Kabanata 4

3.5K 36 7
                                    

"Mom, where are we going?" hinarap ni Norain ang anak, hinagkan ito sa pisngi at pinisil ang ilong.

"Our new home," sagot ni Norain sa anak.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb. Hindi ito makapaniwala sa sinasabi ng ina.

Niyakap ni Norain ang makulit na si Caleb at kinarga sa kanyang bisig.

Tahimik lang si Emily na nakikinig  sa mag-ina. Ready na ang lahat ng kanilang gamit. Sinigurado niyang kumpleto na ang lahat.

Sumenyas si Norain sa tatlong lalaking nakasuot ng itim na suit. Agad na kinuha ng mga ito ang kanilang mga gamit at inilagay sa likod ng kotse. Sila ang mga lalaking inutusan ni Mateo. Nasa importanteng business trip ngayon ang binata.

Pagdakay sumakay na rin sina Norain, Caleb, Emily at Aling Trining na siyang kawaksi ni Norain. Ayaw niyang bitawan si Aling Trining lalo na't wala na itong iba pang kamag-anak. Mabuti nalang at okay lang kay Mateo.

Hindi niya akalaing mahaba-haba ang kanilang biyahe. Alas dyes sila ng umaga umalis pero nang dumating ang alas onse ay inutusan ni Norain ang driver na huminto sa drive thru para makapag-order ng pagkain. Nagtanong siya kung ilang oras ang biyahe. At nagulat siya nang sagutin siya ng isang nakaitim na lalaki na walong oras bago sila makarating sa mansion na sinasabi ni Mateo.

Matapos niyang makapag-order sa drive thru ay ginising ni Norain ang tatlong kasama para kumain ng lunch. Pati ang tatlong kasamahan nilang lalaki ay binilhan na rin niya. Huminto sila saglit para kumain.

Gustuhin man ni Aling Trining na tanungin si Norain pero mas pinili ng matanda na huwag na lang muna. Lalo na't personal na bagay ang gusto niyang itanong sa dalaga. Matagal na rin siyang nagsilbi sa dalaga at halos anak na ang turing niya dito. Nagkatinginan na lamang sila ni Emily na isa rin sa nalilito sa biglaan nilang pag-alis sa apartment na tinitirhan.

Gabi na nang dumating sila sa malaking mansion. Halos lumuwa ang mga mata ni Norain sa lawak at laki nito. The mansion was built from indigenous components. It was like a Spanish Colonial homes na sa tantiya ni Norain might be made of adobe in the Southwest and coquina rock in Florida.

Agad na sinalubong sila nang hindi mabilang na mga kawaksi. Tulog na si Caleb sa bisig ni Norain. Sabay na napayuko ang mga ito nang dumating sila. Kapwa sila nagulat sa inasta ng mga ito. Hindi lang sila sanay. Walang magawa sina Norain kundi sakyan na lamang ang ano mang nais ng mga ito. Palibhasa'y mayaman ang ama ng kanyang anak. Kaya dapat lang na sanayin na niya ang sarili. Naalala niya nang minsang tumira siya sa mga mansion ng mga Del Fuego. Ganyan nga siguro 'pag mayaman. Pero para sa kanya, hindi importante ang yaman sa mundong ibabaw. Aanhin mo ang yaman kung wala ka namang katiwasayan at kapayapaan?

Agad silang inalalayan ng mayordoma sa kani-kanilang kwarto. Gustuhin man ni Norain na gisingin ang anak para kumain ng hapunan pero mas pinili niyang huwag nalang itong istorbohin. Siguro'y pagod na pagod ito sa mahabang biyahe nila kanina.

Naisipang bumaba ni Norain para magtimpla ng gatas. Hindi kase siya makatulog. Iniisip niya ang kasal na sinasabi ni Mateo. Nang matapos sa pagtimpla ng gatas ay tinungo niya ang patio at naupo sa couch. Iniisip ang lahat na mangyayari. Natatakot siya.

"Too late and your still awake?" ani ng isang baritonong tinig. Dahil sa gulat ay napaso si Norain sa mainit niyang gatas. Damn it! Napalingon siya sa binata.

"Ba't ka naman kase nangugulat!" inis na sagot niya sa binata.

"Nice to see you here in my home! Now, let's talk about our wedding," balewalang turan ni Mateo sa kanya. His blue eyes directly point in her own black misty eyes.

Kinakabahan na naman si Norain. Parang ang aga naman yata kung magpapakasal agad siya kay Mateo, paano kung kuwestyunin siya ni Caleb? Palatanong pa naman ang batang iyon.

Behind Those Lies - Filipino (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon