Akira's POV

"Hay sa wakas at magaling ka na, Akira." sabe ni Candy.

"Grabe ah. Kung makapag salita ka parang ikaw ang nagalaga kay Akira ah." pangaasar ni Sam kay Candy.

"Che! Ewan ko sayo." hay nako. Tong dalawang to.

"Kayo talaga. Tumigil na kayo. Para kayong mga bata." sabe ko. Well... mas gusto ko pa sana magstay sa bahay e.

Naalala ko parin kasi yung nangyari nung nakaraang araw.

A half of me saying na tama lang ang ginawa ko, pero the other half... nagsisi sa mga sinabe ko.

Di ko na alam ang gagawin ko. Nakakabaliw talaga!

"Uy! Akira, nakatulala ka na." sabe ni Candy while snapping her fingers infront of my face.

"Huh? Ahh... Hehehe... wala to." sabe ko sabay pilit na ngumiti.
They gave me strange stares. I pouted.

"Wala nga." sabe ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata nila.

"OMG! Akira's back!" sabe ni Candy sabay yakap sakin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabe niya.

"What? What do you mean...."

"you pout! You always do that before. Pero nung nangyari nga yung... you know e bigla ka nalang nagbago." natutuwang sabe ni Candy. I bit my lower lip.

Talaga bang nagbago ako? Hay...

Pakiramdam ko may nakatingin sakin. Lumingon ako at nakita ko si Sam na nakatitig sakin habang nakangiti.

Napataas tuloy ang kilay ko ng wala sa oras. "Oh? Bakit titig na titig ka jan?" mataray kong tanong.

"Ay? Nagbalik nanaman? Hayy...." sabe ni Candy. Di ko nalang siya pinansin.

"Oh? Ano? Baka matunaw ako." mataray ko paring sabe kay Sam. He chuckled.

"Edi maganda. Dahil titig ko ang nakapag patunaw sayo." sabe niya sabay kindat. Ang corny niya ha. -___-

"Yeah. Whatever. Hanap ka kausap mo." sabe ko sabay buklat ng libro ko.

"Hahahahaha!!! Barado! Yan kasi." pangaasar ni Candy. Kahit si Sully e natatawa na din.

Oo, kasama namin si Sully. E kilala niyo naman yan. Dakilang tahimik. Ayaw magsalita.

Napakamot naman ng ulo si Sam. "Grabe naman. Hirap magisip ng pick up line ah." sabe niya sabay pout. I rolled my eyes.

*flash*

Ha? Ano yun? Parang may nagflash?

Tinignan ko yung paligid ko. Wala namang may hawak ng camera.

What was that?

***--***

"Uy! Forever 21! Daliiii..." sabe ni Candy sabay takbo. Hay nako.

Dito kami sa MOA. Natripang magmall ng mga to e.

Napailing nalang kaming apat. Bakit apat kamo? Kasama namin si Kevin.

Ewan ko ba sa dalawang yun. Mukha namang gusto nila ang isa't isa. Kasi si Candy di parin kayang pakawalan ang nakaraan niya kaya ganun.

I sighed. "Oh? Bakit nagbuntong hininga ka nanaman jan." sabe ni Sam. Napatitig ako sa kanya.

Bakit ba di kita kayang mahalin? Bakit ba siya parin? Gustong gusto ko na siyang kalimutan.

Naawa na din kasi ako kay Sam. He's been there for me all through these years pero di ko parin kayang suklian lahat ng ginawa niya para sakin.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!