Kabanata 4

593 29 6
                                    

+++ Ika- apat na Kabanata

"Carlisle!" sigaw ng isang matinis na tinig.

"Don't shout Ayumi. " nahihiyang saway ni Errol sa kaibigang excited na nakatingin sa akin at nagsimula ng maglakad papunta sa kinaroroonan ko.

Di pa man ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko nang may dalawang pares na ng braso ang bumalot sa akin.

"Good morning my Dear!" nakangiting bati nito at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Napangiwi ako sa inasal niya.

"G-good morning too. " nasambit ko nalang at ngumiti ng alanganin sa kanya.

Mas lalong lumapad ang kurba na nakaukit sa mga labi niya at ipinulupot ang kanyang braso sa braso ko. Kakakilala palang namin ngunit kung umasta ito ay daig pa ang isang matalik na kaibigan na matagal ko ng nakakasama.

"Hyung.." naputol ang pag iisip ko nang magsalita si Errol.

Hyung? Sino ang tinawag niyang Hyung? Gayon pa man ay dumiin ang pagkakakapit ni Ayumi sa braso ko.

"What's up bro?" isang masayang boses ang umimik mula sa aking likuran.

Napataas ako ng kilay, wala namang problema dahil natatakpan ito ng bangs ko, pinagmasdan ko siyang maglakad hanggang sa nasa tapat na siya ni Errol. Mukhang malungkot ang mukha ni Errol pero nakipag bro fist pa rin ito sa nakangiting nilalang na lumapit sa kanya.

"Okay naman ako Hyung, binisita lang namin ni Ayumi si Carlisle." animo'y isang nakababatang kapatid siya ng kausap kung sumagot.

Napatingin sa direksyon namin ni Ayumi si Makubex at ngumiti ng nakasisilaw, napadako ang tingin ko kay Ayumi at napansin kong masama ang tingin nito sa binata. My, my. Anong ibig sabihin ng nakikita ko?Magkakilala silang tatlo? Bakit di ko ata iyon alam? Kung sabagay ngayon lang naman nakuha ng dalawang ito ang interes ko kaya ngayon ko lang nalaman na nageexist pala sila, ngunit hindi ko naman nasisilayan na kasama sila ni Makubex.

"Good morning Ms. Ayumi." nakangiting bati ni Makubex na animo'y inaakit pa si Ayumi base sa tono ng pananalita niya.

Napansin kong natigilan si Ayumi at parang hindi siya mapakali pero iba ang ipinapakita ng mukha niya.

"Tch! Let's go Errol." imik niya kapagdaka'y inalis niya ang braso niya sa braso ko at hinaltak niya si Errol na parang hindi rin mapakali ngunit bago sila tuluyang umalis ay tumingin muna sa akin ang dalaga at nginitian ako ng matamis.

"Sabay tayo mamayang maglunch Carlisle ha? Susunduin ka namin dito. " hindi na ako nakasagot pa dahil agad na silang umalis.

Napabuntong hininga nalang ako kasabay naman noon ang nagsulputang mga bulungan kaya minabuti kong pumasok na rin sa loob ng silid aralan namin.

"Gosh! Did Ms. Ayumi just talked to that weird? Take note ang close pa nila?"

"At siya pa talaga ang pinuntahan nila Prince Errol dito."

"Baka naman kinulam niya?"

"Geez! Ang creepy niya talaga!"

Non sense. Walang katuturan ang lumalabas sa tampalasan nilang mga bibig. They don't know a thing kaya ang dapat nilang gawin ay manahimik nalang.

"Good morning Carlisle!" bati ni Alexa pagkaupo na pagkaupo ko sa pwesto ko. Tumango lang ako sa kanya at ipinatong ang braso ko sa table na nasa harap ko.

"Whoa! Paano kayo nagkakilala? Parang kahapon lang tinatanong mo ang mga pangalan nila ah." pang uusisa niya.

I just shrugged at itinuon nalang ang mata sa unahan. Wala pang professor na dumarating kaya nasa labas pa ang karamihan sa mga kaeskwela ko.

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon