CHAPTER 25

600 39 7
                                                  

CHAPTER 25

Temperature

"What the hell is this? Are you sure this crap will make us pass?" kaunti na lang ay may lumabas ng uso sa tenga at ilong ni Ivory habang sinasabi niya sa akin iyon.

Inihagis niya ang papel na pinaghirapan kong tapusin magdamag kagabi. It's for the chapter one of our baby thesis, the most crucial part. Sinadya niyang ibigay sa akin ang parteng iyon. She even emphasizes na h'wag daw kaming magtulungan sa parte para mas mabilis matapos.

"Tama naman, Ivory ah..." si Marielle na binabasa ngayon ang sinulat ko.

"Tama? Are you even reading it properly? Ilang ulit sinabi ni ma'am na kailangan nga nating ma-explain ng mabuti." Inagaw ni Ivory ang papel kay Marielle bago itapon sa sahig.

"I am so stupid to think you can do this task. Gosh, I am so disappointed. Ayusin mo nga ang trabaho mo."

I remained silent.

Inisip ko na lang na baka nga may mali talaga sa nagawa ko. Hindi naman siguro magagalit ng ganoon si Ivory kung wala. Alam kong gustong-gusto niya na manalong best baby thesis ang amin. I'm pretty sure she just want me to do my job properly.

"I can't, I'm sorry..." huminga ako ng malalim.

Kumunot ang noo ni Cupid.

Si Spencer naman ay halata sa mukha niya na nalungkot siya. "Bakit? Sabi mo last week puwede ka. Baka kasi hindi alam ni Caroline iyong kanta." Nagtatakang tanong niya bago inayos ang kaniyang bag.

"May baby thesis kasi kami." Nagkibit-balikat ako. "Ni-reject ni Ivory iyong gawa ko. Ayaw niya raw na ganoon ang ipapa-check namin sa professor namin." Dagdag ko at kinuha ang libro ni Eliot na ipinatong niya sa lamesa.

Eliot looked at me with concern on his eyes.

"Do you want me to help you?" marahan niyang tanong bago niya ipatong ang palad sa aking tuhod.

"Hindi na, kaunting revision lang naman." Ngumiti ako sa kaniya at inagaw na sa kaniya ang bag niya.

Inilagay ko na roon ang mga libro niya at sinigurado kong maayos naman.

"I'll call Caroline if she can come." Ang malalim na boses ni Cupid ang umagaw sa atensiyon namin. Nagsisimula na siyang manipulahin ang kaniyang cellphone.

Cupid went outside to have a private call with Caroline kaya kami na lang nila Spencer ang naiwan. Xanthe isn't around yet, ang sabi niya kanina ay may tatapusin lang dawn a group activity. Susunod na lang daw siya kung saan gaganapin ang gig.

"I'll drive you home before going to the gig." Si Eliot.

Mabilis naman akong umiling, isang oras at kalahati na lang bago magsimula ang gig nila. Kung ihahatid niya ako ay baka ma-late pa siya.

Siya pa naman ang maghahanda ng drums niya, baka ma-delay pa ang performance nila kung sakali. Ayoko naman ng ganon.

"Hindi na. Iti-text na lang kita once I got home."

Itinagilid niya ang kaniyang ulo, parang gusto pang ipilit ang gusto niya pero tingin ko ay alam niya rin kung bakit mas gusto kong h'wag na niya ako ihatid.

"I'll ask Diane or Neo na samahan ka..." parang hindi pa rin siya desidido na hindi niya ako ihahatid, parang nalilito pa ang kaniyang mga mata habang tinititigan ako.

Napangisi naman ako at hinawakan ang kamay niyang nasa tuhod ko. Sa laki ng kamay niya ay nagmukhang maliit lang ang palad ko. Nakita ko naman agad ang singsing na pambatang isinuot niya sa akin noong nag-propose siya.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon