CHAPTER 26

654 31 15
                                                  

CHAPTER 26

Mabagal

"Pupunta si papa..." said Eliot while doing his plates.

Pinapanood ko naman siyang seryosong gumuguhit, their professor tasked them to draw a coffee shop and a library.

Eliot is really good at this, sobrang ganda ng paraan niya sa pag guhit na hindi ko mapigilang hindi mamangha. He's really a talented guy, nanghingi siya kanina ng idea sa akin kung anong klaseng coffee shop ang gusto.

I told him that I like coffee shops like the café we're always hanging out. Nagdagdag pa ako ng ibang idea at eto nga ngayon at ginagawa na niya.

Inabot ko ang cappuccino na in-order ko at ininuman bago inabot ang libro ko sa financial accounting at sinubukang na lamang magbasa-basa habang gumuguhit si Eliot.

"Is your father invited too?" tanong ni Eliot nang hindi na ako umimik.

"Yeah, he's going to be with his family."

My father has two children sa bagong asawa nito. Mas matanda lang ako ng limang taon sa panganay nito.

"Ang sabi ni mommy baka raw hindi kami sabay pumunta,"ibinaba ko ng kaunti ang libro upang magtapat ang tingin namin ni Eliot.

Ibinaba naman niya ang kaniyang pencil.

"I can go with you. Si papa naman daw ang escort ni mama sa party."

Bigla naman akong na-excite.

"RTW nga lang ang binili sa akin ni mama dahil biglaan, e."

"That's alright, you will still look good."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Umayos na siya ng upo at binalik ang kaniyang atensiyon sa papel kung saan niya ginagawa ang coffee shop.

It's still lunch break at dahil busy rin ang mga kaibigan namin ay naisip na lang namin ni Eliot na dito na kumain ng lunch sa café na tambayan namin.

What I've noticed in this café, kung hindi estudyante ay mga couple talaga ang naparirito. I even saw someone shared sweet kisses on the other cubicle.

Which made me remember our first kiss.

That was very awkward and accident but I've cherished it very much.

Hindi naman na iyon nasundan, iba talaga ang pakiramdam.

Hindi ako nakatulog ng maayos ng tatlong araw dahil doon. Paulit-ulit bumabalik sa isipan, ganoon pala talaga kapag first kiss.

I wonder if that was Eliot's first kiss too.

Though there's a lot of girls na na-linked sa kaniya, hindi ko alam kung naging sila ba ng mga babaeng iyon o kung naging fling ba talaga niya.

Ayoko rin namang magtanong.

Sa ilang taon na kilala ko si Eliot ay ako pa lamang naman ang nasabing naging girlfriend niya.

After lunch break, it's my P.E 1 subject.

Sa court ginaganap ang P.E. namin at saktong P.E. class din nila Neo, Anchoret, at Diane.

Suot ko na ngayon ang P.E. uniform namin at ganoon din naman sila Diane.

Diane is crossing her arms as she watched me walk towards them. Nakalapit na kasi agad si Neo at Anchoret sa kaniya, si Neo nga ay may kausap na babae. Hindi ko lang kilala kung sino.

I even saw Marlon walking towards them, too.

Nang makalapit ako ay nakalapit na rin si Marlon, naka-uniform siya kaya paniguradong may klase siya or vacant niya.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon