End

4.1K 69 18
                                    

UMUBO si Seb para tanggalin ang bara sa lalamunan. "Ahm . . ." huminga ito nang malalim at pabuga na binitiwan, "game," anito at humarap. "Before anything else, para maiwasan na ang misunderstanding, didiretsuhin na kita . . . I love you."

Tumigil ito sa pagsasalita at tumitig kay Blessie. Naghintay ng komento. Pero wala siyang binitiwan.

"Noong bata pa tayo, I like you. Gusto kong nasa tabi kita palagi, gusto kong nakikita kita palagi. I wanted to take care of you and protect you, so I did. Bonus na na binigyan ako ng chance ng daddy mo para alagaan ka and I was happy. But you know, I was also young and very immature. I can't differentiate love and affection. At ikaw rin naman, napakabata mo pa. Akala ko, affection 'yon kasi, you're like my sister already, so I tried seeking a relationship . . . sa iba." Sandali itong huminto. "I met Ella and I could say, I fell in love with her." Doon nagbawi ng tingin si Blessie. Gumuhit sa mga mata nito ang sakit. Marahil ay naalala nito kung paano nabigo ang murang puso.

"Dinala ko siya sa bahay noong fiesta dahil gusto ko siyang ipakilala sa pamilya ko, at sa 'yo. I won't stop you for calling me selfish; but I was trying to figure out my feelings towards both of you. I'm sorry," sabi ni Seb at nagpatuloy. "When you walked away, naiwan mo ang letter ng school kaya hinabol kita. I tried calling you pero hindi mo 'ko naririnig. Sinundan kita sa pinagtaguan mo and there, I heard it all. I knew how you felt towards me, Blessie, but I was confused."

"Hindi mo alam kung gaano kasakit na marinig kitang umiiyak. And the worst part was, ako . . . ako ang maysala. I . . ." Namamasa na ang mga mata ni Seb sa naalalang eksena sa pader, pero nagpatuloy pa rin ito. "I don't know what to do. Gusto kitang lapitan, hawakan, yakapin. I wanted to tell you anything just to stop you from crying. Pero ano'ng sasabihin ko? Na mahal kita? Na iiwan ko si Ella? Really, I don't know."

"It broke my heart when you started avoiding me. Kahit pilit mong hindi pinahahalata 'yon, ramdam ko. I can't blamed you, kaya hinayaan kita. I gave you your freedom at tinanggap ang assignment sa probinsiya." Tumigil uli ito at pilit hinuli ang mga mata ni Blessie na nakatungo. "Wala ka bang sasabihin?"

Umiling si Blessie.

"Sa mahigit dalawang taon ko sa malayo, pinag-isipan ko kung ano ang totoong gusto ko. Kung ano ang magpapaligaya sa akin. And I realized that I just want to stay by your side. Kagaya ng dati, taking care and protecting you. Kaya napaaga ang uwi ko, kasi miss na kita," anang lalaki na ngumisi sa kabila ng medyo basang mga mata.

Na-amuse naman ang dalaga sa kilos nito. Nagdadrama tapos ngumisi? Bipolar lang?

Ginagap ni Seb ang mga kamay niya na nakapatong sa hita.

"I love you. I may have fallen in love with other girls before but I Iove you more. Hindi bilang kuya o guwapo mong tagabantay."

"Kapal nito," usal ni Blessie sa kabila ng nangingilid na luha.

"Will you open your heart to me? Again? Na isang kapitbahay lang?" Sa hitsura ni Seb ngayon, biglang naalala ni Blessie ang tuta ng kapitbahay nila sa tuwing humihingi ito ng pagkain.

"English nang English . . . Oo na! Pero hindi ibig sabihin n'on ay sinasagot na kita."

Napakamot ng batok ang lalaki. "Magpapakipot ka pa pala sa akin? Nahalikan na nga kita, e."

"Ikaw talaga!" Pinagsususuntok niya ang balikat ng katabi. Nahihiya si Blessie na pag-usapan ang kapangahasang ginawa nito sa kanya noong gabing iyon. Dahil kahit siya ay halatang nagustuhan ang nangyari. "Kailangan mo pa bang banggitin 'yan uli?!"

"Sige na, sige na. Basta ba akin ka lang. Halika na, uwi na tayo," saad nito na hinila ang kamay niya. Nagpahila naman siya. Actually hilang-hila na sa ka-corny-han nito.

"Huwag mo nang isipin si Maria. Nag-toothbtush na ako at saka . . . pa-kiss na lang uli," bulong nito habang binabagtas nila ang daan.

"Hoy!" Inilayo ni Blessie ang mukha ni Seb mula sa kanya. "Magtigil ka diyan."

"Isa lang."

"Hindi pa tayo, kung nakakalimutan mo."

"Kahit hindi sa lips," suyo nito.

"S-sige." Kahit nag-usap silang huwag sa labi ay inaasahan pa rin ni Blessie na gagawin nito iyon. Ganoon lagi sa movies, e.

Ipinikit ni Blessie ang mga mata. Ang una niyang naramdaman ay ang kamay ni Seb sa kanyang pisngi. Dahan-dahan siyang hinila nito at dumampi ang pinakabanayad na halik sa kanyang noo. Ramdam niya kahit sa simpleng galaw na iyon ang sinserong pagmamahal na ipinangako ng binata.

THE END

COMPLETED Once Upon A NeighbourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon