Nagpaiwan siya sa opisina niya. He said he needs to think of a plan. He said he will brainstorm a plan on how to set us all free. Hanga ako sa determinasyon ni Dark. Sabi ko sa kanya, magpahinga muna siya pero sinabi niya na may sapat na siyang pahinga.

Habang naglalakad ako, at parang wala sa sarili dahil sa kakaisip kay Dark, natauhan ako ng may komusyong narinig. Agad ko ring nakitang nagtitipon-tipon ang mga estudyante. What is it this time?

Agad naman akong lumapit sa kung saan nagsitipon ang mga tao. Nagtitipon-tipon sila sa isang dorm. What the... kung may namatay man na estudyante, wala silang pakialam dahil sanay na. Pero ngayon, bakit nagtitipon-tipon sila? Hindi ordinaryong estudyante ang namatay kung ganon?

Napatakip naman ako sa aking bibig ng makita ang walang buhay na si Mrs. Cassandra Suldivar. May laslas sa leeg niya. May mga saksak rin siya sa tiyan. There was blood stains on her clothes. Bago ko pa siya matignan ng maayos ay tinakpan na ng kumot ang buo niyang katawan at inilayo na siya ng mga naka-cloak.

I can't help but gasp at what I saw. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Who could've killed her? Ang dami kong tanong ngayon pero hindi ko mahanap ang mga sagot. It took me a few moments to recover. Isa-isa na ring nagsi-alisan ang mga nakiusyoso.

"K-Kuya, a-anong nangyari kay Prof?" Nauutal kong tanong sa isang lalakeng paalis na.

"Natagpuan na lang siya diyan sa loob at nakahandusay. May laslas sa leeg ang daming saksak. Ilang oras pa bago siya matagpuan." Sagot naman nito at umalis na.

Who could've killed her? She is a really kind professor! I remember how kind she was to me... Pero bakit? Bakit siya pinatay? Gusto kong sabunutan ang sarili ko! I'm damn frustrated!

Some idea then popped up on my mind. Sabi ng lalake kanina, ilang oras pa bago siya matagpuan... Hindi kaya ang may pakana ng sunog nung madaling araw ang siyang pumatay sa kanya? I want to know the truth this instant!

I need to find some witness. Isang saksi sa nangyaring pagsunog sa mga bulaklak. Pero paano? Maraming estudyante dito. Hindi ko naman pwedeng isa-isahin sa dami nila.

Ako'y nanlulumo sa pagkawala ni Mrs. Suldivar. Wala ako sa sariling naglalakad pabalik sa dorm namin ni Julia. It all came so fast... the burning of the flowers and the death of Mrs. Cassandra Suldivar.

Nang makapasok na sa dorm, wala pa rin ako sa sarili.

"Zee, ayos ka lang?" Nag-aalala namang tanong ni Julia.

"Mrs. Suldivar is dead,"

"What? Oh gosh..." Hindi makapaniwalang sabi ni Julia. "Anong nangyari sa kanya? Bakit siya namatay?"

"Someone killed her and no one knows who. May laslas siya sa leeg at may mga saksak sa tiyan. Natagpuan siya sa dorm niya. Dead on arrival."

"Fucking shit," Ani Julia.

"I have a lot to figure out right now. Kailangan kong malaman kung sino ang nagsunog sa mga bulaklak at kung sino ang gumawa nun kay Mrs. Suldivar." At kung ano rin ang tinatago ni Prof Leonsio.

"Zee, hindi kita pipigilan sa gusto mo. All I want is that you're safe. Mag-ingat ka sa bawat galaw mo. Maraming nagmamasid nang hindi mo lang nalalaman."

"I'll take note of that, Juls. And please, don't tell Dark. I'll tell him on my own."

"Okay,"

The first step, kahit ayoko mang kumausap sa mga kaklase ko, kailangan. I need to ask each of them if they saw who burned the poisonous flowers. Kahit isang maliit na detalye lang, makakatulong na. But I hope my brain cells can take every small detail. The clearer detail, the better.

Death Universityजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें