Magbiglaan Tayo - Surprise Us

72 3 0

Samantala, sa loob ng Malacanan, nagpupulong si Binay at ang kanyang namanang gabinete mula sa pamahalaang Aquino.

Sabi ni Roxas, kalihim ng DILG, "Maliban kay Tinyente Tagalog, nais din ng mga mag-aaral ng mga SUCs na palayain si Commander Vinzons at kanyang mga kasama. Parang lumabas na sa UP system ang isyung ito."

Pumasok si Gazmin, ang kalihim ng DND, "Pano naman kung magkudeta ulit 'yang mga 'yan? Take for example, Cabauatan. Anyone remember Rey Cabauatan?"

"Let's have the President decide on the matter," sabi naman ni AFP Chief of Staff Bautista.

Tahimik lamang si Binay habang inaalis ang salamin na ginagamit sa pagbabasa.

***

Nakatuon ang lahat ng mga mata sa Pangulo. Mga ilang sandali pa, nagsalita na sa wakas si Binay.

"Noong panahon ni Cabauatan, mandatory pa ang ROTC. So, it is indeed possible for him to muster those college students and weld a real fighting force amongst them. Now, the students are... Forgive me for the word, spineless... And ROTC is nothing but a street name. Not that I'm saying our students are overall weak, but now they virtually lack everything to start another UP Mutiny. Do remember as well that even the recent mutiny received professional support from so-called blacktroopers, a strong evidence that the students alone cannot sustain even 24 hours of continuous military action..."

Tumango-tango ang Pangalawang Pangulo ngayon na si Enrile. Nagtinginan nang kaunti sina Bautista at Gazmin. Tahimik pa rin ang karamihan sa mga naroroon.

Pagpapatuloy naman ni Binay, "Vice President Enrile has a proposal."

Muling tumango si Enrile para ipakita ang kanyang pag-ayon sa pangulo at nagsalita, "Gawin nating gradual... ang pagpapalaya sa mga estudiante... si Vinzons muna, then, susunod na lang 'yung iba... By year's end, all the remaining sub-leaders are free..."

"I believe that's a good proposal to execute," sabi ni Soliman, kalihim ng DSWD, "It is not inconsistent with our recent policies." Nagbigay din ng pagsang-ayon ang iba pang mga kalihim. Kaya, napagpasiyahan na nila ang gagawin kay Tinyente Tagalog (status quo) at kina Commander Vinzons (gradual freedom).

Matapos pag-usapan ang iba pang paksa na kailangan ng desisyon, si Enrile ay nagmadaling sumakay sa kanyang bulletproof na sasakyan. Ang sabi niya sa nagmamaneho, "Villamor..."

Nagkaroon naman ng kasunod na pagpupulong sina Roxas, ang mga hepe ng AFP at PNP, at sa kalihim ng DND. Nagpulong sila sa isang hotel na malapit lamang sa palasyo.

Sabi ni Roxas, "Oo, masaya akong papalayain na ang mga estudiante pero mas gaganda ang image ni Binay kaysa sa'tin. 'Di ba si Aquino pa ang pangulo nung ikinulong sina Vinzons? Sa darating na election, pwedeng ibuntun sa mga kapartido niya ang nangyari at minus points 'yun."                                                  

"Tingin mo kailangan pa ulit ng isang kudeta?" tanong ni Gazmin. Makikita sa kanya na determinado siya sa kanyang itinanong.

Sabat naman ni Bautista, "How can you even say that? 'Di ba pareho nating nilabanan ang mga kudeta ng RAM noon??"

"Ulitin natin ang kudeta noong '89!" gatong ng hepe ng PNP.

Tanong naman ni Roxas sa kanila, "Given na mapatalsik si Binay, sino ang tingin niyong papalit? Ginawa na nga niyang kapartido niya ang VP. Baka maging counterproductive pa ito sa part natin. Saka, baka lalong maghirap ang bayan. Dahil sa nangyaring assassination noong Mayo, bumaba na sa 5% ang economic growth ng bansa last quarter. Ngayong nagkudeta lang, 3% to 4% na lang ang forecast kahit nagpalit na ng presidente. Malayo ito sa 7% noong 2010."

Tinyente Tagalog - Superherong Pinoy (Lieutenant Tagalog - Filipino Superhero)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!