Simbang Gabi

720 1 0
                                    

Napakalamig ng hangin...senyales na talaga ang nalalapit na pagdiriwang ng Pasko....Simula narin ng Chrismas Vacation namin....abala na ang mga tao sa pagbili ng regalo at panghanda sa Noche Buena... Mahaba haba din ang bakasyon, tatlong lingo....hayy..kungdi sana umalis si Roel, may ka jamming ako ngayong bakasyon....o kaya sumama sana ako dun sa batangas...kaso di naman ako papayagan ni mommy.....wala din naman akong baon, kasi nga, walang pasok....andito pa lahat ng kapatid ko sa bahay, ang hirap sumingit sa computer at sa TV.....makatulog na nga lang muna..sana, may mangyaring maganda sakin ngayong bakasyon......

Kinaumagahan na ako nagising...isang malaking van ang bumungad sa kapitbahay namin....hoy gising na! sabi ni mommy..tulungan mo ang Tita Cely mo dun magbaba ng mga gamit, my bisita sila..galing amerika....Wow! baka may pasalubong para sakin! dali dali akong nagbihis....at tumulong....ngunit bigla akong napanganga sa nakita kong bumaba ng van....animoy isang anghel na bumaba sa langit....Napakaganda namang babae nito...sino kaya siya? Hoy! Anong tinatanga mo jan? kilos na! Sige mommy, teka, kilala nyo ba yung babaeng yun? Hmm..teka di ko mamukhaan anak, pero hayaan mo itatanong ko sa Tita Cely mo....

Di ko na naabutan yung magandang chick dahil pumasok na ito sa kwarto, naisip ko tuloy, eto na siguro yung hiniling ko kagabi, thank you Lord!

Sa wakas di na magiging boring ang bakasyon ko.....

Yun ang akala ko, napakasungit naman pala ng babaeng yon! Pa English English pa!

Hoy wala ka sa amerika, kaya magtagalog ka.....naisip ko tuloy, sabihan ba naman akong Who are you? and what's with the smile? Theres nothing funny...

Na turn off tuloy ako...dugo pa ilong ko....hay di na ako aasa pa dun sa babaeng yon....bahala siya....

Lumipas ang dalawang araw, mejo nakarecover na ako dun sa nangyari.....nalaman ko din kay mommy na pamangkin pala siya ni tita cely, pero ito ang kinagulat ko....nagpunta na daw siya dito, pero matagal na daw yun, mga bata pa kami....di ko na matandaan......

Hapon na nun at walang magawa kaya lumabas ako ng bahay....pumunta ako dun sa likod ng village, makatambay nga dun at makapagrelax....habang papalapit ako ay meron akong naaninag na babae....teka kilala ko to ah...anak ng, yung babaeng yun nanaman....malas naman pati lugar ko kinuha pa..pero teka...parang..umiiyak ata siya...dahil di ko matiis ang isang babaeng umiiyak, naglakas loob akong lumapit...malapit na ako ng bigla itong sumigaw..Go Away! Leave me Alone! Ang sungit mo talaga! Nag try akong mag English! Why you so cruel like that? I came here to help but if you not want help then fine! Hagalpak siguro sa tawa ang teacher ko sa English kung narinig nya yong sinabi ko....At nakarinig nga ako ng Tawa....ngunit hindi sa teacher ko...kungdi sa babaeng inglisera na nasa tapat ko....How pathetic! Mag aral ka naman ng mabuti sa English...mejo slang ang tagalog nito pero naintindihan ko...

Marunong ka naman palang magtagalog eh pinahirapan mo pa ako....naiinis na sabi ko...

Jan ka na nga......Wait! Pati ako nagulat....tama ba ang narinig ko..sabi nya wait daw....

I'm sorry....sabi ng dalaga....please stay...Bigla akong nabuhayan ng loob....thankyou Lord! Bakit ka umiiyak....my problema ba?.......malungkot ang mga mata nitong sinabing..nag divorce kasi ang parents ko..nahuli kasi ni mom ang dad na my ibang babae....slang padin mag tagalong pero at least di ko na kelangan mag English...And nag decide siya na pauwiin nalang ako dito sa pilipnas....ayaw ni mom na makagawian ko ang pamumuhay ng mga amerikano....baka kasi matulad lang daw ang buhay ko sa kanila.....I feel so alone...biglang may kumurot sa puso ko...wag ka ng mag alala, magugustuhan mo dito, maganda ang village natin, madami kang magiging kaibigan dito...sa ganda mong yan, lahat siguro gustong maging kaibigan mo....Really? I'm really glad to hear that! By the way I'm Lisette....and you are? I'm Vincent..bigla akong my natandaan...Lisette...hmmmm..NETNET!! ikaw si NETNET? Oh my God!? Nakalimutan ko na yang pangalan ko na yan! sabi nito....Do I know you? Ako si Enteng! Natatandaan na kita, ikaw yung batang kasama namin ni roel nung bakasyon ng pasko.....kaya pala di ko matandaan isang beses lang kasi yun eh....Oh...I remember! Excited na sabi nito! Enteng! How are you? Sabay yakap ng walang pasabi..Thank you Lord! No wonder dito ako gustong mag stay ni mom dahil alam nya na my mga naging kaibigan ako dito, Oo nga, sabi ko, So siguro naman hindi mo na ako susungitan magmula ngayon? Oo naman! Friends? Sabay abot ng kanyang kamay sa akin, napakalambot ng kamay nya....Friends! sabi ko....So anong gustong mong gawin? Pwede kitang ipasyal dito sa village kung gusto mo, ilalabas ko lang yung bike ko..Wag muna, mejo napagod ako sa pag iyak....dito nalang muna tayo....Sige ikaw ang bahala.....mabilis lumipas ang oras, madami din kaming napagkwentuhan.....habang nagkukuwento siya, di ko maalis ang mga mata ko sa mukha nya, napakaganda talaga nya....O bat ganyan ka makatingin? Ah..wala, ang ganda mo kasi....Crush mo ko no? pagbibiro ni Lisette, bigla akong natigilan.....walang lumabas na boses sa bibig ko...pautal ko nalang nasabi...ga-gabi na...baka hinahanap ka na ni Tita Cely, Oo nga sabi ko pa naman sa kanya sandali lang ako, di ko namalayan ang oras...Tara na uwi na tayo.....Pagkadating namin sa bahay nila tita.....O san ka nagpuntang bata ka? Mejo nagaalalang sabi ni Tita Cely, Tita sorry, nalibang kasi ako, kasama ko si Enteng, opo sinamahan ko lang si NetNet Tita, ganti ko....Aba mabuti naman pala! Sige, ikaw muna ang bahala sa pamangkin ko ha, Vincent? Mabuti naman at nakahanap na ng kaibigan ang pamangkin ko, at mabuti rin na kilala nyo pa ang isat isa, mga bata pa kayo nung huli kayong nagkita, Opo nga Tita, kanina ko lang naalala, O sige po, uwi narin ako, kita tayo ulit bukas ha? Sabi ni Lisette, Oo naman, jan lang naman ako nakatira sa tapat ng bahay nyo....Sige po tuloy na po ako.....Pagkauwi, agad na nakitsismis si mommy, anak, nakita ko kayong magkasama ni Lisette ah, nililigawan mo na ba? Si mommy talaga....di ho, kaibigan palang ho pero anak, ang gandang babae no? artistahin ang dating! Oo nga ho...ok lang sakin kung magiging girlfriend mo siya...botong boto ako!..mommy naman...O bakit? Di naman panget ang anak ko ah! mejo kinulang ka lang sa height gaya ng tatay mo pero kung sa itsura rin lang, poging pogi ka anak!...Salamat ho, pero wala pa ho talaga akong balak ligawan siya, kakakilala lang namin, O siya sige, pag nagbago isip mo, tutulungan pa kita! Wag na mommy!.....hayy..malalim na ang gabi, alas dose na, pero di parin ako makatulog......Ayaw maalis sa isip ko ang magandang mukha ni Lisette...biglang sumikip ang dibdib ko....lagot..na in love na ata ako.......

Simbang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon