil hindi naman tao ‘yung punyeta na ‘yun. Kuko ‘yun. Isang kuko na tinubuan ng mukha. Isang kuko na may lahi ng almoranas, e-bola, pigsa, putok, anghit at kung ano-ano pang nakakadiri na tumutubo sa katawan.

Nakakadiri pero ginawa mong boyfriend. Ismid na naman ng kosensiya ko. Ulol talaga ‘to kahit kailan, e.

Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko din makausap si Laxus tungkol sa nangyari, e. Gusto ko din sabihin sa kanya ‘yun mga pangitain na nakikita ko at kung dilaw din ba ang buhok niya noong unang panahon. Ay, may pangalawang panahon ba? Kaso everytime na io-open ko ang topic na ‘yun bigla-bigla na lang pumapasok ang walang’ya sa luma at kaderder niyang arinola. Lumalabas lang ulit kapag bet niya akong buwisitin, laitin, kumain, at batukan. The rest nasa loob na lang siya ng arinola niya. Ginagawang boarding house ang kuwarto ko ng walang’ya. Mukhang ayaw niya talaga pag-usapan, e. Bakit kaya?

Anyway, isang linggo na nakalipas simula nang ma-encounter namin si Caspian. Siyempre, tuloy ang buhay ko. Pag-uwi ko nga sa bahay ‘nun na puro galos at sugat sa mukha todo dakdak ang magaling na dragona. Kesho daw kung saan-saan ako nagsususuot kaya nadidisgrasya ako. Huwag daw muna ako mamatay dahil hindi pa bayad ang utang na loob ko sa kanya. Ang katangahan daw ay iniiwan sa kuwarto at hindi nirarampa sa kalye. Sweet ni Antie, ano? Hindi man lang tinanong kung kamusta ang pakiramdam ko. Sermon talaga ang isinalubong sa akin. But, whatever. Hindi ko pa din siya love. JOKE! Love ko naman si Antie, ano. If ever na nasusunog siya kukuha ako ng hotdog at iihaw ko sa katawan niya.

Hindi na rin pumapasok si Trisha o Caspian. Hindi nga rin siya hinahanap ng mga kaklase namin, e. Parang hindi siya nag exist sa utak ng mga kaklase namin. Sabagay, mukhang memory magic nga ang ginamit ng gaga para mapaniwala kami na kaklase namin siya.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now