Lucas's POV

Naglalakad ako sa hallway ng biglang may humila sakin papunta sa sulok.

"Hey, King Lucas. Wanna hang out?" sabe ng babaeng humatak sakin. tsk.

Mukha siyang clown sa kapal ng makeup niya.

Binawi ko ang braso ko na kapit kapit niya.

"I don't have time for you." malamig kong sabe. Pero wala... kumapit ulet sakin.

"Oh come on. Wag ka nang magpakipot." What a flirt.

"Pwede ba? Tigilan mo ako. I already told you that I don't have time for a slut like you." I may be harsh pero wala akong pakealam.

Natigilan naman siya sa sinabe ko. Agad akong umalis. Tsk.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng may mahagip ang mga mata ko.

What is he doing here? At bakit magkasama sila?

Nagtago ako sa likod ng poste.

"Hahahahaha!!!! Hay nako, Kevin. Umayos ka nga." grabe. Tuwang tuwa naman tong si Candy sa lalake na yun.

Kevin daw? Kevin pala pangalan nun.

"Maayos naman ako ha? Ikaw tong natatawa sakin e. Hahahaha." tsk. Mas gwapo pa ako jan e. Mukha nga siyang unggoy e.

"hahaha.. hay nako... ewan ko sayo." ngayon ko lang ulet nakitang tumawa ng ganyan si Dee.

I miss her. I miss her laugh, her smile and everything about her.

Miss na miss ko na ang Dee ko. Sana bumalik ka na sakin.

"Yow, bro. Ano tinitignan mo jan." bigla nalang sumulpot si Rain. Tsk. Kabute.

"Uuuyyy!!! Si Candy yun diba? Tsaka siya rin yung lalakeng kasama nila kahapon sa star city diba?" nangaasar ba to? Nakitang nagseselos na yung tao e.

"Selos ka noh? Hahahahaha!!!! Wala na! May kapalit ka na." I glared at him. Bwiset to!

Kung titignan mo nga parang silang dalawa talaga.

Sana wag. Mahal ko pa ang Dee ko. And I want her back.

"Tara na nga. Pikon ka na e. Punta nalang tayo sa canteen. Kuha kita yelo para di na maginit ang ulo mo." inakbayan ako ni Rain at hinila. Nagpahila nalang ako.

Wala akong sa mood e.

Naiisip ko parin yung kahapon. Nung nasa star city kami...

FLASHBACK

Napahinto kami sa paglalakad ng makita namin sila.

I looked at her. Umiwas lang siya ng tingin.

Tinignan ko naman yung lalakeng kasama niya. Magkahawak kamay sila.

Siya ba? Siya ba ang pinalit niya sakin?

Wala na akong pakealam kung ano nangyayari sa mga kasama ko. Ang gusto ko lang ay tignan si Candy.

I actually want to get her from that asshole. Ayokong makita siya na may kasamang iba.

She can't even look at me in the eye. Bakit? May nararamdaman pa ba siya?

Oh don't be silly, Lucas. Baka hindi lang siya komportable na kaharap ka niya.

Tsk. Shit! I really want to hug her.

Bigla nalang sila naglakad paalis.

Pero napatigil sila dahil tinawag ni Jiro si Akira. Pero kahit isa sa kanila, hindi manlang lumingon.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!