Sully's POV

"Okay na ba siya?" tanong ko kay Sam pagkalabas niya ng kwarto ni Akira.

"Yep. Pinakain ko na." sagot niya.

"Kasi naman, buong gabi ba namang gising at umiiyak. Sino ba namang hindi magkakasakit dun." sabe ko sabay cross arms.

Oo, tama kayo ng basa. Nagkasakit si Akira after nung nangyari sa kanila ni Jiro.

Naawa na ako kay Akira. Hirap na hirap na siyang pigilan ang nararamdaman niya. Hay...

Bakit pa kasi sila bumalik? Okay na kami e. Malapit na sa moving on e.

"Huy, couz. Nakatulala ka na jan." sabe ni Sam while snapping his fingers in front of my face.

"Ano iniisip mo?" tanong niya. I shook my head.

"Wala." tipid kong sagot.

"Sungit neto." rinig kong bulong niya. Tsk. Bubulong na nga lang rinig pa.

*Ding* *Dong*

Nagkatinginan kaming dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh, ano pang tinatayo tayo mo jan? Buksan mo yung pinto." utos ko kay Sam.

"Psh. Oo na. Bossy." di ko gaano narinig yung huli niyang sinabe.

"Ano sabe mo?" tanong ko.

"Wala! Sabe ko bubuksan ko na." sabe niya sabay takbo pababa. Tsk. Pasaway.

Sinilip ko si Akira sa kwarto niya.

Mukhang tulog na.

Sinarado ko na yung pinto. Baka magising pa. Kailangan niyang magpahinga.

"Sully! May naghahanap sayo." sigaw ni Sam mula sa baba. Napakunot naman ang noo ko sa sinabe niya.

Sino naman kaya yun.

Nagsimula na akong bumaba.

Great! What is he doing here?

Tinignan ko siya ng walang bahid na kahit anong emosyon. Tsk.

"What are you doing here?" malamig kong tanong.

"I came here not because of you." napataas naman ang kilay ko sa sinabe niya.

He came here not because of me pero ako ang hinahanap niya? Ang gulo ah.

"So what brings you here?" sabe ko sabay upo sa harap niya.

"It's about Akira and Jiro." pagkasabe ni Rain nun e agad akong napatingin kay Sam.

Mukhang di niya inaasahan yun.

Sinenyashan ko siyang umalis. He nodded at pumunta sa kusina.

"So... what about those two?" walang emosyon kong tanong.

He sighed. "Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? For the past 2 days e laging nakakulong si Jiro sa kwarto niya at umiinom. Hindi naman niya sinabe ang dahilan kung bakit siya nagkakaganun pero alam naman namin na dahil lang yun kay Akira," deretsyo niyang sabe.

Pati pala si Jiro.

"I don't really know what happened to them. Kinwento lang samin ni Akira." I breathe heavily.

"She asked Jiro to.... to let her go." nakitang kong bahagyang lumaki ang mata ni Rain sa sinabe ko.

"But... Jiro refused to. Sabe sakin ni Akira, Jiro confessed to her what he really feels. I don't know what exactly happened pero... I just know na hindi talaga desidido si Akira sa desisyon niya. And I know na hindi siya masaya sa mga sinabe niya." paliwanag ko. I sighed. Ang complicated nung dalawang yun.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!