Katatakutan o ilusyon 2

10K 308 72

Hindi ko alam kung matatakot ko kayo kasi hindi ako natakot hahaha! Anyway, sa mga nagbasa nung una, sleep paralysis po ang tawag kapag hindi ka makagalaw at hindi ka makasigaw.

At sa mga nagtatanong kung naranasan ko ba yung mga nakasulat sa una, ikaw? Ano ba sa tingin mo? XD

HAPPY HALLOWEEN! *0*

Katatakutan o ilusyon 2

 

May mga lugar na basta nalang bibigat ang pakiramdam mo. Yung tipong pagpasok mo sa isang silid ay bigla nalang bibigat ang iyong pakiramdam at parang pasan-pasan mo ang napakaraming problema.

Maayos naman akong nakatira noon sa inuupahan na apartment. Tahimik ang lugar at malinis naman. Dalawang palapag ang naturang apartment na tinitirahan namin noon. Noong una ay maayos naman ang mga unang araw ko doon. Tahimik... napakatahimik.

Ang tanong...

May manika ka bang babasagin o mga laruan na may mata? Huwag mo itong ilalagay sa lugar kung saan pumapasok ang maraming tao. Baka bahayan... at magulat ka isang araw na may kasama ka na pala.

***

Alam kong may kasama na kami noon sa tinitirahan naming iyon. At alam kong harmless siya. Madalas lang itong maglaro pero hindi ito nanggugulo. Okay pa nga dahil nagigising ako noon sa tamang oras dahil sa biglang pagbukas ng pintuan pero isang araw ay bigla nalang siyang hindi nagparamdam at napalitan ito ng nakakakilabot na pakiramdam.

Muli, ako ay nagigising ng madaling araw, kung hindi saktong alas tres ay bago mag alas tres ng madaling araw naman. Nakakatakot ang pakiramdam. Nakakakilabot. Madalas ay pawisan pa akong nagigising.

Pinilit ko itong huwag pansinin. Pinilit kong matulog ng normal pero sa mga ganoong oras ay sadyang nagigising ako. Pawisan kahit na tutok na tutok saakin ang electric fan. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil doon ko lang iyon naranasan.

Simula noon tuwing papanhik ako sa itaas ay parang laging may nakatingin saakin. Nakakatakot kahit wala naman akong nakikita. Nakakakilabot dahil hindi ko alam kung ANO ang nakatingin.

Noong una ay hindi ko ito sinabi sa kasama ko. Hanggang sa pumunta ang isa naming kaibigan doon at sa sala kami natulog.

Sa posisyon namin noon ay kitang-kita ang hagdanan. Madilim sa itaas pero alam kong may nakamasid saamin. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko ito sinasabi sakanila. Hanggang sa mapansin ng isa naming kaibigan na lagi akong napapatingin sa itaas.

Oo, may lalaking nakamasid saamin. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero nakakatakot ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang mga nakakatakot niyang mata. Umalis lang siya doon nang tanungin na ako ng kasama ko.

Alam niyang may nakita ako.

Pagkatapos ng gabing iyon noon ay lagi na niya akong ginugulo. Nakakatakot siya. Nahahawakan niya ako.

Sa takot ko ay lagi lang akong nakaharap sa pader tuwing matutulog. Akala ko okay na pero hindi pala. Alam kong nakatabi siya. Alam kong tumatabi siya... Hindi ako nakakatulog hanggang sa may araw na. Gabi-gabi iyon. Gabi-gabi akong kinikilabutan. Alam ko, gabi-gabi siyang nakamasid at sinusundan ako hanggang sa silid. Nakakatakot siya.

***

Hindi na kami nakatira doon. Hindi namin alam kung may iba na bang umupa doon ngayon pero alam kong wala na ang hindi nakikitang nilalang na iyon ngayon. Alam ko dahil kahit na umalis na ako doon ay nakailang balik pa ako. Wala na siya pero sana wala na siyang magulong iba.

Ngayon, maniniwala ka ba sa istoryang ito o isa lamang ba itong ilusyon?

Ps. Nawalan ng kuryente habang sinusulat ko ito. Damang-damang ko dahil madilim. :O

Coincidence o sadyang binibiro lang kita? haha

Katatakutan o ilusyon?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!