CHAPTER 11: Ang Gulo

68.9K 740 65
                                    

CHAPTER 11

"Ang Gulo"

Ilang araw na ang nakakalipas mula noong huling nakausap at nakasama ko si Lady. Hindi ko na siya nakita pagkatapos ng araw na iyon. Text ako nang text pero hindi naman siya sumasagot. Ilang beses ko rin siyang tinawagan pero ganun din. Hindi rin siya sumasagot.

Paano kung yung lalaki talagang sumundo sakanya ay ang totoong boyfriend niya? Aish! Badtrip!

"Hoy mukha kang pinagbagsakan ng langit ah. Napapadalas na 'yan pare." Ani Jolo.

Hindi ko nalang siya pinansin kaya naman nasabihannanaman akong masungit ni Aireen.

"Kakaiba rin kasi talaga 'yang Lady na iyan. Biglang nawawala at bigla rin naman lumilitaw nalang basta." Totoo ang sinabi ni Aireen pero kahit ganun hinihintay ko pa rin siya. Malay ko ba kung may sakit siya? Aish. Badtrip talaga.

Tingin ko tuloy ay napakahaba ng araw. Hindi rin ako sanay na walang maingay. Walang makulit. Walang hyper.

Kasabay ko sina Aireen ngayon na naglalakad sa corridor. Sakto naman na narinig naming nag-uusap ang mga prof.

"Bastos pala yung estudyanteng yan e."

"Kaya nga dapat lang na ibagsak ko siya." Napatigil ako nang marinig ko ang boses ng prof na iyon. Kilala ko ang boses niya at nabubwisit lang akong naririnig ko ang pagtawa-tawa niya.

"Pero hindi naman kaya malupit masyado ang ginawa mo? Confiscated na nga ang cellphone tapos nasuspend pa."

"Aba dapat lang sakanya yun. Pagkatapos niya akong saktan. Kababaeng tao nananakit tapos prof pa ang binangga niya."

Bwisit talaga.

"Aldrin anong nangyari sayo? Naestatwa ka dyan." Peste. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na nga ako nang tuluyan sakanila.

"Why?" Tanong nung isang prof pagkalapit na pagkalapit ko palang. Malamang ay nagtataka sila. Hindi naman nila ako estudyante pero nakakabwisit na kasi yung mga nariinig ko.

"Si Lady Lyn ba yung pinag-uusapan niyo?" Humalukipkip ang isa sakanila at tinignan ako na para bang ang laking kasalanan nang itinanong ko sakanila.

"Kaibigan ka ba niya?" Mayabang ang pagkakatanong nung prof na nambastos sakanya.

"Boyfriend. Ikaw na nga ang nambastos sakanya ikaw pa ang may ganang mang suspend sakanya? Iba rin e. Alam mo bang pwede kang kasuhan ng sexual harassment dahil sa ginawa mo sa girlfriend ko?"

"What? Mr. Garcia ano ang sinasabi niya?"

"Hindi naman ipagtatanggol ni Lady ang sarili niya kung hindi siya binastos. Isa pa perfect siya sa quiz na ibinigay nung prof na yan kina Lady. Kaya bakit kayo mamemersonal? Isa pa hindi lang si Lady ang binastos ng lecheng prof na 'to. Yung iba nga ay nagdrop na dahil sa manyak na prof na 'yan."

"SHUT UP!"

"E kung ayaw ko?" Hamon ko pa. Kailangan na matigil yung pangleleche ng prof na ito sa buhay ng mga nagiging estudyante niya.

"Aldrin tama na. Halika na." Hinawakan ni Aireen ang braso ko para pigilan ako pero iwinaksi ko lang 'to at ipinagpatuloy ang mga sinasabi ko hanggang sa lumapit na ang dean at pati na rin ang mga estudyanteng binastos niya at mga binagsak niya ng wala namang sapat na dahilan.

***

Laking gulat ko nang makauwi ako saamin dahil hindi ko inaasahan na makikita ko doon si Lady kasama ang lalaking sumundo sakanya noong nakaraan. Kung kausapin pa nga nila si mama ay parang close na close sila. Pag-untugin ko silang tatlo e.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon