CHAPTER 27

632 40 7
                                                  

CHAPTER 27

214

Ang bilis ng pangyayari o siguro masiyadong tuliro ang isipan ko na hindi na nasundan kung ano pang nangyari.

Nakatatak na lang ngayon sa isipan ko ang itsura ni Eliot bago ako tuluyang umiwas.

Pagod at bakas na bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot. Para siyang nagsusumamo, nagmamakaawa na h'wag akong umalis o siguro ay natutuliro na rin.

"I told you not to come, Yvonne!" halos mapatalon ako sa gulat nang singhalan ni Daddy si Mommy.

Auntie Daniella, my father's wife, with their kids is already behind us.

"Why wouldn't I, Ian? Alam naman natin na kung may makapal ang mukha dito. Si Elisa iyon at hindi ako!" halos sigawan na ni Mommy si Daddy.

It's already confusing, nalilito na ako sa nangyayari. Gusto kong magtanong, gusto kong malaman kung ano bang nangyayari.

Paanong naging mistress ni Mr. Ignacio ang mommy ko? At bakit parang si mommy pa ang galit kay Mrs. Ignacio?

What's happening?

Nanginginig na ako sa halo-halong emosyong nararamdaman.

Auntie Daniella went closer to me and rubbed my arm, para bang pinapakalma niya ako.

"Come on, Yvonne! Si Elisa ang legal na asawa."

Hindi ko na halos maintindihan ang pinaguusapan nila mommy. My phone keep vibrating for calls and texts pero hindi ko iyon tinitingnan.

My mind is preoccupied with these.

Gusto kong bumalik sa loob at aluin si Eliot. Alam kong mahirap para sa kaniya ito.

That my mother is reason why their family is falling apart.

"Avery, hija, mauna na tayong pumasok sa sasakyan..." malambing na sabi ni Auntie Daniella sa akin.

I saw two of my siblings looking at me with concern in their eyes.

Pumilit ako ng ngiti at tumango.

"Get in, Yvonne. Sa bahay tayo maguusap." Sigaw ni Daddy.

Mommy looks furious, magulo na ang kaniyang buhok dahil sa ginawang paghila ni Mrs. Ignacio sa kaniya.

Nangingilid din ang luha sa kaniyang mga mata bago siya tuluyang sumakay sa kotse.

Pasakay na rin sana ako nang tawagin ako ni Xanthe.

"Avery!"

Kasunod niya si Neo na hinuhubad ngayon ang coat nila. Miski si Auntie ay napalingon sa kanila.

My siblings went inside the car already.

Nang mapansin nila Xanthe na paalis na kami ay nagalinlangan silang lumapit.

Kahit na gusto ko na ring umuwi ay parang mas gusto ko rin munang mag-stay, gusto ko ng makakausap, gusto ko muna ng mapaglalabasan ng nararamdaman.

"Auntie, pasabi na lang po kila daddy na hindi po muna ako sasabay. Ihahatid na lang po ako ni Neo..."

"Sige, magiingat ka, Avery. Mas maganda ngang magpalamig ka muna at baka magaway lang din si Ian at Yvonne."

Tumango ako, niyakap muna ako ng mahigpit ni Auntie bago siya tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

Ilang Segundo pa ang nakalipas bago umandar paalis ang sasakyan.

That's also the time when Neo finally approached me and put his coat to my shoulder. Tumango naman ako at mahinang nagpasalamat, malamig na at malaking tulong ang coat niya.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon