Dalang Kasawian - Death Bringer

119 5 0

   May 11, 2013. Ito na ang huling araw ng kampanya dahil ang araw bago ang halalan ay itinuturing na rest day. Hindi man kumpleto, kasama si Grace Poe sa huling rally ng Liberal-led coalition. Sabi nga ng ilan, "You can never be too sure." Kailangang gawin ang lahat ng makakapagpanalo sa iyo, lalo na kung bagong pasok ka pa lang sa pulitika. Ngunit, ito ang sigurado: Nakahanda na sa hindi kalayuan ang puwersa ng the Professor. Kaya lang, lingid sa kaalaman nila, may dalawang tao sa security force ng political rally na inaabangan sila.

"Pacifico," bulong ni Jim sa katabing nakasuot ng puting kamiseta at hapit na pantaloon, "tama ba ang intelligence mo? May papataying senatoriable ng Team P-Noy?"

"Ano ba?" mabilis na sagot ni Pacifico sa Emperor of Iron Fists, "Mas nagkakamali pa ang CIA kaysa sa'kin." Ngumiti ito at tinapik ang balikat ni Jim. Pareho silang nakasuot nang napakaitim na sunglasses.

   Nang sandaling iyon ay biglang may lumitaw na laser lights mula sa magkabilang gilid ng lugar. Iba-iba ang kulay ng mga ilaw na tila isang JS Prom ang nagaganap. Nagulat ang lahat, pati ang mga kandidato. May narinig na tugtugin ang mga tao at tila napapasayaw na ang iba dahil dito. Pinapatugtog ang awit ni Psy na Gentleman. Si Psy ang may hawak ng record sa pinakamaraming views ng isang music video sa Youtube. May naglalakad naman sa stage na maganda't sexy na babae habang intro pa lang ang tugtugin. Nakasuot siya ng blazer at milking sando sa ilalim nito. Mayroon siyang miniskirt bilang pang-ibaba at dahil may kataasan ang entablado, maaaring matanaw kahit papaano ng mga malapit sa harap ang panty ng babae. May ilan ding lalaking backup dancers ang nasa entablado. Naghiwayan ang mga lalaki. Nagkagulo naman ang mga kandidato at kanilang staff upang hanapin sa programa ang special number ng sexy na babae. Sa katunayan, hindi ito kasama sa programa ng rally.

***

Hawak ang mikropono, sinabi ng babae sa stage, "Handan a ba kayo? I'm the Dance Rebel Alesia! Ipapakita kop o sa inyo ang aking 37-24-34!" Ibinato niya ang kanyang blazer mula sa stage at nasalo ito ng isang lesbian. Kitang-kita ng mga naroroon ang magandang hubog ng katawan ng Dance Rebel. Nang magsimula na siyang sumayaw, napasayaw kalaunan ang lahat ng naroroon, babae man o lalaki. Ang iba natutuwa, ang iba naman nagtataka. Kung matutunghayan ito, parang nagsasanay lang ang lahat ng choreography para sa rally. Siyang tunay, napapanood na ito nang buong bansa.

Reporter: "Ako po si Miggy Palakad at live na naman po ako. Ngayon po ay nasasaksihan natin ang hindi mapigilang... heto po't napapasabay na rin ako sa pagsayaw nang napasexy na babae sa stage na tinatawag nilang Alesia! Hoy, cameraman! Ipokus mo kaya sa stage 'yan, napapasayaw ka na rin!"

Anchor: "Nakupo, Miggy! Maalog na nga ang kuha ng camera, pero, malinaw na malinaw po mga kababayan. Kitang-kita natin ang hubog niyang 37-24-34! Unanimous decision na ang tinatawag nilang Alesia ay tatalunin si Marian Rivera ngayong taon!"

Nagmamadali namang umakyat ng entablado sina Jim at Pacifico. Binigyan nila ang mga kandidato ng sunglasses na katulad nang sa kanila.

"Huwag po tayong tumingin kay Alesia. Pakisuot po muna ito para hindi kayo masama sa pagsayaw. Concentrate on escaping from here," sabi ni Pacifico habang hinaharangan nila ni Jim ang mga senatoriable.

Samantala, habang pinapanood ng the Professor ang nagnyayari mula sa labas ng pinagdadausang covered court, nilapitan siya ng seryosong si Kapitan Engot at tinanong, "Papasok na ba ako, sir? Kayang-kaya ko naman..."

"Huwag muna. Main event ka pa, hijo," sagot ng Professor.

***

   Nang matapos na ang Gentleman, ang pinatugtog naman ay Step ng Kara, isa muling Korean Pop na kanta.  Pawisan na ang mga taong napasailalim sa kagandahan at kapangyarihan ni Alesia, ngunit ang mestizang Dance Rebel ay tila hindi naman gaanong pinapawisan. Kahit ganito, nagpasok pa rin sa entablado ang ilang backup dancer ng mga bentilador para kay Alesia. Lalong natunghayan ang ganda niya nang mahipan nang hangin ang kanyang malago ngunit hindi kahabaan na buhok. Hindi pa nagsisimula ang sumunod na awit, may tumalon mula sa entrada patungo sa kinalalagyan ni Grace Poe. Nakita ito ni Jim. Isang lalaking nakasuot nang damit ng pulis PNP ngunit may hawak na samurai. Nakahaba ang kaliwang braso at kamay nito na tila inaabot ang dulo ng sandata, at ang kanang kamay ang mahigpit na humahawak sa sandata sa kabilang dulo. Madaling nakilala ni Jim ang kalaban nang makita ang pormang ito.

Tinyente Tagalog - Superherong Pinoy (Lieutenant Tagalog - Filipino Superhero)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!