Kawalang Pag-asa - Lost Hope

194 4 0

   Samantala, ang natirang mga nag-alsang mag-aaral ay kinuha ang natitirang mga bazooka, rocket launcher, at iba pang armas na naroroon para patamaan ang HD-4.

"Tayo ang pag-asa ng bayan! Tumindig para sa kanya!" halos sabay-sabay na sigawan nila.

"'Wag niyo gawin 'yan!" dagliang babala ni Tinyente sa mga mag-aaral.

"Tutulungan naming kayong ayusin ito. Kami ang nagsimula, kami rin ang..."

Hindi na natapos ni Bonifacio ang kanyang sinasabi nang masabugan siya at ang mga natitirang kasamang may armas ng isang cluster bomb. Ibinato ito ng Professor habang nakalutang sa himpapawid. Ang cluster bomb ay isang uri ng pasabog na mahahati sa maraming fragment bombs at sasabog ang mga bahaging ito kapag may tinamaang kahit ano. Karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay ipinagbawal na ang paggamit ng cluster bomb.

Sinuri ni Tinyente ang mga mag-aaral gamit ang NRS. May katagang "DEAD" ang lumitaw sa bawat taong napokus sa screen nito. Sa dami nang napatay ng pagsabog, namula ang eyeshield ng Tinyente. Sa kanyang natunghayan, naluha ang Tinyente at nagmadaling hanapin ang HD-4. Tila dugo ang bawat luha ng superhero dahil sa matinding pagkapula ng kanyang eyeshield. Hindi na niya ito nahanap. Nawala na ito sa pook na iyon. Kaya, napaluhod na lamang siya sa sirang daanan at pinagsusuntok ang aspalto na parang jelly lang ito sa kanya.

"Nabigo ulit ako..." Sobra ang pagkayuko ng Tinyente na tila nagsasagawa ng kowtow.

Tuluyan nang sumikat ang araw. Hindi pa rin umaalis ang Tinyente sa kinalagyan niya.

***

Mamamatay ako nang hindi nakikita ang kaliwanagang nagniningning sa aking bayan... Kayong sa kaniya'y makamamalas ay batiin ninyo siya... huwag ninyong limutin ang mga lumagapak sa gitna ng kadiliman ng gabi! (Hango sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal)

***

"Uy, Tinyente Tagalog?" tanong nga babaeng nilapitan ang naghihinagpis na superhero.

"Ano?!" ang pasigaw na nasambit ni Tinyente bago naitaas ang ulo sa unang pagkakataon matapos ang nangyari sa mga mag-aaral. Ang kanyang nakita ay isang babae. Nakasuot ito ng itim na jacket, at may stockings sa binti at hita. Bahagya ring nakikita ang kulay pink niyang pang-ibaba.

"Um, sorry, baka naistorbo kita sa pag-e-emote. May taping ba rito?" sabi ng babae bago tumawa ng kaunti, "Anyway, I think kailangan mo itong calling card ko. Magkita tayo minsan."

Hindi umimik si Tinyente, sa halip na pangaralan pa ang babae na hindi sa lahat ng oras ay nangangailangan ng aliw para gumaan ang loob ng tao, at kinuha na lamang ang card.

"You won't regret it," malambing na sinabi ng babae na sinabayan pa ng kindat mula sa kaliwang mata. Nakatitig lamang ang Tinyente sa babae nang ang huli ay nakaalis na. Tila nablangko na ang kanyang isip nang oras na iyon.

***

"Tinyente... Tinyente... Tinyente!!" bulalas ng commanding officer na hindi pa rin makakilos. Nakatayo siya sa isang bahagi ng sidewalk at nakasaludo ng saludo para sa the Professor. Nagulat ang superhero.

"Ay, sorry, akala ko ringtone...?" ang tanging nabanggit ni Tinyente na lalo pang namangha nang makita ang daan-daang sundalo na paralisado sa harapan ng Abelardo Hall. Nilapitan niya ang CO para maayos na marinig ang nais niyang iparating.

"Sir Tagalog, hindi niyo ba nakikilala ang nakausap niyong babae kanina?"

"Kanina...?"

"Iyong naka-jacket!"

"Teka lang! Isipin ko mu... Ay! Hindi si Ana 'yun ah!"

"Oo nga! Ba! Kaya, tignan mo kung anong pangalan ang nasa calling card."

Tinyente Tagalog - Superherong Pinoy (Lieutenant Tagalog - Filipino Superhero)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!