Chapter 1

Mikay’s POV

“Pssst” Lumingon ako dun sa kaliwa ko at nakita ko si Maddie.

“Bakit?” Bulong ko.

Exam kasi namin sa Science ngayon.

Bawal ang maingay, yan ang rule number 1 ni Ms. Alex.

“Anong sagot sa number 4? Bilisan mo!”

(-_-)

That’s Maddie Olivarez.

Spoiled Brat, palibhasa anak-mayaman at only child.

She’s currently the “It girl” sa school.

At bully.

Yup, bully. Binubully niya ko palagi.

Lagi niya kong pinagti-tripan kahit wala naman akong kasalanan sa kanya.

Kapag hindi ko sinabi yung sagot sa kanya, for sure ipapahiya niya ko mamaya.

“Ano ba mikay! Bilisan mo! Baka makita ako!” Naka-lean forward kasi siya sakin.

Bwisit!

Uso kasi magaral para hindi ka naka-depende sa katabi mo!

“Ay uhhmmm…..Anabolism kasi yun yung constructive diba?”

 

“Sige”

Tignan mo ito.

Wala man lang thank you.

Inayos ko na lang yung glasses ko tapos nagsagot na ulit ako sa test paper ko.

*Blag*

Lahat kami nagulat nung biglang bumukas yung pintuan.

“Mam, I’m sorry I’m late” Nagkamot ng ulo si Gino tapos umupo na siya sa tabi ko.

“Mr. Dela Rosa, ilang beses ko bang uulitin-----”

 

“Na dapat nandito na ako sa classroom before ka dumating. Examination day kasi ngayon tapos late ako”

Nagtawanan yung mga classmates ko dahil kabisado na pala ni Gino yung sasabihin ni Mam.

I'm his TUTOR (kathniel)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!