Panglabing-anim

123K 4.8K 1K

PANGLABING-ANIM

 

Nagising na lang ako nang makarinig ako ng malakas na pagsabog. Pagmulat ko ng aking mga mata agad kong napansin na nasa gitna na kami ng school field habang lumulutang sa ere. Buhat-buhat ako ni Laxus na parang pangkasal. Kinasal na kami? Hindi ko alam, a. Lumilipad na naman sa ere ang guwapong genie na ‘to. Hindi siya nakatingin sa akin kaya agad kong binaling ang aking mga mata sa tinitignan niya.

“Ay, pota! Nasusunog ‘yun building!” gulat na sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa building kung nasa’n ang classroom namin. Malaki na ‘yun apoy at unti-unti ng nilalamon ang buong department building. Hindi ko alam kung paano at saan nagmula ang malaking apoy na ‘to. Matagal ba akong nakatulog kaya hindi na ako aware sa paglalaban ng dalawang genie. 

“Teka, nasa’n si Caspian? Natalo mo ba siya?”

Hindi na sumagot si Laxus dahil pagtanong ko palang namataan ko na agad si Caspian na palabas ng nasusunog na building. May bumabalot na barrier na gawa sa tubig sa kanyang buong katawan kaya hindi siya naaapektuhan ng sunog. Lumipad din siya at tumapat sa aming dalawa ni Laxus. Ilang pulgada lang ang layo ni Caspian samin mula sa himpapawid.

“Caspian,” pag banggit ko sa pangalan niya. Nakakaawa na ang itsura niya. Puro sugat na ang hita at braso niya na halatang nakuha niya sa mga kidlat ni Laxus. ‘Yun mukha niya dumudugo na rin. Hingal na hingal siya habang ang sama-sama ng titig niya sa akin. Patuloy pa din siyang lumalaban kahit alam niyang wala siyang binatbat kay Laxus. Wala pa kasing sugat si Laxus. Kahit pinsala o galos man lang walang makikita sa katawan niya. Ang kinis ng katawan ng buwisit na ‘to. Puwede ko kayang haplusin ang abs niya?

Bigla tuloy akong napaisip kung sadya bang malakas si Laxus o talagang hindi siya sinusugod ni Caspian dahil Kuya ang turing niya kay Laxus?

“Bakit, Laxus?” Narinig kong nagsalita si Caspian. Malumanay lang ang boses niya pero ramdam pa rin do’n ang hinanakit na nag-uumapaw sa kanya. “Bakit mo patuloy na pinoprotektahan ‘yang babae na ‘yan? Siya ang may kagagawan kung bakit ka naghihirap ngayon. Hayaan mo na akong tapusin ang buhay niya, para matapos na ang misyon mo, para mabalik na sa ‘yo ang alaala mo at para makabalik ka na sa Florea.” Bagamat nahihirapan, nakuha niya pa rin magsalita. Tumutulo na talaga ‘yun dugo niya sa buong mukha niya.

“You don’t understand, Caspian,” tugon ni Laxus habang umiiling-iling pa. “Just stop this. I can’t surrender her life to you.”

“Ikaw ang hindi nakakaintindi, Laxus!” sumigaw si Caspian. “Ikaw ang hindi makaintindi! Siya ang rason kung bakit ka nahihirapan ngayon. Bakit ba pino-protektahan mo ‘yan? Bakit mo patuloy na pinoprotektahan ang nilalang na nagdulot sa ‘yo ng matinding paghihirap? Isa lang ‘yang hamak na nilalang. Siya ang sisira ng ating kaharian kapag nabuhay pa ‘yan!”

“Hoy! Anong sisira sa inyong kaharian!” sigaw ko kay Caspian “Anong alam ko sa pagsira ng kaharian niyo. Ipis nga hindi ko mapatay kaharian niyo pa kaya? Bobo lang?”

“Shut up!” sigaw na naman ni gaga. May mga lumitaw na namang sea sword sa paligid niya at agad pinakawalan papunta sa aming dalawa ni Laxus.

Pero hindi pa ito nakakalapit sa amin agad nang may sumulpot na mga kidlat mula sa langit at tumama sa sea sword ni Caspian. Ang bilis ng mga kidlat ni Laxus. Bigla itong naging tubig at bumagsak sa lupa. Hindi ko alam kung paano ‘yun nagawa ni Laxus. Kaya niya bang kontrolin ang mga kidlat sa kalangitan kahit hindi siya nagsasalita? Kung ganoon nga, isa nga si Laxus sa pinakamakapangyarihang genie tulad ng sabi ng buwisit na Caspian na ‘to.

“Stop this, Caspian. This will only lead to nowhere. Don’t force me to use my thunder to hit your body,” mahinahon na sabi ni Laxus pero punong-puno ng pagbabanta ang boses niya.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!