7: Personal Assistant

54 3 0
                                                  

ccto📸~

Andrianne Montero☝️

unedited

ISAY's POV

Nagising ako sa bango ng niluluto mula sa kusina,
tiningnan ko muna ang oras mula sa cellphone ko,

4:50 na pala,

dali-dali akong bumangon at dumiritso na sa kusina.

Naabutan ko sa kusina si Manang Belen na nagluluto,
lumapit ako dito para tingnan ang niluluto niya.

hmmm bango naman!

bacon at omelette ang
niluluto ni Manang,

ako na ang naghanda ng pagkain sa mesa, nagtimpla na din ako ng preskong Orange juice,

mamaya na siguro ako magtitimpla ng kape kapag may humingi na at baka lumamig pa.

habang abala ako sa paghahanda may narinig akong mga yabag,

mabilis akong tumingin dito at hinintay na pumasok sa kusina.

Isang napakagandang babaeng ang bumungad sa akin,
maamo ang mukha,
mahaba at alon-alon ang kulay tsokolateng buhok na hindi man lang pinagkaabalahang suklayin dahil buhaghag,

nakapikit pa ang mga mata nito na tila inaantok pa.
ito na siguro si Ma'am Andria,
ang ganda talaga ng lahi nila.
sabagay sa ganda ba naman ni Ma'am Agatha kanino pa ba magmamana?.

" Good Morning Ma'am Andria, kain na po"

Mabilis itong napamulat at lumapit sa akin.

"Good Morning din, ikaw na ba si Isay? Hi, ako nga pala si Andriane, pero Andria nalang itawag mo sakin, wag nang ma'am"
inabot nito ang kamay sa akin at nakipagshake-hands.

"Sige po Andria" nahihiya kong tugon rito.

umupo na ito at nagsimulang kumain na, pinipilit pa ako nitong sumabay sa kanya pero dahil sa nakakahiya talaga dahil amo ko siya,

sinabi ko na lang na sasabay ako kay Anj kumain,


Sa likod ng bahay ko natagpuan si Anj,
Kasama nito ang isa pang katulong na taga laba. naghahagikhikan ang mga ito ng maabutan ko,

hawak ng babae ang isang brief na kulay black, anung bang ginagawa nila?

"Hoy! anong ginagawa niyo?
sigaw ko sa kanila ng makalapit na ako.

bigla nitong nilublob sa tubig ang brief.

"Naku Isay ikaw pala ginulat mo naman kami, siya nga pala ito si Ana, ang taga-laba dito, Ana siya naman di Isay ang P.A ni Ma'm Andria"

pagpapakilala nito sa amin,
ngumiti ako kay ana, maganda rin ito at morena ang balat.

"Hi Ana, tara kain na muna tayo, mamaya na yan."

tumayo na si Ana at sumunod kay Anj sa kusina,
tiningnan ko muna ang mga labahin,
hindi naman marami,

dalawang basket lang ang nakita ko.
yung isa puro mga puting kobre kama o kumot at ang isa naman ay puro pang loob.

brief? yikes.

kumuha ako ng isa at tiningnan ko ang size,

wow large mga mamsh!

inamoy-amoy ko ito.

hmm bango amoy bacon hihi!
akala ko ba labahan na 'to?
ba't parang ang bango parin?
muli ko itong inamoy.

hmm ban--!

"What the fvck are you doing?"

Nagulat ako at biglang kong naitago ang brief sa likuran ko.
lumingon ako at nakita ko ang galit na itsura nito,

namilog ang mata ko sa gulat,

ang lalaking kaharap ko ay walang iba kundi si bibi loves ko!
siya si Sir Drew? nagdiwang ang kalooban, Ohmeged tedhene telege keme hehe!

"I'm asking you woman, what the fvck are you doing with my underwear?"

napaigtad ako sa muling sigaw nito,
ang high pitch naman ni bibi loves.

"Hehe kwan po sinta este Sir pala, inamoy ko lang ho baka may germs, mahirap na ho"

parang tanga ko sagot rito.
nangunot lamang ang nuo nito,
galit ang mga mata nitong tumitig sa akin at umalis na.
sungit talaga ni bibi loves pero sobrang gwapo pa din,

eyy enebe kenekeleg telege eke hehe.

---

Pagkatapos kong kumain ng agahan ay pinatawag na ako ni Andria.

Pupunta daw kami sa Nueva Ecija,
2 days kami doon,
dala ko ang isang backpack ko at ang isang travelling bag ni maam Andria,

inihatid kami ni Manong Ruben sa airport at sumakay din kami ng bus para makarating sa bayan ng San Agustin sa Nueva Ecija.

Nagpahinga muna kami pagkatapos ay namasyal na kami ni maam Andria, dala-dala ko ang kanyan Art materials para kung saan niya gusto magpinta ay maihanda ko na.

ang saya pala ng ganitong trabaho,
pasyal pasyal lang may sahod ka na,

bunos pa dahil may bibi loves akong lagi makikita sa Mansion ng mga Montero hihihi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

washiweyp, washineyney??😂 baa gudman kasakit nak ulo paginuro-utro hin nga chapter 😂😂

Chasing Skyler Drew MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon