Prologue

39 12 39

"5 years from now? How do you see yourself?" My teacher asked us.

5 years from now? How do i see myself? Ano na kaya yung kapalaran ko? Mayaman na ba ako nun? Nakamit ko na kaya yun mga pangarap ko sa buhay?

Habang iniisip ko yun mga posible kong sagot. Bigla ako napatingin sa kanyang direksyon. Nakaupo lang siya sa gilid ng silid-aralin namin. Nakayuko,nakalagay yung headphone sa kanyang tengga tila may pinapakinggan na tunog.

Ano kaya inisiip itong lalaking to? Parang walang pakielam sa tanong ng guro namin. Hirap man isipin pero parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi pa'rin mawala sa aking direksyon kung ano ginagawa niya.

Ako? Kung ako tatanungin? Sana maging kami lalaking 'to. Kahit ganyan katahimik pero sinagad naman sa talino kung tutuusin. Halos lahat ng subject alam niya. Mapa math,science and english alam niya. Ewan ko ba bakit bilib na bilib ako sa lalaking 'to. Kahit hindi man niya ako pinapansin masyado. Ang saklap lang nga halos ilang taon na kami mag-klaklase tila ngayon hindi pa'rin kami close kumbaga pero kalaban ko yan sa honors.

Simula sa valedictorian kami nag aagawan ng pwesto pero hindi ko naman naisip agawin yun pwesto niya bilang valedictorian. Deserve naman niya. At hindi naman matalino sadyang masipag lang.

Nawala lahat ng nasa isip ko ng bigla tinawag ako ng aking guro.

"Ms. Salazar, Stand up. May i ask your answer about my question? 5 years from now, How do you see yourself?" Bakit ako pa? Pwede naman yun iba kong classmate. Hindi ko pa alam kung ano pwede kong sagutin. Pero bahala na.

"Maging kami ni Mr. Mendoza." Napapikit ako at bigla ko natakpan yung bibig ko dahil sinabi ko. Sh*t nakakahiya! Halos tinitignan ako ng buong klase habang naka-tayo ako. Sa totoo lang gusto ko na mapakain sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

"Maging kayo ni Mr. Mendoza? Bakit kaano ano mo ba siya? Boyfriend?" Tanong ng aming guro sa'kin. Hindi ko naman siya boyfriend. Crush lang naman. Halos mamula yung pisngi ko at tumaas ung mga balahibo ko. Buti na lang kamo hindi siya nakikinig.

"Yieeee!!" Hiyaw ng mga klaklase ko.

Simula nun. Ayoko ko na maging parte ng klase na ito kahit hiyang-hiya na ako sa sarili ko.

A Reason To Start AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon