CHAPTER 24

656 46 16
                                                  

Note: Sorry for the late update, nagkasakit kasi ako at ngayon lang din umayos ang pakiramdam. This will be a boring update btw.

-

CHAPTER 24

First

"New café?" tanong ko kay Neo habang naglalakad kami patungong college.

He took medicine and this is the first we hangout again ng kami lang dalawa.

"Ata? It looks comfortable." He said at nauna na sa paglalakad.

Kumunot muna ang noo ko bago tinitigan ang café na wala pa masiyadong dumadalaw.

Nang tumingin ako kay Neo ay nakakalayo na siya kaya tumakbo na ako para mahabol siya.

Nilingon ko muli ang café at naisip na ayain si Eliot minsan doon.

"Doctor, sandali!" tawag atensiyon ko kay Neo nang hindi ko pa rin siya mahabol dahil sa suot kong boots, may heels kasi.

I like collecting and wearing boots, mostly ay matataas ang heels at isa na itong suot ko ngayon.

"Ang bagal kasi..." si Neo at sinimangutan ako.

"Hindi mo manlang ba na-appreciate na tinawag kitang doctor." Pagbibiro ko sa kaniya nang tuluyan na kaming magkasabay sa paglalakad.

A smile form into his lips at matapos non ay ginulo ang aking buhok.

"Oo na lang Attorney."

Napangisi naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko akalain na masarap pala talaga sa feeling iyong isipin na one day magiging ikaw na talaga 'yung gusto mong maging.

I want to be an Attorney, sisiguraduhin kong matutupad iyon. Gaya na lang ng kagustuhan nila Neo na maging isang doctor, flight attendant, engineer at kung ano-ano pa.

One day!

Lahat kami maa-achieve iyon.

We will all gonna be successful.

"Salamat. Ingat ka!" kumaway ako kay Neo nang nagsimula na siyang maglakad paalis.

Hinatid niya lang ako sa classroom kung saan ang unang klase ko para sa araw na ito. Mas maaga ng 30 minutes ang klase ko sa kaniya kaya ayos lang na patungo pa lang siya sa building nila.

Pagpasok ko sa klase ay nakita ko agad ang pamilyar na mukha ni Ivory.

My first subject is minor subject kaya hindi rin nakakapagtakang maging kaklase ko si Ivory rito.

Ang alam ko ay hindi niya ti-na-ke ang subject na ito noong first year siya kaya ngayon niya palang kinuha.

She's an irregular student. Ang sabi nila ay dahil daw busy siya sa pagm-model kaya hindi naasikaso ng mabuti ang mga subjects.

She's surrounded by some girls na tingin ko ay ka-level naman niya.

Her eyebrows raised when she saw me looking at her, she rolled her eyes bago bumaling sa whiteboard.

Napanguso naman ako, hindi ko talaga alam kung bakit ganiyan ang tungo niya sa akin.

Mas lalong sumama ang tungo niya sa akin.

Nang i-kwento ko kay Diane, ang sabi niya ay maaari raw na dahil iyon sa boyfriend ko na si Eliot.

And I suddenly remember that once, na-involve ang pangalan nilang dalawa sa dating scandal na hindi naman napatunayan.

Rumors lang talaga.

"Good morning, class." Bati sa amin ng Professor namin, nang makabati na kami pabalik ay agad naman siyang nagsimula sa klase.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon