Kabanata 18

1.6K 56 0
                                    

KABANATA 18



Tahimik akong kumakain dito at siyempre kasama si Kuya Pajama na tahimik rin na kumakain, walang sinuman ang nagsalita sa akin dahil busy kami sa pagkain.

Yung totoo? Nagmana ako dito?

Pero imposible namang magkapatid kami, ehh stepsiblings kami, naalala ko ang sinabi nito kanina.....

"Na-warningan ka na ‘di ba?, no one can hurt our young sister, because if you broke my rule YOU.WILL.REGRET.IT!!"

"Our young Sister"

"Our young sister"

"Our young sister"

Eh?

Dapat Stepsister kami diba?  Dapat ‘yon ang sinabi niya kanina, pero siguro, ako lang kasi ang babae sa kanila kaya tinuring na nila talaga ako na kapatid nilang babae.

Kahit nakakabuwiset sila sa paningin!

Sinawalang bahala ko nalang Ang iniisip ko at tinapos ang pagkain, "Kuya Pajama, sino ang mag-uurong?" Sakto namang paubos na ang kinakain ni Kuya Pajama kaya kinuha niya ang plato ko saka pinatong sa plato niyang ginamit at nagsimula ng maghugas.

Ako? Ito, ‘di makapaniwala. Ngumunguya pa siya habang hinuhugasan ang plato, seryoso? Marunong siya maghugas ng pinggan?

Bakit noong nasa bahay kami--I mean mansiyon, kung sino ang mahuli, tutulungan ang maids na maghugas ng pinggan, ako palagi ang pinaghuhugas dahil napapasarap palagi ang kain ko kaya ako nahuhuli!

Ilang buwaya ba ang nasa tiyan ko??

Natapos na maghugas si Kuya Pajama saka kumuha ng toothpick doon Sa taas ng Ref saka niya ito ginamit habang ako nakatanga lang.

"Mapasukan ng langaw" Sabi nito habang bored kung tumingin sa akin.

"Marunong kang maghugas?" Tanong ko dito. Tumango naman ito saka tinapon ang toothpick na ginamit saka uminom.

"Bakit? Hindi makapaniwala?" Mayabang nitong tanong nang ilagay ang baso niya sa lababo.

"Yabang mo!" Inis kong sabi, rinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"Alam mo Kuya Pajama, akala ko ‘di kayo marunong tumawa, kase in the first place, ‘kita ko ang mga walang emosyon niyong mukha, unang kita pa nga lang, sarap niyong ihagis sa ibang planeta" sabi ko dito, pumihit siya paharap habang nakasandal sa lababo saka nag-cross-arm at nakangisi.

"No’ng nalaman naming magkakapatid kaming babae ay sobrang tuwa namin at magkakaroon na kami ng prinsesa" makahulugan nitong sabi, huh?

"Nang nalaman naming, ang prinsesa namin ay nagmana pala sa amin" naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko dito. Bumulong siya ng mahina ang sarili niya pero wala akong marinig dahil paparating na ang mga ungas at mga tukmol na nangunguna sa kaingayan ay si Kuya Double M at si Andrew kaya hindi ko narinig ang binulong nito.

"Tapos ka nang kumain C-jay?" Napairap nalang ako sa tanong ni Kuya Double M. Obviously? ‘Di ba niya nakikita na wala nang kalat sa lamesa at magtatanong pa siyang kung tapos na ba kaming kumain?

Nakng tokwa!

"Bulag?" Sarkasmong tanong ko dito habang ang iba ay kanya-kanyang upo sa upuan at ‘yong iba naman ay nakasandal sa pader. Ngumisi ang mga ungas at ang mga tukmol sa sinagot ko.

"Malay ko bang kumakain pa ang buwaya sa tiyan mo" tinapunan ko siya ng matalim na tingin saka inirapan.

"Inggit lang ang isa kase ‘di kumakain ng marami kase daw magiging mataba" parinig ko na siyang dahilan ng pagbusangot niya, rinig ko ang mga bungisngis ng ilan dito dahil sa parinig ko kay Kuya Double M.

"Sandali nga Kuya Double M. May problema ba tayo sa malakas kumain?" Maangas kong tanong dito, napangisi ang ilan dahil siguro sa tinawag ko kay Kuya Double M. Yung totoo,

‘Di pa ba sila tinatawag ng ganyan?

Ako nga noon, tawag sa akin 'C-jay buraot' dahil nanghihingi ako ng lima noon para pandagdag sa baon ko kase gusto kong makaipon.

Pero di ko binabayaran!

Syempre, kaya nga buraot diba?

"’Di naman pero parang oo" ponyeta!

"’Di naman pero parang oo? Alam mo?"

"Hindi"

"Siyempre ‘Di ko pa sinasabi, paano mo nga naman malalaman" napabusangot ulit siya ang iba naman ay ngumingisi, ang ilan naman ay naiiling dahil sa sagutan naming walang ka-kwenta kwenta!

Palagi kaming ganito ni Kuya Double M. Sa tuwing may kasama kami nagbabarahan kami kahit nasa mansyon kami kapag kasama ang mga ungas o kaya naman yung mga maids pero kapag kaming dalawa lang nagiging isip bata siya.

Pero Siyempre ako ren ‘no!

"So, mayroon pa tayong 10 minutes bago mag-time kaya back to highschool lesson tayo sa Math, Miss Ylvadres what is Relation" tawag sa akin ni Miss Uldressa ang math prof namin.

Ano kaya yung relation?

"Ma'am?" Ngiti kong tawag dito, ngumiti rin siya. Mabait ito, close ko nga, kapag nagkakamali ako hindi niya ako tatawanan, tatawa man siya pero hindi yung tawang tawa dahil bobo ako kundi sa parang pranka ako kapag sumasagot.

"R-relation is a type of....."

"Go on Miss Ylvadres, I know you do it!" Pag-cheer niya sa akin habang ang mga kaklase ko ay malapit nang tumawa dahil nagiging pranka na naman ako kapag tinatawag lalo na sa Math.

"Relation is a Type of person..... who doesn't love back because she.....she desperada......and she is.........she is Tanga!!" napa-'ohh' naman ang mga kaklase ko sa sagot ko at tumawa dahil sa hindi ko alam kung anong isasagot ko, oo pang-grade 8 lang yan pero potaa!

Napailing nalang si Ma'am Uldressa habang hawak ang sintido, "Miss Ylvadres, iba ang sinabi mong relation, ang relation na sinasabi mo ay love. Ang ibig kong sabihin ay ang Representations of Relation, ang ibig sabihin ay, 'A Relation is any set of ordered pairs. The set of all first coordinates is called the Domain of the relation. The set of all second coordinates is called the Range of the Relation' yan ang sinasabi ko, Pero nag effort ka namang sumagot, thank you nalang sa sagot mo" napayuko ako dahil sa kahihiyan.

Baka gusto nila akong magtanong kung Sino ang pumatay kay lapu-lapu?

====================================

To be continue...

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon