Chapter 47: Pain lingers

3.5K 76 0
                                    

Her POV

"Alis na muna ako." sambit ko matapos namin na makalabas ng arcade. Buhat ni Trexx si Rionder

"Mama Lulu I want to eat pizza." sambit ni Rionder

Tiningnan ko si Trexx. Nasabi ko kasi sa kanya na gusto kong bumili ng mga libro. Hindi ko naman maisama sila ni Rionder dahil baka ma bore lang sila kaiintay sakin.

"Rionder, Mama Lulu has to buy something. She can't eat with us" sambit ko. Nakita kong nalungkot si Rionder.

"Don't worry she will join us later." sambit naman ni Trexx

"Really?" nabuhayang loob na sambit ni Rionder.

"Yes baby." Sambit ko. Nagpaalam na ako sa dalawa at nagtungo na sa bookstore.

Clovee's POV

"Clover you have to buy books right?" tanong ko kay Clover

"Yeah." maikling sambit naman ni Clover. Naglakad kami papasok ni Clover ng bookstore. Agad kaming nag-ikot. Habang nagtitingin tingin ay medyo lumayo ako sa kambal ko upang magtingin pa ng ilang libro.

Hindi ko talaga minsan maintindihan ang kambal kong ito. Minsan sobrang subsob sa work, minsan naman lutang o kaya seryosong nagbabasa. Kaya lagi na kaming pumupunta sa iba't ibang bookstore. Hindi lang para sa work kung hindi dahil isa iyon sa libangan niya.

Tumigil ako sa isang section at kinuha ang isang libro saka nagikot muli.

Her POV

Nang hindi ako makakita ng magandang libro ay agad akong lumipat ng ibang shelves upang maghanap. Lumuhod ako upang tingnan ang ibabang part at doon ako nakakita ng libro.

Hindi ko namalayang sa pagtayo ko ay may tao. Kaya nagkabanggaan kami at nahulog ang dalawang librong hawak ko. Agad akong lumuhod at kinuha ang mga libro. Tumayo ako at hinarap ang nakabungguan.

"I'm so-

Hindi ko natapos ang sasabihin ko

"Elle" agad akong natigilan. I didn't expect na ganito kaaga ko siya makikita. Nakatingin lang ako sa kanya.

Third POV

Sabay na natigilan ang dalawa dahil sa nangyari.

"Elle" banggit muli ni Clovee sa pangalan ni Elle

"You're back." nakangiting sambit ni Clovee

Hindi alam ni Elle kung ano ang mararamdaman niya. Galit ba dahil naaalala na naman niya ang nangyari? Tuwa dahil nakita niyang muli ang bestfriend? O gulat dahil 'di niya inakala na magkikita sila ng maaga?

"I'm sorry, I'm going." sambit ni Elle at agad nilagpasan si Clovee.

"I'm sorry Elle." seryosong sambit ni Clovee. Napatigil si Elle sa paglalakad. Hindi niya nilingon ang kausap. Nakatayo lang siya doon.

"I'm sorry for hurting you." naiiyak na sambit ni Clovee. Huminga ng malalim si Elle at saka nagsalita. Hindi niya kayang ipakita na nasasaktan siya.

"It's not the right time and place to talk and please don't tell them that we met." seryosong sambit ni Elle at saka naglakad paalis. Hindi alam ni Clovee ang gagawin. Mixed feelings ang nararamdaman niya ngayon.

Clovee's POV

"What happen to you?" tanong ni Clover.

Matapos ng pagkikita namin ni Elle ay tulala lamang ako. Hanggang makauwi kami ni Clover ay tulala lamang ako. Alam kong nahalata ito ng kambal ko. Agad nagsimulang magtuluan ang luha sa mga mata ko.

"She's back." sambit ko. Nagulat ang kambal ko dahil sa sinabi ko.

"What?" paninigurado ni Clover

"S-she's back. I-I saw her in the bookstore" umiiyak na sambit ko

.

"What did she say?" seryosong tanong ni Clover

"She said that it was not the right time and place to talk. And she said to not tell them about her being here." sambit ko

"She change so much. She look so mature and very beautiful." sambit ko saka ngumiti ng mapait.

"What are we going to do?" tanong ni Clover

"Let's wait for the right time. Magkikita pa kami. Nararamdaman ko na hindi ito ang huli naming pagkikita." sambit ko

Elle's POV

Nakauwi na kami ni Trexx at Rionder. I was so bothered. Dinala na ni Trexx si Rionder sa kwarto dahil nakatulog na ito sa sobrang pagod. Nakaupo lang ako sa sofa.

"Are you okay? May nangyari ba?" tanong ni Trexx

"I saw her." malungkot na sambit ko at bumuntong hininga.

"Who?" tanong ni Trexx

"Clovee. Nakita ko siya kanina sa bookstore." Sambit ko

"Nag-sorry siya." sambit ko. Lumapit si Trexx sa akin at niyakap ako

"Cry it out." malambing sambit ni Trexx. Niyakap ko siya pabalik at doon umiyak.

"Akala ko hindi na masakit. The moment I saw her, I just want to get away in that place. I thought that I'm ready but I was not. What am I going to do? Andun pa rin yung sakit. Naalala ko ang mga nangyari noon nung nakita ko siya." Umiiyak na sambit ko

"It's fine to run away once to ease the pain but after that face it. Dahil kapag patuloy mo itong tatakasan lalo lang hahaba ang panahon na masasaktan ka. 'Wag mong babalutin ng galit at hinanakit ang puso mo. Pakinggan mo muna sila. But it is still your decision to make." sambit ni Trexx.

"You are the one who have to make a decision. Susuportahan kita kung ano ang maging desisyon mo. Pero sana yung desisyon na pipiliin mo ay yung makakapagpasaya sayo. 'Wag kang gagawa ng desisyon na pagsisisihan mo. Rionder and I will be here to support you." sambit muli ni Trexx.

Mabilis na nagsituluan anh luha sa mga mata ko matapos marinig iyon.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon