“Pa’no ka nakakasigurong isa akong katulad ninyo?”
Litong-lito ako sa mga nangyayari hanggang ngayon tapos dumagdag pa ‘to, isa ang null sa kinamumuhian ko, pero bakit ga’nun, null ang kapatid ko na hanggang ngayon hindi ko alam kong pa’no nangyari ‘yon? Mga kasama kong grupo ng mga kabataan ay mga Null, ang mga humahabol sa’min ay mga null, tapos malalaman kong isa rin akong null? Napaka-ironic naman ng buhay ko.
“Kong normal ka lang na tao, hindi ka basta-basta makakapasok sa guild.”
Lalo akong naguluhan sa sinabi n’ya.
“Ang guild ay hindi basta-basta makikita sa mata ng normal na tao, may nakapalibot na barrier or harang sa palibot nito, habang nabubuhay si Nyra, nanatiling malakas ang barrier at hindi ‘yon basta-basta masisira, hindi ka rin makakapasok sa barrier ng ga’nun kadali, kasi dumikit lang ang balat ng isang normal na tao sa harang pwede ka nang mamamatay, so sabihin mo nga sa’kin pa’no ka magiging normal na tao kong nakapasok ka ng kadali sa guild?”
Binitawan ko ang pagkakahawak sa wheelchair n’ya, dahil do’n dahan-dahan n’yang ginalaw ang gulong para humarap sa’kin, napasulyap ako sa kanya, ang dami kong tanong, totoo ba ‘to?
“Hindi naman mahirap Charlie, kailangan mo lang tanggapin kong ano ka talaga.”
Napailing ako, “hindi mo naiintindihan---”
“Na ano, na sila mismo ang may dahilan kong bakit namatay ang papa mo at magulo ang pamilya ninyo?”
Nakaramdam ako ng kirot at poot nang ipaalala n’ya, wala s’yang karapatan basahin ang alaala ko!
Nanginginig ang magkabilang kamao ko sa pang gigil. Nag-iinit ang buong katawan ko, biglang lumakas ang hangin at maririnig ang paghampasan ng mga sunflowers sa bawat isa.
“Iba-iba sila, iba-iba kami, hindi lahat ng null ay magkakatulad, sabihin nating kasalanan nga nila, pero hindi mo pwedeng habang buhay isisi sa kanila, tapos na ang lahat, nangyari na, sa tingin mo pag napatay mo ang isa sa kanila, mabubuhay mo ang ama mo, matatahimik ka ba? Maibabalik ba sa ayos ang pamilya mo? Maibabalik ba sa ayos ang lahat?”
Ang mga salita n’ya para bang naghahatid sa’kin para huminahon, may punto s’ya, dahan-dahan kong pinakawalan ang mga kamay ko, tumahimik ang paligid at pati rin ang hangin, nakaramdam ako ng pagod, napaka-amo ng mga mata n’yang naka-titig sa’kin na para bang nakikiusap. Nawala ang aura n’yang palabiro at napalitan ito ng seryosong mukha.
“Mahirap tanggapin, pero nandito kami para tulungan ka, ang guild na ‘to ay para sa’yo na naguguluhan sa mundong ginagalawan, matutulungan ka ng mga magulang ko, na palakasin at makontrol ‘yang kakayahan mo, para kang inakay na kaya nang lumipad at mag-isa sa hamon ng buhay, ang kailangan mo lang ay mahalin kong ano ang binigay sa ‘yo.”
“Pero hindi ko ‘to gusto.”
“Lahat ba tayo ginusto maging ganito? Walang may gusto, kong sumpa man ‘to, bakit hindi mo gawing kalakasan, tanggapin mo ang binigay sa ‘yo, magiging ayos din ang lahat.”
Na andoon pa rin ang takot at walang kasiguraduhan sa susunod na mangyayari.
Bahagya s’yang ngumiti sa’kin, “marami pa rin akong tanong.”
“Lahat ‘yan masasagot, wala namang tanong na walang kasagutan, magtiwala ka lang.”
Tiwala ata ang mahirap ibigay at gawin.
Lumapit s’ya sa’kin at hinawakan ang kanan kong kamay, nandilim at nawala ang lahat.
Napasinghap ako at para bang nagising muli sa isang panaginip, nasilayan ko ang kisameng gawa sa kahoy, ramdam ko ang malambot na kama, dahan-dahan akong umupo, para akong nasa bahay kubo, bukas ang magkabilang gilid ng kubo at naka-sabit ang kurtinang gray na nagsisilbing pintuan, may apat na higaan sa silid, lamesa at malaking kabinet sa gilid.
Walang katao-tao kong di ako lang, tumayo ako at nasilayan ang malapit na bintana sa kinahihigaan ko, sinilip ako ro’n, tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang mga kabataang katulad namin na busy sa kani-kanilang trabaho, napakaingay, pero masayang ingay.
Lumabas ako sa kubo, may ilang batang nagtatakbuhan at nag-aasaran, may ilan namang nagtutulungan na kumuha ng prutas at gulay sa taniman, nagsisibak ng kahoy, at ilang tumutulong sa paglilinis ng paligid.
Do’n ko nasilayan sila Alto, Conan at Quinn na tumutulong sa pag-iigib, masaya silang ginagawa ang bagay na ‘yon, nakita kong nakikipagtawanan si Camille at Gaile sa grupo ni Althea habang naghahalo ng pataba sa lupa.
Naglakad ako nang masilayan ko naman si Ian na kalalapag pa lamang ng mga kahoy na kinuha n’ya sa loob ng gubat, pawisan s’ya pero nagtaka ako nang mapansin kong nilapitan s’ya ni Jesse para abutan ng tubig na maiinom at pang punas sa pawis n’ya, naka-ngiti sila sa isa’t isa, napangiti ako nang may mapansin akong kakaiba sa kanila habang nagtitigan sila o malisyoso lang talaga ako.
Muli akong naglakad, parang kulang ang grupo, hinanap ko sila, natigilan ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa di kalayuan, sinundan ko ‘yon dahil bahagya ring malakas, hanggang sa makalapit ako sa isang open house na kubo, maraming bata na naka-upo sa damuhan at tahimik na nakikinig sa nagsasalita sa unahan.
Hindi ko alam kong totoo ba ‘tong nakikita ko o baka isa na naman ‘to sa panaginip ko, si Jordan nagtuturo sa mga bata ng tungkol sa biology, wala ‘yong eyeliner, itim n’yang lipstick at itim n’yang kulay sa kuko, pero na ro’n pa rin ang gulo n’yang buhok, pero malayo sa personalidad n’ya ang magturo sa mga bata, ngumingiti pa s’ya habang nag-explained, s’ya ba si Jordan?
“Charlie.”
Nahinto ako sa pagmamasid ko kay Jordan nang marinig ko ang pamilyar na boses sa’king isipan nang tawagin n’ya ang pangalan ko sa pamamagitan nu’n, iisa lang naman ang madalas nu’n gumawa.
Parang alam kong saan ako haharap kaya pagharap ko sa direksyon n’ya, nasilayan ko ang maamo n’yang mukhang naka-ngiti sa’kin, may hawak s’yang isdang malaki sa magkabila n’yang kamay.
Muli kong naisip ang mga sinabi sa’kin ni Jacob, baka nga tama s’ya, baka kailangan ko nang tanggapin ang lahat kong anong kapalaran ko.
----------
Note: Thank you for supporting this story, love you all, keep on reading and comment about sa opinyon sa story kong pangit sya or what its oaky for me, thank you.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
Chapter 21
Start from the beginning
