Kabanata 14

1.7K 56 0
                                    

KABANATA 14

Lakad, takbo, ang ginagawa ko ngayon. Ni hindi ko na nga alam kung nasaan na ako ehh sa laki ba naman ng school---.
Napahinto ako agad ng maalala kong hindi ko pa pala kabisado ang University na ito.

Paktay!

Naliligaw na yata ako, walang katao-tao dito sa lugar na ito!

Ang anga-anga mo C-jay!

Walk-out walk-out pa akong nalalaman pero ni hindi ko pa alam ang bawat sulok ng University na ito! Lakad lang ang ginagawa ko para mabakasaling maging familiar ang daanan pero, pvtek! Naliligaw talaga ako!

Arghhh!

Ang dami kasing dama eh!

May nakabangga akong grupo ng mga lalaki ng sinadya nilang pisilin ang pwet ko....

IINITIN BA ULIT ANG ULO KO?!

Rinig ko ang pagtawa nila ng mahina ng mahipuan ako kaya pumihit ako paharap sa kanila habang matatalim na titig ang ginawad ko sa kanila pero sila? Nakangisi ang mga pvta!

"Bakit niyo ako hinipuan?" Mahinahon kong tanong sa kanila, nagkatinginan silang magkatropang hangal na parang nakasinghot ng walong katol na daig pa yata ang lamok.

Lumingon sila sa akin, "Miss, pwede ka ba?" Sabi nito sabay kagat labi, Yuckk!
Gusto ko ng masuka dito dahil sa ginawa ng isang nanghipo sa akin dahil sa kagat labing ginawa nito, like WTF?!

"Wag niyong initin ang ulo ko at masasapak ko kayo!!" Nang dahil sa sinabi ko, sumipol sila saka nagkatinginan ang lahat at tumawa.

Nakng!

"Pare palaban ito!" Ngising Sabi ng isang lalaki na para bang nasisiyahan.

"Pare, yan ang gusto ko!" Lumingon sila sa akin na para bang tigreng gutom dahil sa titig nila sa akin. Kita ko ang mata nilang pinapalibutan mula paa hanggang ulo at napako ang mga mata nila sa hita ko at ang iba naman sa hinaharap ko.

Dinuro ko sila habang nakakamatay na tingin ang ginawad ko sa kanila. Bakit kasi ang ikli ng paldang ito?!

"Napakamanyak niyo! Tuhugin ko ang mga mata niyo!!" Galit kong saad sakanila na siyang dahilan ng pagkatawa nila.

Napahinto sila sa tawa, may naramdaman akong may humawak sa braso ko sabay palo ng mahina sa puwet ko.

"Wag ka kasing pumalag miss! Ayaw mo ‘non?,  maabot mo pa ang langit sa gagawin namin sayo" napangisi ako sa sinabi nito, maabot ang langit? Hmmmm.....

"Maabot ang langit sa gagawin nito sa akin?" Tumango sila sa tanong ko sa kanila, as if namang papayag ako?

"’E ganon pala" bigla kong sinipa ang 'FUTURE' ng lalaking may hawak sa braso na siyang dahilan ng pagkabagsak niya sa sahig.

Pinalibutan ako agad ng mga limang lalaki para hindi ako makatakas sa kanila.

"Wala ka ng takas ngayon miss”  ani nito sabay ngisi, napangisi ulit ako, "Tologo bo?" Biglang kong sinipa ang mukha ng isang lalaki sabay suntok sa tiyan kaya napahiga narin sa sahig.

Umatake naman ang isang lalaki, nakataas ang isang kamao na sana ay suntukin ako ng unahan ko siya, sinuntok ko ang panga nito sa siyang dahilan ng pagkaputok ng malaki ang nguso at dumugo ang ilong nito, "Sorry sa susunod kong gagawin" sabi ko dito sabay suntok ng malakas ang mukha nito na siyang dahilan ng pagkahimatay nito.

2 downs, 3 more.

Umatake ulit ang tatlong lalaki. Tumalon ako at sinipa ang mukha ng isang lalaki kaya napatumba ito, ng makalapag ako sa lupa na may aatake ulit saakin ay pumulot ako ng buhangin galing sa kinauupuan ko ngayon ng ihagis ko sa dalawa kaya ang ending ay napapikit sila, ng makatyempo ay sabay sabay kong sinipa ulit ang mukha nila kaya sila napahiga sa lupa.

Harrelson Series 1: Princess Of Harrelson (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon