Tatlo

1 1 0
                                          

Tatlo
Amara

Heck, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.

Ano bang inaarte ko? Baka naman kasi nagpapaka-professional lang siya kaya siya umastang parang 'di niya ko kilala. Baka naman hindi niya lang alam kung paano ako pakikitunguhan dahil pitong taon na kaming hindi nagkikita. Baka naman nag-aalangan siya kasi hindi niya alam kung okay lang bang yakapin niya rin ako. Baka naman—

Naputol ang pag-iisip ko ng mga dahilan kung bakit ganoon ang asta niya kanina nang biglang nagsalita si Venus sa tabi ko.

"Oh my gosh!" Impit niyang tili. Balot na balot ng pagkagulat ang kanyang mukha. "Magkakilala kayo ni sir?!"

Lumapit naman samin si Deanna para maki-tsismis. "Ex mo?!" Eksaheradang tanong nito habang bilog na bilog ang mga mata.

Iniwas ko ang aking tingin at marahang pinahiran ang luha sa aking pisngi. "Hindi. . . ano . . . kaibigan ko siya nung high school." Best friend pa nga.

"Talaga? Pero ba't ganoon?" Mas lalo akong naging emosyonal nang tinanong ni Venus ang tanong ko rin sa sarili na hindi ko naman masagot.

Nagkibit-balikat na lang ako at itinuon ang atensyon sa laptop sa aking harapan upang magsimula nang magtrabaho. Nang makuha na rin ng dalawa kong ka-opisina na wala akong balak magkwento tungkol sa nakaraan namin ni Zachary ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga trabaho.

Pagkalipas ng ilang oras, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga dahilan kung bakit malamig ang naging trato sa akin ni Zachary. Coffee break 'yon kaya nakatitig lang ako sa kawalan habang pinaglalaruan ang isang lapis sa aking mga daliri.

Hindi na kaya talaga best friend ang turing niya sa akin? Ahh! Ba't ba ang paranoid ko?

"Amara!!" Tawag sa akin ng isang babae na nagpagising sa aking diwa.

"Yes, Ms. Tris?" Tanong ko sa kanya. Si Tris ang sekretarya ni Zachary. May edad na ito at balita ko'y ilang taon na ring nagtatrabaho sa kompanya. Humihingal-hingal siya at pansin kong may mga butil ng pawis na namumuo sa kaniyang noo habang may hawak siyang platito at tasa ng kape na nanginginig pa ng bahagya.

"P-pwede bang. . . ikaw na ang magdala nito kay sir? Please. . hindi ko na kasi kaya." Utal utal niyang sabi. As if on cue, biglang kumulo ng malakas ang tiyan niya. May ngiti na nagbadyang umukit sa aking mga labi dahil sa kaniyang kalagayan ngunit pinigilan ko ito. I'm so evil!

Inabot ko lang naman ang platito at tasa ng kape mula sa kamay niya ngunit sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay parang nakakita siya ng anghel. Walang ano-ano'y nagtatakbo na siya patungo sa palikuran habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

Bago lang ako, kaya siguro ako 'yung pinakamadaling utusan. Well, hindi naman ako nagrereklamo. Kung tutuusin ay wala pa 'to sa kalingkingan ng pang-aalila sa akin ng mga dati kong boss.

Paglapit ko sa pinto ng opisina ni Zachary dala ang kaniyang kape ay hindi ko alam kung kakatok ba ko o kung ano. Hindi pa naman kasi ako nagiging tagadala ng kape sa opisina ng boss sa tanang buhay ko. Paano kung maistorbo siya pag kumatok ako? Paano naman kung mabastusan siya pag hindi ako kakatok?

Bahala na nga!

Marahan akong kumatok at tsaka binuksan ang pinto. Pag nagreklamo siya sasabihin ko na lang kumatok ako pero bingi lang siya kaya 'di niya narinig!

Nadatnan ko siyang nakatuon ang pansin sa ilang papel sa kaniyang lamesa. Ni hindi man lang niya ko inangat ng tingin.

"Your coffee, sir." Mahinang sambit ko.

Anak ng tipaklong naman, bakit ang awkward ng pakiramdam ko?!

Inangat niya ang kaniyang tingin upang sulyapan ako. Sa isang saglit na 'yon ay umasa akong may makitang kahit anong emosyon sa kaniyang mukha. Saya na nagkita kami uli, o ang pagka-miss siguro. Akala ko kasi kung ganoon ang nararamdaman niya ay ipapakita niya na dahil kami na lang ang tao sa apat na sulok ng opisina niya.

Puzzle PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon